PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KC Concepcion on status of her relationship with Richard Gutierrez: "Action speaks louder than words."

KC talks about surprise birthday greeting of her Papa Gabby Concepcion to her Mama Sharon Cuneta.
by Rose Garcia
Published Jan 11, 2009
"Marami po talaga kaming pinagdaanan ni Chard. So it is a very special friendship and relationship. Kasi, what you see is what you get. Kung ano ang nandito ngayon, ito na po talaga yun. Kaya matatag po ang friendship namin. Sobrang strong po ng foundation namin ni Chard," says KC Concepcion about leading man Richard Gutierrez.

Bago umalis patungong Coron, Palawan, kaninang umaga, January 11, sina KC Concepcion at Richard Gutierrez ay nagkaroon muna ng press conference para sa Valentine's movie nila under GMA Films and Regal Entertainment, When I Met You, sa Imperial Palace Suites kagabi, January 10.

Ang pelikulaay bahagi pa rin ng ex-deal na ginawa nila when Richard and KC did a movie for Star Cinema last year, For The First Time, na nagtagumpay sa box-office. Ang tanong ngayon, mas mabigat ba ang pressure sa kanila dahil kailangan nilang higitan o mapantayan man lang ang unang pagsasama nila?

Ani KC, "Opo nga... Pero okey lang naman kasi second movie po namin ito ni Chard and now with Direk Joel Lamangan. At si Direk Joel po, sobra po siyang... Ang tingin po namin sa kanya, sobrang inspired po siya tuwing shooting days namin. Tuwing dumarating po kami, parang may bagong magaganap sa shooting, may bagong surprise sa amin, sa mga shots niya, sa mga ginagawa niyang eksena, at ang gaganda po ng mga scenes namin so far.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maganda po ang experience namin at sobrang challenging po dahil sa sobrang daming pinagdaanan ng script at pelikulang ito. Worth it naman pong lahat," saad ng actress-singer.

Anong difference ng mga character nila from their first movie together?

"Yung situation na ibinigay sa amin, sa character po ni Chard at sa character ko, puwede po siyang ma-misunderstood sa totoong buhay. Pero nangyayari po talaga ang ganoong sitwasyon," paliwanag ni KC.

DIFFERENT ENVIRONMENT. Definitely ay naging maganda ang treatment ng Star Cinema kay Richard nang gumawa ito ng movie sa kanila last year. What about KC, kumusta naman ang working experience niya now that that she's working with GMA Films and Regal Entertainment?

"Of course, nagpapasalamat din po ako kina Tita Annette [Gozon-Abrogar], Tito Joey [Abacan], and Mother Lily Monteverde for making sure na inaalagaan po ako, kami... Siyempre po, iba ang environment sa GMA. Karamihan po ng crew, lahat po lalaki. So, medyo naninibago pa po ako. Pero okey naman po ang pakikisama namin sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po ako, kung tutuusin, taga-GMA. Pero siyempre, kahit papaano po, kailangan extra effort din po na kailangang ma-prove ko po ang sarili ko na madali naman po akong katrabaho sa set. And yun nga po, masaya naman po ang welcome sa akin," lahad niya.

THE REAL STATUS. Ginagawa pa lang nila noon ang For The First Time, marami na ang nagsasabing sila na ni Richard. Pero ngayon, mas kapansin-pansin na mas lumalim pa ang closeness nila at hindi rin maikakaila na mas palagay sila sa isa't isa.

So, ano na ba ang totoong estado ng relasyon nila?

"Siguro, action speaks louder than words, yung ganoon pa rin," sagot ni KC. "Kasi nag-iba po ang level ng friendship namin ni Chard. Lalo na at second film namin, mas may mga nadi-discover kami tungkol sa isa't isa. At sobrang mas relaxed po talaga ang second movie. Although may pressure pa rin, but we're more partners now talaga as a working team.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"At the same time, parang kilala na namin ang isa't isa talaga. And you get close po talaga habang nagta-travel kayo. Heto na naman, lilipad na naman kami. At sa Palawan po talaga ay napakagaganda ng makikita namin doon. At maise-share na naman namin ang mga experience na yun."

Dugtong ni KC, "Marami po talaga kaming pinagdaanan ni Chard. So it is a very special friendship and relationship. Kasi, what you see is what you get. Kung ano ang nandito ngayon, ito na po talaga yun. Kaya matatag po ang friendship namin. Sobrang strong po ng foundation namin ni Chard."

KC LOVES PALAWAN. Marami ang nagtatanong kung bakit this time, hindi na sila nag-location shoot sa ibang bansa. Sa una kasi nilang pelikula ay nagpunta pa sila ng Greece para mag-shoot, kaya many were expecting na baka mas higitan pa nila ang Greece.

"Ay naku, hindi po nila-lang lang ang Palawan!" bulalas ni KC. "Promise ko sa inyo, dati pa po, Palawan is my favorite place to visit. Promise po talaga, sobrang nakaka-proud po talaga! Kung ang ibang Pinoy po hindi pa nakakapunta, they can see Palawan through our movie po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At hindi po dahil sa may pelikula kami run, pero kung mababasa n'yo po mga past interview ko po, palagi ko pong mine-mention ang Palawan. For me, the best! Number one po talaga ang Palawan! Ang ganda ng sand, ang ganda ng tubig, ang babait ng mga tao. Sobrang perfect po siya! Yun lang po ang masasabi ko."

Nabanggit din during the press conference na pansamantalang titira silang lahat sa Club Paradise sa Coron, Palawan.

GABBY'S SURPRISE MESSAGE. The night before this presscon, nag-perform si KC sa Songs of My Heart, ang January 9 mega-birthday concert ng kanyang ina, si Sharon Cuneta.

Puwedeng sabihin na isa ito sa inabangan ng mga nanood sa Araneta Coliseum tulad noong nakaraang taon. Pero bukod sa bonggang dance number ni KC, ang masasabi naming nakapagpa-excite nang husto sa mga nasa Big Dome ay ang surprise VTR greeting ng ama ni KC na si Gabby Concepcion sa kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang reaction niya sa pangyayaring yun?

"Naloka talaga ‘ko!" sambit ni KC. "Gusto kong mahimatay nung time na yun. Nasa backstage ako noon, nagpi-prepare para sa dance na ginawa namin at bigla ko pong narinig ang boses ng tatay ko! At pagtingin ko, siya nga ang nasa monitor!

Patuloy niya, "Mukhang okey naman pong lahat. Sobrang cool lang lahat ng tao sa Araneta. Kasama na rin po ang pamilya ko at pamilya ni Papa. It's very fulfilling, yun lang po. At talaga namang trinabaho ko rin po yun bilang panganay na anak nila, na magkaroon ng konting peace sa kanilang dalawa."

Masaya naman daw ang mama niya sa nangyaring yun dahil maganda ang naging reception ng pagbati ni Gabby.

Posible kayang sa premiere night ng When I Met You ay hindi na magkahiwalay ng sinehan ang mga magulang niya kapag pinanood ang movie nila ni Richard, hindi gaya noong For The First Time?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Depende po ‘yan kung bumalik si Papa dito sa Pilipinas!" natatawang sabi ni KC. "Pero siyempre, of course po, lahat ng loved ones, invited diyan... Pero oo nga, ‘no? Sige, paplanuhin nating mabuti ang choreography natin diyan. Of course, it would be ideal to have everyone there...again. So, tingnan na lang natin."

When I Met You will have its premiere night on February 10 at SM Megamall, possibly in three theaters. Regular showing starts on February 11.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Marami po talaga kaming pinagdaanan ni Chard. So it is a very special friendship and relationship. Kasi, what you see is what you get. Kung ano ang nandito ngayon, ito na po talaga yun. Kaya matatag po ang friendship namin. Sobrang strong po ng foundation namin ni Chard," says KC Concepcion about leading man Richard Gutierrez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results