Sheryl Cruz still friends with husband after marital separation

IMAGE 0


"Kahit namanwala na si Norman sa buhay ko, we are still friends. We still communicate atparati silang nagkakausap ni Ashley. Yun naman ang importante, di ba? That ourdaughter is seeing us na magkaibigan pa rin," says Sheryl Cruz.



For the very first time, nagkuwento na si Sheryl Cruz tungkol sa breakup nila ng kanyang mister na si Norman Bustos. Nitong nakaraang 2008 ay kinumpirmang aktres na hiwalay na sila ng kanyang Fil-Am husband after 12 years as a couple.

Sa naganap nareunion ng That's Entertainment sa Walang Tulugan With the Master Showman ni Kuya Germs lastSaturday night, January 10, nagsalita si Sheryl. Gusto na raw kasi niyang magingopen sa mga nangyari sa kanya nitong nagdaang taon.

"I cannot deny thefact that it was really hard for me and for my daughter to go through sanangyari," umpisa ni Sheryl. "But we are coping with it very well. Kahit namanwala na si Norman sa buhay ko, we are still friends. We still communicate atparati silang nagkakausap ni Ashley. Yun naman ang importante, di ba? That ourdaughter is seeing us na magkaibigan pa rin."

Sinabi rin ni Sherylna in the process na ang pag-file niya ng divorce at pati na ang annulment ngkasal nila rito sa Pilipinas.

"Lahat naman ng mgalegal papers ay inaasikaso naman," banggit ni Sheryl. "But I really don't wantto talk about it, kasi nga naka-file na ang mga ‘yon. I am just waiting for itall to be finalized.

"Ang maganda na langis my relationship with Norman is still okay. Hindi nga lang kami magkasamabecause we decided to live separate lives. Gano'n talaga at tanggap na namin‘yon."

NOT YET DATING. Nangtanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sheryl if she is datingsomeone, aniya ay wala pa raw sa isip niya ngayon ang makipag-date sa iba.

"Definitely hindi kopriority ang makipag-date," sabi niya. "Masyado akong busy ngayon because ofthe many things I am doing. Plus I am taking care of my daughter. Ayoko namangisipin niya na nakikipag-date ako with other guys, e, nandiyan pa naman angdaddy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think daratingnaman yung dating when the right time comes. Ngayon kasi, hindi talaga pupuwedeand I am okay with myself sa ngayon. If I do go out on dates, it's with friendsand family.

"Kung si Norman nakikipag-datesa iba? I really don't know kasi hindi naman ako nagtatanong sa kanya. If heis, good for him, di ba? It means na he is moving on. Kailangan din naman natinlahat ng inspiration. Ako, ang inspiration ko is my daughter and she's enoughfor me."

BACK TO RECORDING.Balik recording si Sheryl ngayon at malapit nang ipalabas ang kanyang album titledThere's No Place Like Home. Puro original songs ang laman ng kanyang albumna produced ng Wow Music at dedicated nga raw ito sa mga Overseas FilipinoWorkers (OFW).

"The songs in thealbum vary. May love songs, ballads, pop, and inspirational. I wrote one songin the album and it turned out okay. I will be promoting the album when itcomes out in February.

"First love ko namantalaga is singing, di ba? And writing songs has been a dream of mine. Nagawako na nga ‘yon and I am very happy with the result. Hopefully, I get to writemore songs in the future."

HOLIDAYS IN PINAS.Noong nakaraang Pasko at Bagong Taon ay nandito sa Pilipinas si Sheryl at anganak niyang si Ashley. They spent the Holidays kasama ang kanyang pamilya atmga kamag-anak.

"It was a simple yetmeaningful Christmas for me and Ashley. Nandito rin kasi ang brother ko na siRenzo [Cruz] and his two kids. Kasama namin ang ibang relatives during the holidays. Hindi naman kasi kami makapag-out of the country because I havetaping for Luna Mystika and I was working on my album. Kaya dito na lang kami atmas masaya naman ang Pasko dito sa atin talaga," kuwento ng dating child star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN