PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Roxanne Guinoo on ex-boyfriend Jake Cuenca: "Wala nang balikan na mangyayari."

Roxanne wants to return to "Wowowee."
by Rommel R. Llanes
Published Jan 16, 2009
"Okey na yung ganito na lang kami. Basta okey na kami ngayon, hanggang doon na lang yun. Wala nang balikan na mangyayari. Napakarami ko nang chance na ibinigay sa kanya," says Roxanne Guinoo about ex-boyfriend Jake Cuenca.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Roxanne Guinoo kagabi, January 15, sa taping ng Banana Split, ang kinabibilangan niyang gag show sa ABS-CBN.

Ikinuwento niya sa PEP ang paghaharap nila ng ex-boyfriend niyang si Jake Cuenca nang muli silang magkatrabaho at magsama sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

"Nung una kaming magkita sa set, awkward," panimula ni Roxanne. "Pero nung katagalan na, nag-usap na kami. Siya ang unang gumawa ng way para magkausap kami."

Nag-sorry raw si Jake kay Roxanne.

Sa ngayon ba ay masasabi niya na friends na ulit sila ni Jake?

"Hindi naman namin kailangang maging super friends," sagot ng dalaga. "Basta okey na kami ngayon. Open na ako na muli siyang makatrabaho. Kung may offer ulit na pagtatambalin kami, tatanggapin ko pa rin."

Nang una bang i-offer sa kanya ang Maalaala Mo Kaya at malaman niya na si Jake ang makakatambal niya, hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ito since hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ni Jake at may bugbugan isyu pa sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay hindi!" mabilis na sagot ni Roxanne "Kasi ako, gusto ko lang talagang magtrabaho nang magtrabaho. 'Tsaka maganda yung role. Sayang kung palalampasain ko. And one more thing, gusto ko talaga ng drama. Kaya nga sana, mabigyan ulit ako ng serye ng ABS-CBN."

Ngayong okay na sila ni Jake, posible bang magkabalikan sila? Paano kung humingi ng second chance sa kanya si Jake?

"Ay, hindi na siguro. Okey na yung ganito na lang kami. Basta okey na kami ngayon, hanggang doon na lang yun. Wala nang balikan na mangyayari. Napakarami ko nang chance na ibinigay sa kanya."

Ayaw niya nang makipagbalikan kay Jake dahil may bago ba siyang minamahal?

"May mga nanliligaw, pero wala pa akong sinasagot. Siyempre, tumatanggap ako ng suitor, ayoko namang tumandang dalaga!" tawa niya.

Puro non-showbiz daw ang nanliligaw ngayon kay Roxanne.

Kumusta na ba sila ni Carlo Aquino na na-link sa kanya noon?

"Ewan ko doon, hindi na nga siya nagpaparamdam. Minsan tinext ko siya, pero dedma, hindi siya sumagot," saad ni Roxanne.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

WANTS COMEBACK ON WOWOWEE. Tuwing taping ni Roxanne ng Banana Split sa ABS-CBN ay dumadalaw siya sa live presentation ng Wowowee. Dati siyang co-host noon ni Willie Revillame. Dumadalaw siya dahil gusto niya raw bumalik sa Wowowee.

"Siyempre, mahal ko yung show na yun, kaya gusto ko sanang bumalik doon," pag-amin ng young actress. "Nagpapapansin na nga ako kay Kuya Willie, e, at kapag pinapabati ako ni Kuya sa show niya, lagi akong nananawagan kay Mr. M [Johnny Manahan] na ibalik na ako doon. Sana may mapuntahan yung effort ko na dumadalaw doon!"

Bukod sa gag show na Banana Split ay may sitcom si Roxanne sa TV5, Everybody Hapi. Pero madalang na siyang napapanood doon.

"Kasi Monday, Wednesday, and Friday, may taping ako ng Komiks Presents Flash Bomba. Ako ang leading lady doon ni Luis [Manzano]. E, yung taping namin sa Everybody Hapi, walang regular day. Basta na lang silang magpapatawag sa amin pag may taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Minsan pag may taping kami doon, kasabay naman ng taping ko ng Flash Bomba kaya hindi ako nakakapag-taping. Pero okey lang naman yun sa kanila. Naiintindahan naman nila na priority ko ang Flash Bomba, kasi ako nga yung lady doon ni Luis, kaya hindi puwedeng mawala ako doon," paliwanag ni Roxanne.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Okey na yung ganito na lang kami. Basta okey na kami ngayon, hanggang doon na lang yun. Wala nang balikan na mangyayari. Napakarami ko nang chance na ibinigay sa kanya," says Roxanne Guinoo about ex-boyfriend Jake Cuenca.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results