Jake Cuenca once considered enrolling in Philippine Military Academy

IMAGE 0


Jake Cuenca feels excited and pressured about doing the teleserye Tayong Dalawa, wherein he plays the role of a young man enrolled in the Philippine Military Academy.



Para kay Jake Cuenca, magandang pagkakataon ang ma-feature muli siya sa Maalaala Mo Kaya especially for its opening salvo this year. Bukas ng gabi, January 3, sa MMK ay mulingmapapanood ang balik-tambalan ni Jake at Roxanne Guinoo. Gumaganap sila bilang mag-asawa na nalamang infertile or baog pala ang Jake character.

"'Yung mindset namin ni Roxanne at ng mga staff and crew kahit good take na, kapag pinapanood namin ang playback at hindi kami emotionally satisfied sa nangyari, wala nang hiya-hiya, uulitin namin. ‘Yung mindset namin na it's opening salvo. We have to start the year right at siyempre, balik tambalan din namin ni Rox. Kumbaga, kailangan meron kaming ipapakita sa mga tao na hindi pa naming naipapakita."

Wala rin daw problema sa kanya kung muli silang ipa-partner dahil trabaho raw ‘yun, although sa ngayon, masaya raw siya sa nangyayari sa kanyang career bilang walang permanenteng ka-loveteam.

"Given the opportunity naman, I'll gladly take it, pero sa ngayon, I'm proud for both of us because we are succeeding in our solo career. Siyempre doing solo is really satisfying as an actor and as an actress. Siya rin naman, she feels the same way."

TAYONG DALAWA. Sa ngayon, obvious sa bawat pananalita ni Jake ang excitement basta tungkol sa Tayong Dalawa ang pinag-uusapan. Itong primetime series ay magsisimula nang mapanood sa ABS-CBN ngayong January.

"Sa Tayong Dalawa, dito makikita ninyo ang pinakamahirap na role na nai-portray ko ever. This is the most complicated role. Ang requirement sa Tayong Dalawa, ‘yung commitment talaga. Siyempre, kapag gumagawa ka ng soap, minsan magugulat ka sa mga pangyayari. Kapag nasa set ako, ako si David Garcia talaga. Hindi ko tinitingnan ang phone ko, hindi ako masyadong nakikipag-usap sa phone or text.

"Pagdating ko sa set, ang nanay ko si Agot Isidro. Ang lola ko, si Helen Gamboa. Tatay ko si Miguel Faustmann. Kapatid ko si Gerald Anderson at si Kim Chiu ang pinakamamahal ko. So, iba ang level of commitment ko rito at masasabi ko na ngayon pa lang ako nag-commit dito ng ganito kagrabe," paliwanag niya.

Ayon kay Jake, noong dumating daw siya sa point na feeling niya, down siya, sumagi raw sa isip niyang pumasok din sa pagiging isang sundalo.

"'Yung bestfriend ko kasi, nasa PMA [Philippine Military Academy]. So, noong medyo down ako sa showbiz back then, naisip ko na parang gusto kong sumunod sa best friend ko. Parang pareho kami ng best friend ko kasi nga, baka ‘yun din ang buhay para sa akin.

"Pero ang pag-aartista kasi, mahal ko ang showbiz. So, sa soap namin ngayon, feeling ko pinakamahirap ‘yung pressure na panonoorin kami ng mga PMA'ers, panonoorin kami ng mga sundalo. Siyempre, sila, alam nilang lahat. Pero gusto ko rin na mapanood ito ng mga batang sundalo at ma-inspire pa sila lalo para sa pagtatanggol sa bansa."

Tinanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jake kung hindi ba niya naisip na magmukha siyang kontrabida sa love team nina Gerald at Kim?

"Siyempre ano naman, love triangle talaga ‘yan. Pero, nirerespeto ko naman ‘yung lovet eam nila ni Gerald. But more than anything else, this is a family-driven story. Mapapanood nila ang drama namin sa bawat pamilya. The love triangle is a major part of the show, but most importantly is the family."

Dugtong pa niya, "Sa love triangle, sa mata siguro ng ibang tao, puwedeng lalabas na kontrabida, sa mata ng iba, puwede namang hindi. But the trailer says it all naman. Kung ano nakita n'yo sa trailer, may idea na rin kung ano ako or kami sa soap."

Aminado si Jake na nakaramdam rin siya ng pressure raw nang malaman niya na makakatrabaho niya ang veteran actors and actresses.

"Sobra! Sa simula, story conference pa lang, parang nangangatog na ang tuhod ko. Pero at the end of the day, nang magsimula na kaming mag-taping, iba, eh...alam n'yo, itong mga kasama namin, it's a pleasure to work with them. Pero, pinapanood mo pa lang, natututo ka na.

"Pero hindi lang ‘yun ang ginagawa nila. They go the extra step and teach us on what they know. So, ang gandang experience. Kasi, sobrang accommodating nila. Sina Ms. Pie [Cherry Pie Picache] and Ms. Helen [Gamboa], ‘yung dalawang ‘yun, kinabahan talaga ko. Si Ms. Agot [Isidro] kasi, naka-trabaho ko na, pero at the end of the day, kami ni Ms. Helen, kung hindi mo kami kilala, para na kaming mag-ina. Nagugulat nga ang mga staff and crew. Kaya si Tita Helen, mahal na mahal ko talaga siya. Pumupunta ako ng taping na excited akong makita siya. Ang bait sa akin nun, sobra!"

LOOKING BACK ON 2008. Natapos ni Jake ang taong 2008 sa magandang paraan—namahagi siya ng kanyang blessing sa CRIBS Foundation noong mismong 21st birthday niya last December 30. Kahit sabihin pa rin daw na hindi nawawala ang mga intriga, Jake considers 2008 as one of the best years for him.

"Actually, ang daming highlight na nangyari. The big highlight na nga was Palos. It was a very big thing for me. Siyempre, the Bench fashion show dahil every time na nagkakaroon ng Bench fashion show, big deal yun talaga para sa akin. Yung team-up namin ni Shaina Magdayao [para sa Dragonna].

"Sa lovelife ko, maraming bagay akong pinagdaanan sa 2008 pero yung mga bagay naman na yun, sobrang learning experience sa akin at marami akong natutunan. Sa family ko naman, siyempre the biggest thing ay noong umuwi ang mommy at daddy ko, kapatid ko. So, kapag niri-review ko nang mabuti, mas marami talagang magagandang bagay na nangyari sa akin sa 2008. Sobrang dami!"

This 2009, ano ang mga ine-expect naman niya?

"Siyempre, ‘yung airing ng Tayong Dalawa, airing ng MMK, yung movie ko, lalabas na rin. First movie ko sa 2009 mangyayari, so maraming first na mangyayari sa akin for 2009 at sana, tuloy-tuloy lang.

"Sana ganoon pa rin ang flow ng projects. Nakaka-excite kasing mag-portray ng iba't ibang tao, so, sana magpatuloy lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN