Angelica Panganiban wants to end up with Derek Ramsay

IMAGE 0


"Mas kumportable at siguro mas kilala ko siya nang sobra. Parang siguro masasabi ko na nag-mature kami individually and together, naggo-grow ang relationship namin," says Angelica Panganiban about boyfriend Derek Ramsay.


Humarap sa entertainment press ang magkasintahang Angelica Panganiban at Derek Ramsay na naka-wet look dahil kakatapos lang noon ng eksena nila sa swimming pool during the taping of ABS-CBN's Your Song, kung saan sila ang featured love team sa buwan ng Pebrero. Ginanap ang taping ng Your Song kahapon, January 25, sa clubhouse ng Tivoli Royale, Quezon City

Bigla tuloy naalala ni Angelica ang first Your Song experience nila ni Derek.

Kuwento niya, "Yung unang take namin noon, ang tagal! Talagang nakailang take, kasi tawa kami nang tawa. Unang beses yun na nakita ko siyang umarte. Tapos, ganoon din siya sa akin."

Pinagtawanan pala niya si Derek noong una niya itong mapanood na umarte?

"Hindi, natatawa ako more on mas natatawa ako sa sarili ko! At saka parang hindi ko kayang ipakita yung other side ko na artista ako," paliwanag ni Angelica.

This time sa Your Song, may love scene pa raw sila ni Derek, although at that time na nakausap namin silang dalawa ni Derek, hindi pa raw ito nakukunan.

"Hindi pa namin siyempre alam kung paano siya ie-execute," sabi ng aktres. "Hindi kami makapag-promise na baka nga mas daring ‘to or ano. Siguro ano lang, more skin siguro. Siyempre, nakakatuwa na kumbaga kasi, hindi lang naman kami rito nakikita. Nag-Maging Sino Ka Man na rin kami, Ysabella, so maganda yung may nae-experience kaming bago dito sa trabaho namin, di ba?"

MORE COMFORTABLE. Kumusta na ang relationship nila ni Derek ngayon?

"Mas kumportable at siguro mas kilala ko siya nang sobra," sagot ni Angelica. "Parang siguro masasabi ko na nag-mature kami individually and together, naggo-grow ang relationship namin."

Gusto na ba niyang si Derek ang makatuluyan niya?

"Oo naman, di ba? Kapag meron ka namang partner, yun naman talaga ang gusto mo, siya na talaga ang makatuluyan mo. Pero hindi ako yung... Ako siguro yung taong hindi ko kayang mag-expect dahil baka masaktan ako. So, mas gusto ko na kung ano ang nangyayari ngayon, ito na muna. Ayoko noong bukas, kahapon. Gusto ko, palaging ngayon, ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SPECIAL DATE. Ayon kay Angelica, hindi raw ang mismong date na naging sila ang mas isine-celebrate nila sa kanilang relationship. Mas special daw sa kanila ang araw na nagkakilala sila.

"September 13 kami nagkakilala. Mas sine-celebrate namin yung pagkakakilala namin," ayon kay Angelica.

Pero si Derek na raw ang tanungin namin ng exact date na naging sila dahil baka iba na naman daw ang date na sabihin nito. Lumalabas na mahina pala ang memory ni Derek sa mga important dates nila.

Nag-react si Angelica ng "Ano ka? Dalawa lang!" sa sagot ni Derek na, "Ang dami kasing date namin na dapat tandaan."

"Actually, yung September 13, nakalagay yun sa wall. Pinintura ko pa talaga yun sa wall para maalala niya," sabi pa ni Angelica.

August 16 daw nang maging formal ang kanilang relasyon. Almost one year since the day na nagkakilala sila.

"Hindi naman kasi siya nanligaw. Hindi ko rin naman hininging ligawan niya ako," pag-amin ng dalaga.

Si Derek ang nagkuwento kung paano naging sila ni Angelica. Kung paanong hinawakan daw niya ang kamay ni Angelica underneath the table nang magpunta sila sa isang bar, along with Angelica's friends.

"Maganda ang ginawa ko," sabi naman ni Angelica. "Tinext ko yung mga friends ko. E, hinu-holding hands ba naman ako sa ilalim ng table, siyempre hindi makikita, di ba? So, tinext ko sila. Sabi ko, ‘Hahaha! Magka-holding hands kami!'

"Parang sila [Angelica's friends], gusto talaga nilang makita. Parang hindi nila malaman kung paano sila pupuwesto para makita nila, di ba? Dahil hindi nga kami nagpapakita ng sweety-sweety dahil hindi nga rin namin alam kung ano ba talaga kami noon."

So, yun lang ang hinintay niyang talaga, yung hawakan ang kamay niya?

"Hindi," sagot ni Angelica. "Matagal pa rin naman yun. Kasi siya, parang constantly nag-uusap kami. Tapos, nagpunta kami ng States, may show ako dun. Then, magkausap kami. Medyo sweety-sweety na kami. Tapos, tinanong niya, ‘Tayo ba?' Sabi ko, ‘Hindi ko alam.' So, pag-uwi ko, yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VALENTINE'S DAY. Every Valentine's Day naman daw nilang dalawa ni Derek ay special. Their first Valentine's day noong 2007 ay sa bahay ni Derek na silang dalawa lang ng ilang araw. Second V-Day naman daw nila ay sa bahay lang daw sila after Angelica's work, kung saan ipinagluto siya ni Derek ng steak at doon sila nag-celebrate.

Sabi ni Angelica, magaling din daw silang magbigayan ng gifts sa isa't isa. Bukod sa photo album ng sports ni Derek at mga picture nito, may iba pa raw silang kakaibigang gifts sa isa't isa.

Kuwento niya, "Nag-out of town ako noon. May work ako sa Dumaguete. Mahilig kasi akong mamulot ng mga shells. Nakuha ko then, na-form ko ang pangalan niya. Pina-frame ko at yun ang una kong nabigay na gift sa kanya. Ibinigay ko sa kanya bago mag-New Year."

May kuwento naman si Derek na sa pagka-weirdo raw nito, may stick siyang nakita at ibinigay kay Angel sabay sabi na kung mahal siya nito, itatago ni Angel ang stick. May ibinigay pa raw siyang dead nail kay Angel at putik.

"Mahilig ako sa ganoon talaga," sabi ni Angelica. "Kahit noong-noon pa. Halimbawa, first trip ko abroad, itinatago ko ang mga tickets. Dead nail... Oo! Unang flower na ibinigay niya sa akin, binunot lang niya sa daan, itinago ko yun."

Advantage daw para kay Angelica na pareho silang artista ni Derek.

"Kapag artista ka at artista ang boyfriend mo, wala kang problema, e. Lahat naiintindihan niya. Siyempre, minsan lang kapag nagkakaproblema kami and minsan mahirap itago, tao ka lang. So, minsan, may mga possibility na puwede kayong maghiwalay dahil sa mga taong nanghihimasok sa relationship n'yo at gustong makisawsaw talaga.

"Yun lang ang mahirap. Yun lang ang hindi maganda. Pero the rest, wala naman kaming problema. Pero siyempre, hangga't maaari, ayaw lang naming mabahiran ng showbiz ang relationship talaga," saad ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN