Anne Curtis sleeps with her Best Actress trophy

IMAGE 0


"Twelveyears na ako sa showbiz and acting is a passion for me, kaya dream-come-true saakin ang award na ito. God is so good talaga. This is my first actingtrophy, iyon lang ma-nominate ako, blessing na sa akin, manalo pa? Kaya ayokotalagang bitiwan ang trophy," says Anne Curtis.


Angganda-ganda ni Anne Curtis nang dumating sa Dencio's sa Marikina Riverbanks inMarikina City, kahapong lunch, December 29. Victory party iyon ng Viva Films atBida Foundations, mga producer ng filmfest entry nilang Baler. Nag-taping na raw siya nang maaga ng kanyang fantaserye naDyosa doon din sa Marikina, kaya nga rawnaka-hair extension pa siya at pagkatapos noon, babalik pa siyang muli sataping.

Tinanongagad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Anne kung totoo bang hanggang January2009 na lamang ang Dyosa. Nabalitakasi noon na extended pa ito hanggang February 2009.

"Yespo, hanggang January 16 na lang kami," nakangiting sagot ni Anne. "Nag-decidena rin po si Direk Wenn Deramas na tapusin na ang fantaserye namin dahilmatagal na rin naman kaming napapanood at happy naman kami dahil maganda angratings nito at nagugustuhan ng mga bata, lalo na ngayon na mas masasaya na angmga eksena namin."

Habangkumakain ng kangkong with bagoong, na isa sa mga paborito niyang kinakain saDencio's, ay tinanong namin ang mestisang aktres kung binati ba siya ng datingboyfriend na si Sam Milby sa pagkapanalo niyang Best Actress for Baler sa Gabi ng Parangal ng MMFF lastDecember 27.

"Opo,kanina, magkaeksena kami sa Dyosa,sagot agad ni Anne. "Hindi naman right after ako nanalo, pero binati poniya ako."

BEST ACTRESS. Ngumiti na langsi Anne nang tanungin ng PEP kung nakatulong ba ang breakup nila ni Sam paramahusay niyang magampanan ang role niya sa Baleras Feliza. Ang character kasi ni Anne sa pelikula ay iniwan ng mahal niya. Agaddin namang nagdugtong sa ngiti niya si Anne na marami pa raw ibang reasons kayamahusay siyang nakaganap sa papel ni Feliza na ikinapanalo niya ng MMFF Best Actress award.

"Perohindi ko po talaga in-expect that I will win," ani Anne. "Bastanang mabasa ko po ang script ng Baler,nagustuhan ko ito dahil hindi po naman ito isang war movie, kundi nakapaloobdito ang pagmamahalan nina Celso at Feliza. At feel ko po sa bawat eksenanaming gawin ni Jericho [Rosales] kay Direk Mark [Meily] kung gaano nilakamahal ang isa't isa. Marami pong eksena roon na hindi ko na mapigil angpag-iyak ko, kahit hindi pa ako dapat umiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Peronang mag-attend ako ng awards night, very proud po ako sa aming movie dahil angdami nang magagandang reviews akong nababasa. Manalo lang kaming BestPicture, okey na sa akin. Kaya nang marinig kong tinawag ang name ko ni KuyaIpe [Phillip Salvador], as Best Actress winner, talagang napatili ako nangmalakas. Nangalog na ang tuhod ko!

"Nangmatapos na ang hysteria ko, nagpasalamat ako kay Lord. What a way to end theyear with so much blessing!

"Twelveyears na ako sa showbiz and acting is a passion for me, kaya dream-come-true saakin ang award na ito. God is so good talaga. This is my first actingtrophy, iyon lang ma-nominate ako, blessing na sa akin, manalo pa? Kaya ayokotalagang bitiwan ang trophy.

"Nangtumuloy ako sa taping ng Dyosa afterthe awards night, inilagay ko sa harap ng mirror habang niri-retouch ang makeupko. Yakap ko rin ito sa pagtulog."

Birotuloy ng PEP kay Anne, baka dalhin pa niya sa Boracay ang trophy.

"Ay,hindi na po, baka mabasag lang," natatawang wika niAnne. "Tomorrow [today, December 30] kami pupunta sa Boracay. Buongfamily ko po. Narito kasi ang parents ko at mga sisters ko at blow-out ko naiyon sa kanila at celebration na rin ng panalo ko. Doon na kami magpapaabotng New Year. Pero babalik din kami agad kasi may trabaho pa rin ako after theNew Year."

Kinuwentong PEP kay Anne na baka magkita sila ni Dingdong [Dantes] na nasa Boracay dinwith his family.

"Ay,nandun din po si Dong? Magkasama kasi kami ni Dong noon sa TGIS (Thank God It's Sabado) nung nasaViva Films pa siya," nakuwento tuloy ni Anne.

THE WEDDINGAND MORE.After Dyosa, may kasunod na ba siyanggagawing teleserye?

"Dalawapong soaps. Tatapusin na rin po namin ang The Wedding with Zanjoe Marudo. Gusto pa rin po nilang tapusindahil maganda raw iyong mga nai-tape na namin noon at okey pa rin kahit lastyear pa namin sinimulan iyon. Three months lang po tatagal ang airing ng The Wedding dahil ayaw na rin ng ABS-CBNna matagal ipalabas ang isang teleserye. Hindi ko pa po puwedeng sabihinkung ano iyong isang teleserye na gagawin ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anyupcoming movie?

"Meronpo, under Viva Films and Star Cinema pa rin, pero siguro after na lang ng The Wedding. Hindi ko pa po alamang ibang plano sa akin ng Viva for next year, mag-uusap pa kami ng manager ko,si Ms. Veronique del Rosario-Corpus. Hindi kami masyado nakakapag-usap dahilnaging busy nga po ako sa Baler at Dyosa."

Endingthis interview, nakita naming mahilig pala si Anne na lagyan ng toyo (soysauce) ang kanin na kinakain niya. Nang pansinin namin iyon sa kanya, sagotniya'y puwede nga raw niyang iulam na sa kanin ang toyo, sabay tawa ng magandangdalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN