Dr. Hayden Kho admits suicide attempt, denies sex video with Katrina and Rufa Mae

IMAGE 0


Dr. Hayden Kho grants an interview for the first time about his much-publicized breakup with Dra. Vicki Belo.



Mapapanood mamayang gabi, December24, sa 24 Oras ang exclusive interview ni Lhar Santiago kay Dr. Hayden Kho, angbeleaguered ex-boyfriend ni Dra. Vicki Belo. Itoang unang pagkakataon na nagsalita si Hayden tungkol sa kanyang alleged suicideattempt sa pamamagitan ng drug (Valium) overdose noong December 10, 2008. (Click here to read related story.)

Labingtatlong araw na na-confinesi Hayden sa basement ng Makati Medical Center at lumabas siya ng ospital noongMartes ng hapon, December 23. Ang mga magulangni Hayden ang sumundo sa kanya sa ospital.

Matagal bago nakumbinsi si Haydenng kanyang pamilya na magpa-interview para pabulaanan ang mga balita nawala na siya sa sariling katinuan, bunga ng kanyang tangka na tapusin angsariling buhay.

Sa interview ni Lhar kay Hayden,inamin nito na totoo ang mga balita na sinubukan niyang magpakamatay nangmakipaghiwalay sa kanya si Dra. Belo. Hindirin niya itinanggi na nakasulat ang mga salitang "I love Vicki " sa kanyangkatawan nang matagpuan siya sa condo unit niya sa Makati City.

At ang pinakamahalaga sapahayag ni Hayden, hindi raw totoo na may sex video sila nina Katrina Halili,Rufa Mae Quinto, at ng ibang babae na iniuugnay sa kanya.

Ipinagtapat din ni Hayden kay Lharna nag-resign na siya bilang empleyado ng Belo Medical Group.

Malalaman mamaya sa 24 Oras angkumpletong pahayag ni Hayden tungkol sa current status ng relasyon nila ni Dra.Belo.

Naging high profile ang relasyonnina Dra. Belo at Hayden nang sumali ang guwapong doktor sa CelebrityDuets noong nakaraang taon at nang mag-umpisa ang kanyang showbiz career.

Samantala, nananatiling tikom angbibig ni Dra. Belo tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Hayden. Nagplano si Dra. Belo na magpalipas ng Pasko at Bagong Taonsa Amerika, pero hindi ito natuloy dahil sa pakiusap ng kanyang anak na siCristalle Henares na huwag na siyang umalis ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa malalapit na kaibiganni Dra. Belo, masyado itong nasaktan nang matuklasan niya na hindi nagingfaithful si Hayden sa kanilang tatlong taon na relasyon.

Ilang araw nang pinagpipistahan samga entertainment column at showbiz-oriented talk show ang balita na mayscandalous video si Hayden at ang mga babae na inili-link sa kanya at napanoodumano ito ni Dra. Belo. Pero sa kanyang pagtanggi, lalong uminit ang isyu. It'sHayden's words against his former (?) girlfriend's "discoveries."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN