Newcomer Marco Morales complains about spread of his nude photos on the 'Net

IMAGE 0


"Wala naman akong pupuwede pang sisihin sa nangyari. Iguess, isa 'yan sa lessons na dapat kong matutunan, na kung very willing akongmagtodo-hubad, mangyayari at mangyayari 'yan. Pero sana lang, naingatan, di ba?Wala naman akong reklamo na makita akong nakahubad, basta maganda ang anggulo,maayos yung makikita," says Marco Morales about the spread of his nude photos on the Internet.



And dating Showboys member ng SOP na si Marco Morales aydeterminado nang maging isang aktor.

Si Marco ay nalilinya sa mapangahas na pagganap. Una siyangnapanood sa Walang Kawala, na pinagbidahan nina Polo Ravales at Joseph Bitangcol, at walang takot nga siyang nag-frontal nudity roon.

Sa bago niyang indie film, na may pamagat na Butas (Loophole), hindi lang siyamapapanood nang hubo't hubad sa isang eksena kundi 17 sequences daw yun sapelikula na talagang nakabuyangyang ang lahat-lahat sa kanya.

"Wala naman akong pakialam talaga. Pero siyempre,gagawin ko lang yun sa pelikula," sabi ni Marco nang makausap siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa isang coffee shop sa Tomas Morato, QuezonCity.

Patuloy niya, "May repercussions lang, 'cause if youare branded as somebody daring in your portrayals, ang tendency, ganoon na rintalaga ang nagiging image mo. Kaya nagiging very careful ako pagdating diyan.Kung nakikita ako sa public places, I see to it na hindi ako kumikilos nangpalso.

"Happy naman ako kasi may mga feedback, lalo sa Internet, nanababasa ko ngang iba raw pala ako sa personal. May finesse daw, hindi garapal,nasa isang tabi lang. Yun naman talaga ang totoo. That's the real me, I don'treally show off. Iba nga lang kapag sa movie na, kung kailangang magpakita,bakit hindi ko gagawin? I don't really have qualms."

Kung sa Walang Kawala, na si Joel Lamangan ang nagdirek, ay machodancer ang role niya, sa Butas na idinirek ni Bong Ramos (Haw-Ang) ay isasiyang exhibitionist. May love scenes sila rito ni Gwen Garci na talagang talopna talop siya.

"Kung si Gwen nga, walang kaarte-arte, at isa talagasiya sa mga seksing babaeng nakilala ko sa showbiz, ako pa kaya?" rason niMarco. "I see nothing wrong with what I do, basta part ng movie yun. Anghindi ko lang gusto, kapag inilalagay sa maling perspective, na akala ng iba,nagwawala ako. So, it's really up to me kung paano maibabalanse yun. I canalways do that for a good role."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NUDE PHOTOS ON THE NET. Lumaki sa Australia si Marco. Mula12 years old siya ay roon na siya nanirahan at nakatulong nga marahil sa ganoonka-open minded yung mga taong nakakasama niya.

"May nudist camps sa Australia," aniya. "Youcan go there anytime, basta ba nasa right age ka na. Walang papansin sa 'yokahit maghubo't hubad ka pa. Walang malisya ang mga tao roon.

"Dito lang sa Pilipinas nagkakaroon ng mga isyung ganyan.Para sa akin, naging advantage siguro yun, kaya hindi mahirap para sa akin angmapaghubad, basta alam kong kailangan sa eksena," katwiran ni Marco.

Pero ano itong kumakalat na balitang nagrereklamo raw siyadahil kumalat ang nude photos niya sa Internet na kuha sa shooting ng Butas?

"Nagreklamo talaga ako, kasi hindi naman kailangangkumalat yun," sabi ng baguhang aktor. "Besides, kahit kasama sa pelikula yun,halatang stolen shot lang. Hindi talaga yung kasama sa eksena sa pelikula.

"I must admit, I felt bad. Kasi may friends akongtumawag pa sa akin, just to inform me na may ganoong photo. Nakita ko rin.Nasagwaan nga ako, kasi hindi artistically done yung shot. Kung sa movie kasi'yan, na-edit pa nang maayos, nailawan nang tama.

"Wala naman akong pupuwede pang sisihin sa nangyari. Iguess, isa 'yan sa lessons na dapat kong matutunan, na kung very willing akongmagtodo-hubad, mangyayari at mangyayari 'yan. Pero sana lang, naingatan, di ba?Wala naman akong reklamo na makita akong nakahubad, basta maganda ang anggulo,maayos yung makikita," pahayag ni Marco.

So, kahit nga magreklamo pa siya, alam niyang walangkapupuntahan. Sana nga lang, eventually mag-work daw yun sa advantage niya.

"At malaman lang ng mga tao na I did that 'cause it'spart of the movie," dagdag niya. "Hindi ko naman naiisip nakailangang madala na ako sa paghuhubad. Pero nagwi-wish ako na sana, mabigyandin ako ng ibang klaseng roles na hindi masyadong required mag-frontal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sabi ko nga, kung may pagkakataon, maganda angexposure, gagamitin ko pa rin yun para makilala rin ako as a legitimate actor.So far, I'm doing films with reputable filmmakers. Kaya kahit maghubad pa ako,alam kong may maganda pa rin yung epekto sa pag-aartista ko," pagwawakasniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN