Dingdong Dantes and Marian Rivera leave 2008 negative issues behind

IMAGE 0


Undoubtedly two of thehottest stars and newsmakers of 2008, Marian Rivera and Dingdong Dantes greetthe Year of the Ox with a new series, BabaengHinugot sa Aking Tadyang. "Nakakapagoddin kung i-entertain 'yong mga negative [issues]. So wala lang, happy na lang,"said Marian Rivera to GMA-7 News in an interview.


Matapos ang highly-successful na Dyesebel ay mulingmapapanood ang tambalang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa upcoming GMA-7primetime program, AngBabaeng Hinugot sa Aking Tadyang.Kahapon, January 6, ang unang taping day ng nasabing action-suspense series sa Sta.Rosa, Laguna.

Hindi kaila na naginghot topic sina Dingdong at Marian noong 2008 matapos mapabalitang may magandangnamamagitan sa dalawang young stars. Lalo pang uminit ang usapin nang makumpirmana break na sila Dingdong at longtime girlfriend nito na sa Karylle, at siMarian ang hinihinalang dahilan.

"Wala, magkaibigan pa rinkaming dalawa," sagot ni Marian nang tanungin siya ni Nelson Canlas ng GMA News tungkol sa currentstatus ng relasyon nila ni Dingdong.

Looking back ay sinabinaman ni Dingdong na maganda ang taong 2008 para sa kanya despite all thenegative issues na naglabasan, particularly during the latter part of the year.

"Siyempre, maramingnapagdaanan and masasabi kong it was a fresh start for this new year," sambitni Dingdong. "Hindi ko masasabingmas masaya kesa dati, iba-iba namang level of happiness ‘yan. Pero suma total, salahat ng mga blessings na natanggap at lahat ng mga bagong kaibigan na nakilala,lahat ng mga bagong realizations, I would say na masaya ako ‘tong 2009 dahil salahat ng nangyari nitong 2008—masama mano mabuti."

Very honest din siDingdong sa pagsabing hindi niya isinasara ang kanyang puso sa posibilidad namahulog nang tuluyan kay Marian.

"Siyempre, lahat possible,"diretsong pahayag ng aktor. "Hindi naman imposible dahil unang-una, parati kamingmagkasama. Nothing is impossible."

Para naman kay Marian, sinabi nito na ayaw na lang niyang patulan o isipin ang lahat ngnegative issues na dumating noong 2008.

"Nakakapagod din kung i-entertain yong mga negative[issues]. So wala lang, happy na lang," nakangiting pahayag ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN