Robin Padilla benefits from the late Marky Cielo's Igorotak team

IMAGE 0


Robin undergoes weight-gaining, rigorous training, and completes climbing the top of Mt. Pulag by running, with the help of Igorotak of Baguio City, a mixed martial arts team formed by the late Marky Cielo.


This week na ang simula ng taping ni Robin Padilla para sa kanyang bagong drama-action series na Totoy Bato sa GMA-7. Matagal nga raw hinintay ni Binoe ang simula ng taping para sa obra na ito ni Carlo J. Caparas.

Simula pa noong September 2008 ay nagsimula na ng training si Binoe para ma-achieve niya ang katawan ng character na kanyang gagampanan sa Totoy Bato.

Mula sa timbang na 140 lbs. ay umabot sa 180 lbs. si Binoe dahil sa kanyang constant training at pagkain ng isang special diet na mostly ay carbohydrate complex food.

"Noong ginagawa ko ang Joaquin Bordado, halos ayaw nila akong pakainin. Kaya walang gustong samahan ako kapag break time kasi wala akong kinakain talaga. Ngayon, gustung-gusto akong katabi ng marami kasi parati akong maraming pagkain!" malakas na tawa ni Binoe.

"Pinapalaki talaga nila ako para sa Totoy Bato. Mga boksingero kasi, malalaki ang katawan pero bugbog parati sa workout. Kaya hindi naman taba yung nasa katawan nila, muscle 'yon na malalaki at matitigas. Kaya iyon ang ginawa nila sa katawan ko.

"Noong una, talagang nahirapan ako kasi hindi naman ako sanay na gano'n kalaki ang katawan ko. Noong umabot ako ng 184 lbs, doon na ako nag-start ng matinding training. Kailangan kasing maliksi ako kahit malaki ang katawan ko.

"Sa tulong nga ng kaibigan nating si Edzel Mina ng Igorotak ng Baguio City, siya ang nag-train sa akin ng mga mixed martial arts. Pati na ang pagkilos nang mabilis sa mga paa ko, itinuro sa akin. Mga boxers kasi, magaling sumayaw sa boxing ring. Malaki ang pasasalamat ko sa mga kapatid natin sa Igorotak dahil marami akong natutunan at nabantayan nila ang training ko.

"Para sa kaalaman ng lahat, ang Igorotak ay binuo ng ating namayapang kaibigan at kapatid sa industriya na si Marky Cielo. Siya ang naging inspirasyon ng mga mahuhusay at magagaling na mga trainers namin dito sa Totoy Bato," lahad ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Part ng training ni Binoe ay ang akyatin ang Mount Pulag sa Benguet Province. May taas ito na 9,900 feet above sea level at ikatlo sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Inakyat ito ni Binoe at ng mga kasamahan niya sa pamamagitan ng pagtakbo.

Kuwento ni Robin, "Matagal naman naming pinlano ang pag-akyat ng Mt. Pulag. Doon na raw kasi mate-test kung handa na ako at okey na ang naging training ko. Kasama naming umakyat sa bundok si Direk Mac Alejandre, mga miyebro ng Igorotak, mga guides at ang magaling na photographer na si Jun de Leon na dino-document ang training ko para sa isang exhibit na gagawin niya.

"Inakyat namin ang bundok ng apat na oras lang. Takbo kasi halos lahat ang ginawa ko. Wala akong pahinga. Kaya pati mga kasama ko, nahahawa na sa akin. Kung mag-slow down man ako, naglalakad ako ‘tapos tatakbo ulit. Kapag tumigil kasi ako, doon ko mararamdaman ang pagod. E, ayokong bumigay sa pagod, kaya tuluy-tuloy ako.

"Yung trainer ko nga, hindi makapaniwala sa ginawa ko. Siya mismo, gustong sumuko pero dahil nga sa pinakita kong stamina, hindi rin siya tumigil. Nagsimula kaming umakyat, wala pang araw at sobra ang lamig. Nagyeyelo ang paligid namin. Pero nagawa naming abutin ang tuktok ng Mt. Pulag na isa sa pinakamagandang lugar na nakita ko."

Makikita raw sa series na Totoy Bato ang mga eksena na kinunan ni Direk Mac sa tutok ng Mt. Pulag. First time daw na may nag-shoot ng eksena roon para sa isang TV series.

"Gumamit kami ng remote control na chopper na may nakakabit nang camera. Yun ang ginamit namin para kunan ang mga aerial shot habang umaakyat kami at noong nasa tutok na kami.

"Ipinagmamalaki ko talaga ang mga kuha ng chopper na 'yon. Nakita ang lahat ng dapat na makita sa tutok ng Mt. Pulag. 'Yan ang abangan nilang mga eksena sa Totoy Bato," pagtatapos ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin ni Robin sa cast ng Totoy Bato sina Eddie Garcia, Regine Velasquez, Manny Pacquiao, Ian Veneracion, Jolo Revilla, Ehra Madrigal, Tessie Tomas, Sheena Halili, John Lapus, Gladys Reyes, Tuesday Vargas, Mon Confiado, Marlon Carmen, Kiko Rustia, Rommel Padilla, Say Alonzo, at introducing ang anak ni Robin na si Queenie Padilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN