PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo willing to sacrifice lovelife for his son and career

Dennis considers year 2008 a "roller-coaster ride."
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 2, 2009
"Kung magiging hadlang sa dalawang ‘yan [his career and son Calix] ang makakatagpo ko sa personal kong buhay, kakalimutan ko muna ang personal na pangangailangan ko huwag lang may masaktan o magulo sa takbo ng buhay ko sa ngayon. Kailangan na nating magsakripisyo. Hindi madali pero dapat nating gawin para mas maging maayos ang taon natin," says Dennis Trillo.

Naging masyadong maintriga para kay Dennis Trillo ang taong 2008 kaya gusto niyang mas konti na lang ang maging tsismis sa kanya ngayong 2009.

Ipinagdarasal ni Dennis na mas maging maasyos pa ang relasyon niya sa kanyang anak na si Calix Andreas at sa ina nitong si Carlene Aguilar.

"Roller-coaster ride kung matatawag ang nangyari sa akin last year," sabi ni Dennis sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Yung tipong nakakahilo at minsan parang bibigay ka na. Pero isa sa mga natutunan ko ay ang maging matatag. Hindi puwedeng mahina ako, e. Ayokong masabi ng anak ko na hindi naging matapang o lumaban sa mga intriga ang daddy niya.

"I want Calix to be proud of me at siyempre pati na sa mommy niya. Gusto namin ni Carlene na maging maayos ang pagpapalaki namin sa kanya. Kaya nga I do my very best na makasama si Calix parati. Naiintindihan naman ni Carlene na mahirap ang schedule ko, pero ginagawa ko pa rin ang best ko para maging maayos ang oras ko with Calix."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpapasalamat si Dennis dahil nabigyan nga siya ng magandang pagkakataon ng GMA-7 para magbida sa isang malaking telefantasya tulad ng Gagambino. Ngayon ay isa sa mga top-rating primetime shows ng Kapuso network ang Gagambino, kaya naman ang tawag kay Dennis ngayon ay "Telefantasya King."

Bukod sa Gagambino ay kinuha pa si Dennis na maging prime endorser ng fashion brand na Soda Man at na-renew rin ang contract niya para sa Generoso Brandy.

"Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos at nabigyan ulit ako ng pagkakataon to prove myself," banggit ni Dennis. "Inaamin ko na napanghinaan ako ng loob noon dahil sa mga naging intriga sa akin. Akala ko noon, katapusan ko na. Pero pinatunayan ko naman na kaya ko pa at handa akong humarap sa mga challenges ulit. Masasabi ko na mas matibay na si Dennis Trillo sa taong 2009. Mas kakayanin ko na lahat ng mga darating pang mga intriga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LOVE IS NOT A PRIORITY. Sa usapang love life ay ayaw munang magsalita ng patapos si Dennis. Hindi raw siya magtutuldok sa anumang usapan tungkol sa pag-ibig. Para kay Dennis, bukas siya sa anumang relasyon basta hindi ito makakasira sa relasyon niya sa kanyang anak at sa kanyang propesyon.

"Kailangan din naman natin ng inspirasyon every now and then, di ba? Kaya open ang puso ko sa anumang puwedeng mangyari sa taong ito. Yun nga lang, priority ko ang aking trabaho at si Calix.

"Kung magiging hadlang sa dalawang ‘yan ang makakatagpo ko sa personal kong buhay, kakalimutan ko muna ang personal na pangangailangan ko huwag lang may masaktan o magulo sa takbo ng buhay ko sa ngayon. Kailangan na nating magsakripisyo. Hindi madali pero dapat nating gawin para mas maging maayos ang taon natin," pagtatapos ni Dennis.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung magiging hadlang sa dalawang ‘yan [his career and son Calix] ang makakatagpo ko sa personal kong buhay, kakalimutan ko muna ang personal na pangangailangan ko huwag lang may masaktan o magulo sa takbo ng buhay ko sa ngayon. Kailangan na nating magsakripisyo. Hindi madali pero dapat nating gawin para mas maging maayos ang taon natin," says Dennis Trillo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results