Sexy star RR Enriquez reacts to "bugawan" issue

IMAGE 0


"Kaya kong humarap sa lahat ng tao na nakataas angnoo. Na walang nagbayad sa akin. Kung meron man, iharap nila sa akin! Diba?" RR Enriquez dares her detractors.



Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal)ang showbiz newcomer na si RR Enriquez tungkol sa maselang isyung pimping o bugawan sa showbiz.

May anonymous texter kasi na nagpakalat ng foul message nanalathala sa isang malaganap na tabloid. Si RR Enriquez ang unlikely subjectbilang biktima ng malisyosong mensahe.

Para sa reaksiyon ng seksing baguhan ay pinuntahan ng PEP siRR sa ABS-CBN Studios. Nasa dressing room siya nang hapong 'yon,kasalukuyang breaktime sa taping ng Banana Split, kung saan isasiya sa mga mainstays.

While browsing the ‘Net on her laptop, malayangnagbigay-komento si RR tungkol sa isyu. Hindi na siya masyadong affected,unlike that very same morning na unang nakarating sa kanya ang paninirangsiya diumano'y "nagpapabugaw" sa napakamuranghalagang P250,000.

"Siyempre, nung una, regal shocker ako! Ang aga-aga ngakasi, di ba?" panimulang bigkas ng sexy star sanakakatuwa nitong gay linggo na pang-showbiz.

At tuluy-tuloy nang naglitanya si RR Enriquez sa nasimulanginterbyu.

"Katatapos ko lang mag-shower, may tumawag sa akin,nasa ano [diyaryo] nga raw ako. Hindi ko pa alam kung ano'ng nakasulat...O, siyempre, super-react talaga ako! 'Bakit naman sila gano'n?' Tapos,wala raw pangalan yung [nag-text], bakit sila [mga taga-tabloid] maglalabas nggano'n? Wala ba silang balls?" litanya ni RR.

May nagpabasa ng kopya kay RR at doon niya na-realize na hindisiya dapat mag-react nang todo. "Okay, hindi rin nila alam kung saangaling," aniya.

Nagsisimula pa lang sa showbiz si RR Enriquez, mataposmapansin sa nilabasang commercial ad ng isang kilalang alak. At matindiang panimulang intrigang ito sa kanya.

"Hindi ko alam kung saan lumalabas [o nagmumula] angisyung 'yon; na makakapagpatunay na nagpapa-bugaw ako," sabi pa ngmestisahing baguhan.

Gusto raw niyang malaman ang nagpapakana niyon. "Paramas masaya, di ba? Bonggang-bongga! 'Tsaka para yumaman ako!"pagbibiro na lang ng newcomer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Everything boils down to one thing: the viciouscycle of "paggagamitan" sa showbiz which, if takennegatively, ay may damaging result sa isang tulad ni RR.

OLD ISSUE. Ayon din kay RR, hindi na bago sa kanya ang ganitong isyu.

"Dati rin, yung boyfriend ko before, meron daw nagsabisa kanya na, ‘Si RR Enriquez, ng Wowowee, pumi-PR daw, dinner datedaw.' Pumapayag daw ako ng dinner date, 300 thousand daw. Pero dinner datelang naman daw," naiiling na lang si RR.

Walang napatunayan ang former boyfriend niya tungkol sapaninirang 'yon dahil hindi na-trap si RR sa panimulang bitag.

"Nakalimang beses na try, hindi ako nakuha; ibang babaeang nagpupunta sa condo," na doon sana ipe-frame-up si RR Enriquez, withher former boyfriend's connivance.

"Nag-open up yung boyfriend ko, 'Don't worry, hindinaman ako naniniwala. Hindi naman kita sa ganyan nakilala, e.' Kaya hindi na[bago] sa akin 'yan. Kahit naman daw kanino [sa showbiz], lalo na ako,nagpapa-sexy ako, ha. Meron daw talagang ganyan na nanggagamit ngpangalan."

Sa ngayon na gumagawapa lang ng pangalan sa showbiz si RR, bilang artista sa TV, na sexy image angnapagkikilanlan ng publiko, ay lalo siyang nagiging maingat.

"Kaya kong humarap sa lahat ng tao na nakataas angnoo. Na walang nagbayad sa akin. Kung meron man, iharap nila sa akin! Diba?" at nagpakawala siya ng isang ngiti, medyo sarcastic.

REACTION OF "WOWOWEE" FAMILY. Ano ang reaction ng Wowowee family sa isyu (onon-issue) na ito?

"Ay, ako, super-emote na ako, at nakakatuwanaman... Si Papi [Willie Revillame] atDirek Bobot [Edgar Mortiz], dito sa dressing room, sabi, 'May problema ka ba,RR?' Sabi ko, 'Kasi may nagsulat sa akin na nagpapa-bugaw daw ako, ganyan,ganyan...'"

Reaction daw ng dalawa, pabiro: "Ano kaba? Matuwa ka! Hindi mo ba alam, maraming tao, nagbabayad para langmagkaroon ng publicity? Ikaw, hindi ka nagbabayad, nagkaroon ka ng publicity'ngganyan!'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sapat na 'yon para maibsan ang bigat sa dibdib na nadama niRR sa pang-iintriga sa kanya.

"Si Paris Hilton nga, meron nang video scandal, nasuper-video sex scandal nga daw... So, ako naman, ‘Ha?'" hindi pa rinmawari ni RR kung paano magre-react nang wasto.

"Alam din nina Mariel [Rodriguez]... 'Ah, okey,'"sabi rin daw ng co-host ni Willie Revillame. "Hindi sila affected. So,ako, sabi rin nga nila, huwag daw maapektuhan. 'Alam mo naman sa sarili mo nahindi totoo, so huwag kang magpaapekto.'

"So yun, parang okey naman pala, bakit kopapansinin 'yan? Kahit gamitin nila ang pangalan ko [sa paninira], mapapahiyaat mapapahiya lahat ng bugaw na 'yan! Yun lang!" mariing pahayag niRR.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN