Jed Madela does not need girlfriend to disprove 'gay' rumor

IMAGE 0


"If people think I'm like that because of the way I talk, orhow I look, I'll look at myself and ask, ‘Bakit kaya? Siguro masyadong mahinhinyung mukha ko o masyadong malumanay akong magsalita. Siguro I should dosomething about it, for the better," says Jed Madela about blind items saying that he's gay.



Year 2008 has been good for singer JedMadela's career.

Sa pagsisimula pa lang ng taon ay nakalinya na ang mgatrabaho ng mahusay na singer. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin mamatay-matay ang mga blind items obviously referring to Jed. The never-ending gender issue—sa kabila ng ilang ulit ngpagbibigay linaw ng singer—ay ayaw tantanan ng tabloids at patuloy pa ringpinag-uusapan.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal)kay Jed noong Linggo, January 11, sa ASAP '09, hindi niya itinanggi na sa mgaunang taon niya sa showbiz ay naapektuhan siya sa nasabing gender issue, lalo'tnaapektuhan din nito ang kanyang pamilya.

"At first, galit na galit ang pamilya ko, my mom and my dad.‘Ano ba sila? Di ka naman nila kilala, hinuhusgahan ka nila dahil lang sahitsura o sa sabi-sabi?' In-explain ko naman sa kanila na, oo, masakit nanapapagsabihan ka ng di totoo, but it's part of the business. We all have toloosen up, and just go with the flow.

"I know it will never die," patuloy niya. "Pag wala silangmasabi sa ‘yo, hahalungkatin na naman nila yung mga lumang issues na ‘yan. Hindinaman sa namamanhid na ako, but I learned how to deal with it kasi you don'thave the way out of it. Yung iba, may maisulat o may maikuwento lang. Ganun, e.

"When people ask me, ‘Ano itong naririnig namin? Ano itongnababasa namin?' Sabi ko, ‘It's an old issue, hayaan na ninyo ‘yan.' That's part of the business, that issue isalways part of the business. Karamihan ng mga male celebrities and singers, dumaansa issue na ‘yan."

Hindi rin daw solusyon ang pagkakaroon ng girlfriend paramatigil na ang isyung ito tungkol kay Jed.

"I don't have to pressure myself na magkaroon lang nggirlfriend para lang sa issue na ‘yan," sabi niya. "Pag nagkaroon ako nggirlfriend, iisipin ng iba, ‘A, nag-girlfriend lang ‘yan kasi may issue na gaysiya, ginawa niya ‘yan para pagtakpan.' It doesn't affect my decision in life.It's more of trying to do something about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If people think I'm like that because of the way I talk, orhow I look, I'll look at myself and ask, ‘Bakit kaya? Siguro masyadong mahinhinyung mukha ko o masyadong malumanay akong magsalita. Siguro I should dosomething about it, for the better."

Open naman si Jed to go out on dates. Rightnow, he's open to a relationship but he's not in a rush.

"Nung 2008 mayroon naman ako, dates, I go out. But I wasable to keep it private. One thing I want to keep private, my family and mypersonal life. It's my personal choice. Ako, I just go along with it. Pag maydumating, ipapapakilala sa akin. If it works, sige; pag hindi, at least I gainfriends.

"Saka di naman kasi ako nagmamadali, di ako naghahanap. Idon't look for it kasi minsan, if you're looking for it, madalas mali yungnahahanap mo. Kusa naman yung darating pag naghihintay ka lang. Parang nilulutomo ‘yan. Pag minadali mo, minsan mali, minsan sunog, minsan hilaw."

ON RACHELLE ANN GO. Naging open before si Jed sa admiration sakasamahan niya sa ASAP na si Rachelle Ann Go. Pinagtatakhan ng karamihan natsansa na sana noon ni Jed na ligawan ang singer, pero pinalagpas niyaang pagkakataon at ngayon ay balitang sina Rachelle Ann at Gab Valencianona.

"By choice ko and choice ni Rachelle na we enjoy ourfriendship," paliwanag ni Jed. "Mas close kami ngayon, mas nag-o-open up kamisa isa't isa. Pag may problema ako nag-o-open ako sa kanya; pag may problemasiya, nag-o-open siya sa akin

"It's a choice na huwag na lang naming ibahin yung set-up.Mas okey kami ngayon, we're contented on the friendship that we have right now.Ang importante, the foundation of our friendship is sobrang strong. But if it'sgoing further, why not? Kung hindi,magkaibigan kami ni Rachelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I see that Gab and Rachelle are hapy together and as a friend,I really prioritize the happiness of a friend. Pag nakita kong masaya na yungkaibigan ko, masaya na ako."

LOSING WEIGHT. Jed is also losing weight and he's focused oncontinuing his weight loss. Hindi rin magmukhang macho para matigil na anggender issue sa kanya ang rason ng pagpapayat ni Jed, but more on image andhealth reasons.

"Showbiz is image, importante yun sa atin. Other reason ishealth. Bago ako magbakasyon, halos lahat ine-expect na tataba ako because ofthe holiday. Pero pagbalik ko dito, I didn't gain weight, but I lost alot.

"Before, napipikon ako pag sinasabing ang taba-taba ko. It'sa personal thing na parang personal para sa 'yo, pero totoo, e. That makes medecide na I have to do something about it, kaya itutuluy-tuloy ko na angpagpapayat."

With all his showbiz commitments and work, 2009 willdefinitely be another good year for Jed.

"Sobra akong nae-excite for 2009 kasi towards the end of 2008pa lang, ang dami ko nang natatanggap na mga offers, ng mga projects for 2009. Asof now, first quarter of 2009 sobrang puno na ako, not just concerts here patiabroad. I'm going to the States and Europe. I'm also coming out with a new albumthis coming February under Universal Records—Jed Madela, Songs Rediscovered 2,The Ultimate OPM Playlist. I'm alsopreparing for a very big concert towards the end of the year, so busy talaga,"pagwawakas ni Jed.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN