Jake Cuenca takes a break from love

IMAGE 0


"Career na muna ang aatupagin ko. Hindi ko sinasabing sarado na ang pintoko sa love, lalo kung biglang may dumating, pero mas naka-focus na kasi ako satrabaho. Sa klase ng schedule ko, malabong maisingit ko pa ang lovelife," says Jake Cuenca.



Nalagpasan ni Jake Cuenca ang stage na minamaliit angkanyang nagagawa. Nitong nakaraang taon, pinatunayan niya na deserving saipinagkakatiwalang breaks sa kanya ng ABS-CBN.

Ngayon ay sa drama-action genre siya sinasabak via TayongDalawa, ang bagong teleserye ng Kapamilya network na pinagbibidahan din ninaKim Chiu at Gerald Anderson.

"Kina-career ko talaga ang taping para rito," sabini Jake sa PEP (Philippine Entertainment Portal) "Nagkakasakit na nga ako,pero talagang kailangang maging credible kami ni Gerald sa roles namin as youngsoldiers na parehong graduate ng Philippine Military Academy [PMA]. Parangnag-train na rin kami with PMAers, para lahat ng galaw namin at iba pangdetalye, maging kapani-paniwala."

Nagkaroon nga raw sila ng immersion sa mismomg PMA. Pati rawkasi sa pagmamartsa, kailangang alam nila ni Gearld ang tiyempo. Kung hindi,mahahalatang namemeke lang sila.

"Mahirap at mabusisi ang ganitong production, but it'sworth it," ngiti ni Jake.

Nahantad sa buhay-sundalo si Jake. Ito raw ang dahilan kungbakit, kahit paano, tumindi ang level of discipline niya sa maraming bagay.

"Nakatulong," aniya. "Disiplinado naman ako,pero mas na-realize ko na hindi ganoon kadali ang buhay. sa lahat ng bagay.Para mag-excel ka, kailangang mas pagtiyagaan mo pa."

Mature na rin talaga ang role na ipinagkatiwala sa kanya saTayong Dalawa. Hindi lang siya pamasak na pang-love triangle kina Kim Chiu atGerald.

"May angst yung character, at yung connection ko doonsa iba pa, yun ang dapat abangan ng televiewers na susubaybay," sabi niJake.

"May passionate love scenes kami rito ni Alessandra deRossi. Nandito yung mga eksenang dahil sa kalungkutan, nandoon si Alex sa tabiko, siya ang napagbuntunan ko. But, of course, matagal pa bago pumunta doon angistorya. Mas mauuna ang pag-e-establish sa characters namin nina Kim at Gerald,at kung paano 'yung koneksiyon namin sa isa't isa," kuwento ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAKING A BREAK FROM LOVE. Iwas-pusoy muna ang young actor sa kung anu-anong negang balita na may kinalaman sakanyang love life.

"Ayoko na muna," tahasan niyang banggit sa PEP."Career na muna ang aatupagin ko. Hindi ko sinasabing sarado na ang pintoko sa love, lalo kung biglang may dumating, pero mas naka-focus na kasi ako satrabaho. Sa klase ng schedule ko, malabong maisingit ko pa ang love life."

Nasabi nga ni Roxanne Guinoo, kanya-kanya na muna silangbuhay. Pero kailangan daw na magkausap muna sila ng dating boyfriend. Ano angmasasabi ni Jake dito?

"Okey naman kami ni Roxanne," sabi ni Jake."Ayoko na lang mag-elaborate para wala nang ibang kuwento. Para sa akin,we're better off na wala na kami sa isa't isa, and she's doing okay namanwithout me.

"Kung magkakausap kami, time will tell kung paano at kungkailan mangyayari yun. Basta sa ngayon, so far, okey na wala muna kami sa buhayng isa't isa," dugtong ng binata.

Hindi nababalitaan si Jake na pupuwedeng magsangkot sa kanyasa panibagong love life.

"Pinalalaki lang kasi. Maraming naikukuwentong hindinaman totoo, pero accepted ko na ganoon talaga. Mas mabuting umiwas na langhangga't magagawa," sabi ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN