Agot Isidro still "happily married" after eight years even without a child

IMAGE 0


"We're happily married. Nagkakaintindihan kami.Pati ang kakulangan namin, natanggap na namin. Pupuwedeng pag-usapan namin angoptions, mag-ampon kami. Pero sa ngayon, ang importante, yung pagsasama namin.Sa ngayon, hindi namin nararamdaman na may kulang," says Agot Isidro about her marriage with husband Manu Sandejas.



Walong taon na ringkasal si Agot Isidro sa asawa nitong isang kilalang advertising man, si ManuSandejas, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila binibiyayaan ng supling.Ito ang lagi na'y naitatanong kay Agot at mukhang mas bothered ang ibang taodahil mukhang ito na lang ang kulang para makumpleto ang kanilang pamilya.

"Mga aso nalang ang inaalagaan namin, at sila ang mga anak namin!" natatawang sabi niAgot nang usisain siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa anggulongito.

"Seriouslyspeaking, all the more na attentive kami sa nararamdaman ng bawat isa. Verymuch aware kami sa sitwasyon namin, at kailangang mas maging supportive kami saisa't isa, kaya laging bukas ang communication lines sa amin. Happy ako dahilmasuwerte ang gaya ko na hindi nababawasan yung attention na ibinibigay sa akinng mister ko through these years, despite the fact na wala pa kaming anak.Para nga kaming laging nagha-honeymoon," kuwento ng aktres.

LIKE NEWLYWEDS. Si Agot tuloy ang"baby" na napapagdiskitahan ni Manu. Marami ang nakakakita kina Agot at Manu saisang mall sa Alabang, at kahit sa Greenbelt, na namamasyal na para bang bagongkasal, laging magka-holding hands.

"Kasi, ganoonkami talaga," banggit ni Agot. "We're happily married. Nagkakaintindihan kami.Pati ang kakulangan namin, natanggap na namin. Pupuwedeng pag-usapan namin angoptions, mag-ampon kami. Pero sa ngayon, ang importante, yung pagsasama namin.Sa ngayon, hindi namin nararamdaman na may kulang.

"Kung sa tinginnamin, gusto naming subukang magkaanak uli, bakit hindi? We can try. Gusto langnamin yung sa natural na pamamaraan. May nag-suggest na i-try namin ang Invitro [fertilization], pero mas gusto namin yung normal at natural napamamaraan ng pagbubuntis. Kaya, so far, wala sa options namin ang bagay na'yan," naipagtapat ni Agot.

Maaaring sa ngayonay okey lang sila, pero sa ganitong sitwasyon, may tendency raw na manghinawaang lalaki, lalo kung hindi naman siya nabibigyan ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Anuman kasiang pinagdaraanan namin, maraming salamat na lang sa concern ng ibang tao. Peroang pinakamahalaga sa amin, yung pagsasama namin, na kahit ganito angsitwasyon, napoprotektahan pa rin namin yung relasyon.

"Ayaw namingmaging negative, at isipin yung hindi maganda. Wala naman kasing problema. Sofar, we're okay. Kaya mas mabuting ang maging center na lang ng lahat sa amin,sa guidance ni Lord, mapanatiling masaya at maayos ang pagsasama namin niManu," paliwanag ni Agot.

NOT A POSSIBILITY. Hindi nga langnakasagot agad ang aktres nang usisain namin ang magiging reaksiyon niya, kungsakali ngang magkaroon ng anak si Manu sa ibang babae.

"Ah, as inmagka-affair siya sa ibang babae, at magkaanak?" balik-tanong ni Agot."Naku, that's another story! Hindi naman yata ako papayag ng ganoon!

"It's not beingselfish, pero ano ba kasi ang tama? Lagi naman kaming nag-uusap, yung sanasabihin niya kung yun ba talaga ang makapagpapasaya sa kanya sa pagsasamanamin. Kung hindi naman, bakit niya gagawin yun? At bakit ako papayag?"katwiran ni Agot.

Mukhang open-mindednaman ang mister niya sa sitwasyon ni Agot at nagpapaka-busy nga ito,portraying mom to Jake Cuenca in the new ABS-CBN teleserye Tayong Dalawa.

Kumbaga, tuloy angbuhay kay Agot. Kahit nga nakarating sa kanya ang balita na isa raw sa dahilanng napapabalitang paghihiwalay nina Beth Tamayo at Johnny Wong, isang richbusinessman na matagal na ring kasal kay Beth, ay yung wala rin nga raw kasisilang anak.

"Nakakalungkotnaman kung isa pa yun sa naging dahilan," nasabi na lang ng aktres."I'm not in the position to judge. Pero sana nga lang, yung ganoongsitwasyon, hindi umabot sa aming mag-asawa, na magkakahiwalay kami dahil walakaming naging anak.

"In a way,napapag-isip ako, pero ayoko namang magpaapekto dahil diyan. Sabi ko nga, lagikaming nag-uusap ng mister ko. Laging bukas ang puso niya para sa akin atnararamdaman ko 'yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And again, ayoko na lang mag-isip ngnegative. Pinagtitiwalaan ako ng ABS-CBN ng trabaho, okey sa mister ko, atsupportive naman siya. That means, balanse ang buhay namin bilang mag-asawa atsa kanya-kanyang career. Kulang nga lang yung anak, pero hindi naman dapat doonmagtapos yun," pagtatapos ni Agot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN