Sidelights: Shoe Show of Charles & Keith

IMAGE 0


Ben Chan (second from left), top honcho of Bench, brought in Charles & Keith to the Philippines eight years ago.Bench endorsers (from left) Diether Ocampo, Jomari Yllana, Lucy Torres-Gomez, and Richard Gomez all came to the event.


Hindinakapagtataka kung mga celebrity endorsers ng Bench clothing line angnagpatingkad sa launching ng Charles & Keith Ladies' Fashion Footwear naginanap sa Greenbelt 5 noong January 9, dahil franchise pala ni Ben Chan, may-aring Bench, ang nasabing footwear line dito sa Pilipinas.

Earlybirds ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres.

Sapanayam sa kanila ng PEP (Philippine Entertainment Portal), napag-usapan angbalitang on the family way ang magandang asawa ng aktor. Both wished therumors were true. "Talagang gusto naming maging totoo kaya lang, talagangwala, eh...Pero very optimistic si Lucy. We're hoping that this year magkaroonkami ng baby," pahayag ni Goma.

Ayonnaman kay Lucy, hindi naman sila na-bother sa news, instead, ikinatuwanila ito ni Richard. "The closest I can think of, every year kasi,tinatanong kami kung ano yung wishes namin. Naging vocal naman ako insaying na we really want a second child, that's all. I really don't know wherethat ‘two months' came from pero sanamagkatotoo."

Samantala,very elegant si Isabelle Daza, na anak ng 1969 Ms. Universe na si Gloria Diaz,nang gabing 'yon. She is currently finishing her studies at De La Salle Universityat nasa fourth year na. Hopefully, she will graduate with honors.

Aftergraduation, magde-decide na siya kung mag-aartista ba siya o sasali sa beautypageant. "Right now, my priorities are school and, hopefully, I'll finishthat and see what [happens] after. Beauty contests are hard, it's tough. Thereare many beautiful women out there...We'll try. Showbiz naman, it's very hard. Nowit becomes a tri-media, an artist should know how to sing, dance, act, andhost. I grew up with my mom. She works late hours and sleep very, verylate."

Dumatingdin si Jomari Yllana na guwapong-guwapo pa rin kahit na abalang-abala siya sa ipalalabasna concert sa Araneta Coliseum sa February 6. Missing You ang pamagat nito at itatampok sina Martin Nievera andPops Fernandez, at si Jomari ang producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayonsa kanya, "Nakakapagod ang pagpo-produce ng concert atnakaka-stress. Pero it's fun naman. Yun fun time sa amin ay yung learnings, fromproduction to ticket sales."

PriscillaMereilles graced the event sans John Estrada. Kinumpirma nito ang pagdating ngkanyang mga magulang noong holiday season pero nakabalik na raw sila sa U.S. "Allgood words" daw ang nasabi ng mga magulang nito kay John, who served as theirvery efficient tour guide sa pamamasyal nila sa Subicat iba pang lugar.

RegineAngeles, the winner of Be Bench, was alsospotted. Ayon sa kanya, she has been loveless since she won the Be Bench contest, pero happy naman siyadahil maraming siyang guest roles sa mga shows ng ABS-CBN.

Nandoondin si Karylle, who looked so lovely and sexy but unescorted. Bigla itongtumili noong biruin namin na kahit unescorted siya ay may susundo naman sakanya.

Aniya,she is busy completing her first album, under Poly BMI, which will be released thisFebruary. "Tatlo sa mga kanta doon, ako ang sumulat," masaya nitongpahayag. Sabay din dito yung pagde-deny niya na si Christian Bautista angnagbigay ng bouquet of roses na iniabot sa kanya noong nag-guest siya sa The Buzz. "Sa totoo lang po,secret. Alam mo sa play, maraming nagbibigay ng regalo sa opening night. Traditionna ito pero yung sa The Buzz, pagalam ko na sasabihin ko."

Ang may bitbit na surprise that night was Diether Ocampo. Sumulpot ito na maykasamang mestiza lady, na constant date daw ng aktor. Walang napigang balita mulasa actor, lalo tungkol sa date niya. Pero napag-alaman namin na RimaOtswani ang pangalan ng babaeng nagpapasaya ngayon kay Diet.

Sapangkalahatan, naging matagumpay ang nasabing launch ng Charles & Keith fashionfootwear. At hindi tulad ng ibang events, walang anumang aberya na naganap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa mga larawan, CLICK HERE.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN