Luis Manzano says no to long-term projects with Angel Locsin

IMAGE 0


"Ang true essence of helping is hindi mo sinasabi sa ibang tao kung talagang sincere ang pagtulong mo kahit kanino pa. Whether ito pa ay kay Angel o sa ibang tao, hindi mo na kailangang ipagkalat yun. So kung may natulungan man ako, it's not right for me to enumerate kung sino man o anuman ang naitulong ko sa isang tao," says Luis Manzano about helping people in real life.


Matapos ang pagganap niya bilang Kulas sa fantaserye na Dyosa, ginagampanan naman ngayon ni Luis Manzano ang role ng "over-the-top superhero" sa Komiks Presents Mars Ravelo's Flash Bomba, na mapapanood na sa ABS-CBN starting February 7.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Luis kagabi, January 27, sa presscon ng Flash Bomba na ginanap sa Studio 10 ng ABS-CBN.

Since isang superhero ang role ni Luis sa Flash Bomba, tinanong siya ng PEP kung sa totoong buhay ba ay naging superhero na siya sa girlfriend niyang si Angel Locsin, o kung ano ang nagawa niya para masabing naging superhero na siya kay Angel.

"Ganito na lang, ang superhero ay tumutulong. Ang true essence of helping is hindi mo sinasabi sa ibang tao kung talagang sincere ang pagtulong mo kahit kanino pa. Whether ito pa ay kay Angel o sa ibang tao, hindi mo na kailangang ipagkalat yun. So kung may natulungan man ako, it's not right for me to enumerate kung sino man o anuman ang naitulong ko sa isang tao," sagot ni Luis

"Ever since, my belief was kung gusto mo talagang tumulong, huwag mo na lang sabihin kahit kanino. Ikaw lang at ang Diyos ang dapat na nakakaalam," saad ni Luis.


Si Roxanne Guinoo ang leading lady ni Luis sa Flash Bomba. Hindi ba siya tinanong kung sino ang gusto niyang maging leadling lady? Bakit hindi niya ni-request na si Angel na lang ang maging leading lady niya?


"Wala naman silang tinanong," sabi ni Luis. "Pero nagkaroon ako ng two-camera test actually. And regarding yung kay Angel, I'll still say no kung siya ang ibibigay na leading lady ko. Kasi we avoid working together, unless episodic lang siya; something like Maalaala Mo Kaya or Your Song. But sabihin mong something that will last, e, mas gugustuhin naming tanggihan yun."


Bakit?


"Kasi sabihin na nating showbiz na nga kami, but we still try to keep it [relationship] as much as possible, as much as we can, private. Napakahirap na nga lang na pareho kaming nasa industriya, na nirerespeto din namin ang kailangan ninyong gawin, ang kailangan ninyong ibalita o i-share sa mga tao. But kumbaga, kahit paano, we are taking the initiative na magtira para sa sarili namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So if we do a show together, if we do a movie together, e, mas mapapag-usapan, mas mabibigyang atensiyon. Pero sa ngayon sa sitwasyon na, you know, we are not allowed to work together, e, napakasaya na namin. So we don't want to jepordize that," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN