PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips: Pricey PHP47K Chinese New Year Tree!

Willing ka bang gumastos para sa pamasuwerte?
Writer Mavell Macaranas-Dojillo Interviews Bernie V. Franco
Published Feb 8, 2024
Kiat kiat tree
Ngayong Year of the Dragon, bumili ka ba ng kiat kiat tree, o tree of fortune, na libu-libong piso ang halaga, bilang pampasuwerte?
PHOTO/S: Fig & Vine

Hanggang magkano ang kaya mong gastusin para sa pampasuwerteng kiat-kiat tree?

Alam mo bang tuwing sasapit ang Chinese New Year, may demand sa citrus tree na ito na pinaniniwalaang money prosperity lucky charm.

Ang presyo, depende sa taas o dami ng bunga nito, ay mula PHP800 hanggang PHP47,000.

Ito ang nalaman ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) mula sa pag-iikot nito sa mga tindahan ng mga pampasuwerte, at pagtatanong sa online marketplace.

Ilan din sa mga may-ari ng tindahang napagtanungan ang nagsabing “out of stock” na ang kiat-kiat tree.

Sa website ng Fruit Loot Ph, sinabi ritong base sa paniniwala ng mga Intsik, “the Kiat-kiat fruit symbolizes financial luck so buying this money tree before Chinese New Year is said to bring you more wealth and fortune.”

Mahigpit din ang bilin sa mga tatangkilik ng ibinibenta nitong four feet tall money tree na nagkakahalaga ng PHP8,000: "Do not harvest or eat the fruits before Chinese New Year.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Galing ang mga puno sa China.

Ang Fruit Loot Ph ay isang online store ng mga imported fruits. May pick-up location ito sa Binondo, Manila, ngunit maaari ring ipadala ang order ng mga customers nito saan man sa Metro Manila, Cavite, at Bulacan.

Read: How to attract good fortune in Year of the Wooden Dragon, according to Feng shui coach Johnson Chua

BAKIT ANG MAHAL NG KIAT-KIAT TREE?

Limitado ang impormasyon online kaya nagtanong ang PEP.ph sa mga sellers.

Offhand, isang factor dito na ini-export pa ito mula sa ibang bansa, tulad ng China.

Ang Pundisyon Grafted Fruit Trees ay nagbebenta ng mga kiat-kiat trees. Nasa PHP800 lamang ang presyo ng regular, habang PHP 3,500 naman ang “nearly fruiting”.

Ngunit wala silang mga puno na hitik sa bunga.

Mas mataas daw ang presyo ng mga namumungang kiat-kiat.

Samantala, isang seller sa Facebook marketplace ang dapat sana ay magbibigay ng paliwanag tungkol sa presyo ng kiat-kiat tree, ngunit kalaunan ay tumanggi nang sagutin ang mga katanungan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang parehong seller ay may presyong PHP 1,235 sa post nito, pero nang usisain ay PHP 19,500 pala ang totoong presyo niyo.

Isa pang seller sa FB marketplace ay may presyong PHP11,000 para sa kiat-kiat tree na 2.5 feet tall, habang PHP30,000 naman ang 5 to 6 feet tall.

Hindi ito nalalayo sa asking price ng ibang sellers, lalo na kung ang pag-uusapan ay yung mabungang kiat-kiat tree na may mga Chinese knots na pantaboy ng bad spirits.

Sa carousell.ph, isa pang consumer-to-consumer marketplace, ay mayroong naka-post na nagkakahalaga ng PHP 47,000 mula sa Crimson Trading.

Hindi tulad ng ibang listing, walang ibang detalye ang money tree bukod sa presyo nito.

Read: VIRAL: "Extravagant" cathedral in Bohol sparks debate among netizens; turns out it is edited

PAANO ALAGAAN NG KIAT-KIAT TREE?

Dahil napakamahal nito, marami ang napapaisip kung nararapat bang pagkagastusan ang money tree o makabuluhan ba ang presyo nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa mga naniniwala sa Feng Shui at sumusunod sa tradisyon ng mga Intsik, walang katumbas na halaga ang biyayang hatid ng mga lucky charms.

Bukod pa riyan, sadyang matamis umano ang bunga ng puno ng kiat-kiat kapag pinitas ito matapos ang Chinese New Year.

Ang Fig and Vine, isang floral studio sa Makati na nagbebenta ng five feet tall na kiat-kiat tree sa halagang PHP25,0000 ay may komprehensibong instruction para sa limited-edition offer.

Ayon sa website, kayang magtagal ng puno ng ilang buwan o taon kung aalagaan itong mabuti.

Narito ang guidelines, published as is:

“Display - Best to keep it outdoors or near a huge window where it will receive the most sunlight. Keep away from heater vents and direct air-conditioning.”

"Sunlight - Full sun or partial shade. Place the trees in the brightest location possible, especially if you’re placing them indoors.

"Water - Water the tree once or twice a week, or when the top two inches of the soil dries out.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Love's Happy Ending: Wedding proposal bashed as "so poor"; companies pitch in for grand wedding

At para maka-attarct ng fortune, dapat na ipuwesto ito sa doorway ng bahay sa pagsalubong ng Chinese New year.

DEMAND PARA SA PAMPASUWERTE NGAYONG CHINESE NEW YEAR

Hindi lamang ang kiat-kiat tree ang pinagkakaguluhan.

Samu’t saring pampasuwerte ang naglipana, hindi lamang sa Binondo o ang tinaguriang Chinatown ng Metro Manila.

Marami ring mabibili online, sa Facebook Marketplace at maging sa mga e-commerce websites tulad ng Shopee, Lazada, at Carousell.

Gayunman, naninidigan ang ilan na wala sa kiat-kiat tree, Chinese lanterns, red envelopes, o kahit anong auspicious symbols ang suwerte kundi nasa pagsisikap ng tao.

Hindi naman masamang sumunod sa tradisyon, ngunit hindi rin tamang iasa sa mga pampasuwerte ang kinabukasan at kabuhayan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong Year of the Dragon, bumili ka ba ng kiat kiat tree, o tree of fortune, na libu-libong piso ang halaga, bilang pampasuwerte?
PHOTO/S: Fig & Vine
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results