Ara Mina admits dating young businessman

IMAGE 0


"If ever na magkaroon ng somethingtalaga, siguro I'll keep it private na lang. Ayoko nang pinag-uusapan ang lovelifeko. Kumbaga, I'm a new Ara Mina now, it's 2009," says Ara Mina.



Isa pang bagong segment ng Showbiz Central this year ay ang"Intriga Crossfire," kung saan haharap ang isang guest celebrity at iinterbyuhin ng limang hosts na sina Pia Guanio, Rufa Mae Quinto, Raymond Gutierrez, MoTwister, at John "Sweet" Lapus.

Kahapon, January 11, ang unang sumalang sa "IntrigaCrossfire" ay si Ara Mina. Kaya hirit agad nito nang makitangnakapalibot sa kanya ang mga host ng Showbiz Central, "Ano ‘to? Para akongbabarilin!"

"Ito ang ceasefire!" hirit ni Rufa Mae, na itinama ni Mo nangnatatawa na "crossfire." Pero sumagot pa rin si Rufa Mae, sabay sabi na, "Hindi!Kaya nga crossfire, parang ceasefire ang pagtanong! Ikaw..."

Unang tanong ay galing kay Pia. Nagsalita kasi ang ex-boyfriend ni Ara na si JomariYllana na si Pops Fernandez na raw ang huling babae sa buhay niya. Kapagnakakarinig siya ng ganoon, nakakaramdam ba ng inggit si Ara?

"Hindi, hindi ako naiinggit!" natatawa niyang sabi. "That'sgood for him, I hope..."

Sumunod na tanong ay galing kay Sweet. Bakit daw noong baguhanpa lang si Ara, papalit-palit siya ng pangalan? Parang sa isang taon, tatlongbeses siyang nagpalit ng pangalan?

"Hindi naman sa isang taon," paglilinaw ni Ara. "Parangisang movie, isang name yata before. Banggitin ko lahat ha... Aramina Reyes, DaraMina, Danica Gomez yung pinaka-last. Tapos sabi ko sa mommy ko, ‘Mommy, balikna natin sa Ara Mina.' Kasi yung mom ko, nag-iisip, parang iniisip niya, walangnangyayari sa career ko. Parang iniisip niya, 'Palitan natin ang screen namemo.'"

Gaano katotoo na may boyfriend ka na raw na bagongbusinessman, ang tanong naman ni Rufa Mae.

"Hindi naman... Basta, I'm seeing someone. He's a youngbusiness man," sabay bati ni Ara ng "Hi!"

"Wow, ang sweet!" sabi ni Rufa Mae.

"Yeah, he's so sweet and he's so nice!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano'ng business niya?" tanong ni Mo?

"Huwag na, he's a private person," iwas ni Ara.

Sa puntong ito, winarningan ni Pia si Mo to be careful in asking Ara dahil allowed lang silang magtanong ng isang question at a time.Pero dahil unang salang lang daw nila sa "Intriga Crossfire" kaya't pinagbigyannila si Mo na makapagtanong pa.

Ang tanong ni Mo kay Ara: "May bagong boyfriend ka, di ba?Pero sino ba ang mas minahal mo, Polo Ravales or Jomari Yllana?

"Okey, I'll be honest," sabi ni Ara. "Siguro kung sino yungpinaka-tumagal kong relasyon. Si Jomari yun at four years kami. At saka ganoonnaman yun, kung hindi n'yo mahal ang isa't isa, hindi naman kayo magtatagal."

On Raymond's turn, ang naging tanong niya kay Ara ay ito:"May nakarelasyon ka bang artista na hindi alam ng publiko?"

"Ay, hindi, honest naman ako. Siguro, merong naging close,pero hindi naman nakarelasyon."

Pagkatapos ng lovelife, tungkol naman sa professional life niAra ang itinanong nila.

"Gagawa ulit ako ng movie this yearand, I think, I will be doing two indie films. I support indie film at isa narito yung Marino," pagbabalita ng nakatatandang kapatid ni Cristine Reyes.

Pia asked, "Will we be seeing more of you here in GMA-7?"

"I'm freelance naman, e," sabi ni Ara. "Ever since, noonggumawa ako sa kabila [ABS-CBN], for that show lang at hindi ako naka-contractsa kabila. So, I can do any shows sa kahit na anong network."

"Sa tagal ng samahan n'yo sa Bubble Gang, nagsisisi ka ba naumalis ka?" tanong ni Sweet.

"I missed Bubble Gang!" sambit ni Ara. "But no, nonaman...it's just a matter of, you have to do something for yourself lang at walanaman akong bad blood dito sa GMA. Nagpaalam naman ako nang maayos. They allowme. At okey naman, even sa kabila. Ako naman, ano naman ako, Miss Friendshipnga ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Follow-up question naman ni Rufa Mae sa tanong niRaymond kung sino ang naging close ni Ara na hindi na-announce.

"A, si Ogie [Alcasid]," sagot ni Ara.

"Naging more than friends kayo?" singit ni Mo.

"Hindi naman more than friends. Ang iniisip kong relasyon,yung naging boyfriend. So, ka-close lang."

Tanong ni Mo, ano ba talaga ang naging pinakamalakingdahilan kung bakit sila nag-break ni Polo?

"Malaking dahilan? Wala naman. Hindi lang talaga kamimasyadong nagkakasundo. Iba ang gusto niya, iba ang gusto ko. Iba ang pananawniya sa buhay, so that's it. Small stuff. Kasi, I'm very independent person."

Sabi naman ni Raymond, he couldn't help but notice Ara'sring. Magkano ang cost nun?

"Grabe naman!" reaksiyon ni Ara. "Heto, actually,pinagdiskusyunan na namin ito ng kasama ko. Sabi niya, ‘Are you sure, you willwear that?' Baka pag-isipan nilang engagement ring or something."

Pagkatapos nito ay ipinaliwanag niya kung saan nanggalingang dalawang singsing na nasa daliri niya.

"Okay, this ring [diamond ring], I owe this to my mom. Itoyung engagement ring niya before sa isang guy na namatay. At ibinigay niya saakin."

Yung isa naman daw ay "ang kauna-unahang ring na nabili ko.At kung engagement ring man ito, magiging proud ako. Papangalandakan ko na mayengagement ring ako."

How much?

"I don't know how much... Hindi ko pa napapaa-ano sa jewelerkung magkano. Hindi pa ako ipinapanganak [nung binili] sa diamond na ito, e."

Wika ni Pia kay Ara, kung sakali raw na ma-solidify ang relationship niya with the businessman, makababalik sana si Ara sa Showbiz Centralpara magkuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Yeah, but you know, if ever na magkaroon ng somethingtalaga, siguro I'll keep it private na lang. Ayoko nang pinag-uusapan ang lovelifeko. Kumbaga, I'm a new Ara Mina now, it's 2009," pagtatapos ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN