GMA-7 execs react to Dyan Castillejo's "three-hour interview" with Manny Pacquiao

IMAGE 0


"Kasi, marami ang makakapagpatunay na hindi lang kami ang nagreklamo, marami ang nagreklamo talaga. Kasi pagdating namin doon, sabi, ‘Bakit ganun? Hilahin mo si Manny do'n, kanina pa ganun-ganun...' So, hindi totoo na 35 minutes lang, mga three hours talaga," says GMA-7 Senior Program Manager Redgie Magno about the statement of Dyan Castillejo's (inset) camp that they interviewed Manny Pacquiao (main photo) for only 35 minutes, and not three hours as



Inilatag ng GMA-7 Entertainment TV executives, sa pangunguna ni Ms. Wilma Galvante, ang lineup ng mga programa nila ngayong first quarter ng 2009. Ito ay sa pamamagitan ng isang lunch get-together kasama ng ilang piling entertainment editors at writers kanina, January 16, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Kabilang sa mga programang sisimulan ngayong taon ay ang Totoy Bato, ang TV adaptation ng classic komiks novela ni Carlo J. Caparas. Dalawang beses na itong isinapelikula noon ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr.

Ayon kay Ms. Wilma, maituturing na "casting coup" ang TV version ng Totoy Bato dahil napagsama-sama rito ang action superstar na si Robin Padilla, ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez, at ang boxing champ na si Manny Pacquiao sa kanyang kauna-unahang pag-arte sa telebisyon.

MANNY AS A TV ACTOR. Inilarawan ng GMA-7 Senior Program Manager na si Ms. Redgie Magno ang role na gagampanan ni Manny sa Totoy Bato.

"Si Manny, role niya dito, boxer din siya. Ite-train siya ni Eddie Garcia [as Fredo]. Pero later on, may makaka-discover sa kanya na foreign agent na naghahanap talaga ng mga boxers. So, kinuha siya tapos trinain na siya nung foreigner na ‘yon.

"Pero si Manny, hindi siya nakalimot kay Tito Ed. Kahit sumisikat na siya na boksingero, lagi niyang binibigyan ng pera si Tito Ed. Tinatanaw pa rin niya yung utang na loob niya kay Tito Ed, kasi siya nga yung unang nag-train sa kanya.

"Yung pera na ‘yon ang nakatulong kay Tito Ed na magtayo ng sarili niyang gym. At dun naman niya nadiskubre si Robin. Siyempre, makikilala ni Robin si Manny through Tito Ed. Magsasanga-sanga na yung kuwento," lahad ng GMA-7 executive.

Dahil boksingero ang role ni Manny sa Totoy Bato, meron siyempre siyang action scenes bukod pa sa magda-drama rin siya rito. Pero ayon kay Ms. Redgie, "Pero siyempre, hindi masyadong maaksiyon kasi baka masugatan ang kamay, di ba? Pero may mga action scenes siya, kasi hahanapin ng mga tao yun, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento rin ni Ms Redgie kung paano napasama si Manny sa isang primetime series ng GMA-7. Ito ay sa kabila ng napaka-hectic na schedule ng Pambansang Kamao.

Ayon kay Ms. Redgie, "Kasi sabi ni Manny noon kay Ma'am Wilma, ‘Subukan mo naman akong mag-drama. Marunong naman akong mag-drama.' Sabi naman ni Ma'am Wilma, ‘Kaya ba ng schedule mo?' Yun lang naman. Pero bibigyan naman niya ng panahon.

"So yun, binigyan nga namin nito [Totoy Bato]. Pero di naman namin puwedeng bigyan ng ganung kahaba yung role niya, kasi alam naman natin na paalis-alis siya. Magte-train siya, meron pa siyang two fights. Pero maganda naman yung role na ibinigay namin sa kanya dito."

Hindi ito ang unang pagkakataon na umarte si Manny dahil nakagawa na rin siya ng ilang pelikula, ang pinakahuli ay ang Anak Ni Kumander na kalahok sa 2007 Metro Manila Film Festival. Kasalukuyan ding napapanood si Manny sa Pinoy Records ng GMA-7 kasama si Chris Tiu.

THE DYAN CASTILLEJO ISSUE. Bukod sa partisipasyon ni Manny sa Totoy Bato ay napag-usapan din ang tungkol sa inilabas na pahayag ng ABS-CBN kaugnay ng interview ng senior sports correspondent nito na si Dyan Castillejo kay Manny Pacquiao. Ito ay bilang reaksiyon na rin sa mga naglabasang reports na nairita diumano ang ilang bisita sa victory party at despedida na ibinigay ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson kay Manny—dahil sa panalo nito kontra kay Oscar de la Hoya at sa paglipad niya patungong Los Angeles—noong December 22 dahil "tatlong oras" diumanong in-interview ni Dyan ang Pambansang Kamao.

Sa press release na ipinadala ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng kanilang Corporate Communications, nakasaad ang mga sumusunod tungkol sa naturang interview ni Dyan kay Manny:

"Wala siyang [Dyan] masabi sa kabaitan ng boksingero. Nung humingi siya ng interbyu para sa kanyang dokyumentaryo [para sa The Correspondents], hindi nagdalawang-isip si Manny at sinabing puwede itong gawin sa party ni Gov. Chavit Singson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Doon ay 35 minuto—at hindi tatlong oras gaya ng naibalita—na nagkuwento si Pacman ng kanyang buhay sa harap ng iba pang bisitang nawili sa pakikinig."

Dahil limang taon na rin daw kinu-cover ni Dyan si Manny, nakabuo na ang sports correspondent ng "bond" sa kampo ni Manny.

Ayon pa sa ABS-CBN, umabot daw ng double di­git ang rating ng dokyumentaryo ni Dyan kay Manny na pinamagatang "Kamao."

Sa pakikipag-usap ni Ms. Redgie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment editors at writers kaninang tanghali, diretso niyang sinabi na hindi nagsasabi ng totoo ang kampo ni Dyan.

"Kasi, marami ang makakapagpatunay na hindi lang kami ang nagreklamo, marami ang nagreklamo talaga," sabi ni Ms. Redgie. "Kasi pagdating namin doon, sabi, ‘Bakit ganun? Hilahin mo si Manny do'n, kanina pa ganun-ganun...' So, hindi totoo na 35 minutes lang, mga three hours talaga.

"Ang sinasabi nila [other guests], ‘Sana naman, hindi sila ngayon nag-interview. Sana ibang araw. Kasi nagpunta kami rito...' Galing pa yung iba sa probinsiya, galing pa kung saan. ‘Sana makita namin si Manny dun sa victory party.' Hindi talaga nila nakasama. Actually, sinabihan ko din si Manny tungkol do'n.

Pinatotohanan naman ng Manila Bulletin entertainment editor na si Crispina Belen—na nasa get-together lunch kasama ng GMA-7 executives kanina—ang sinabi ni Ms. Redgie. "Oo, totoo," sambit ng editor.

Dagdag ni Ms. Redgie, "Kahit si Celia Rodriguez, tanungin n'yo. Donna Villa, nandun, Carlo J...naghintay sila."

Nagbigay rin kanyang pahayag sa Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7, tungkol sa bagay na ito.

"Nung kausap ko si Manny, sabi niya ano... Because he is such a nice person, he doesn't know how to say no. Sabi ko, ‘Papaano ba ‘yan? Ano ba ang interview na sinasabi sa akin na ang tagal-tagal ka nilang sinequester in a party?' ‘E, Ma'am Wilma, hindi kasi ako marunong tumanggi sa mga ganyan. Kayo ang tatanggi para sa akin.' Tapos, sabi ko, ‘O sige, ituro mo kami. Okay lang naman, e. As an exclusive [Kapuso] talent, bago ang gagawin mo, kahit ano, magpapaalam ka.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, yung mga yun nga, tinatanong siya, sasagot siya talaga. He has no mean bone in his body, di ba? Ang bait na tao! So people will definitely take advantage of his kindness. Sana naman huwag. Sana naman mangibabaw yung decorum, di ba? Party yun, e. Hindi mo naman yun okasyon, e.

"We're not making a big deal about it," paglilinaw ni Ms. Wilma. "Kasi, you know, Manny is still a Kapuso and we are taking care of him. As best as we could, we're always there, we're supporting him... Kahit hindi niya kilala kung sino yung mga crew namin, may crew kami do'n. Hindi yung pumu-forward na, ‘Kami yung GMA ha!' Hindi kami ganun, e."

(Click HERE to read more about the controversial interview of The Correspondents)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN