Makalipas ang halos limang dekadang pagkawalay, muling nagkita ang dating magsing-irog at nagpasyang ituloy ang naudlot nilang pag-iibigan.
Ang social media ang naging tulay sa muli nilang pagtatagpo.
Una silang nagkakilala noong dekada ’70, mga panahon ng kanilang kabataan at wala pang internet.
Nang muli silang magkita after 48 years, muntik maudlot maudlot ulit ang pag-iibigan nila dahil nangyari ang pandemic.
Subalit sadyang makapangyarihan ang pag-ibig.
Ito ang extraordinary love story nina Yolly Santiago, 69, at Joe Sullenger, 73, isang American at dating serviceman.
Ipinost ni Yolly ang kanilang love story sa Facebook noong June 14, 2024.
Kalakip dito ang kuha nilang dalawa ni Joe noong 1973 at ang present photo nila together.
Read: Missing teen discovered alive after being spotted on live stream
HOW YOLLY AND JOE MET
Nagkakilala ang dalawa noong 1972. At that time, si Joe ay 21 at si Yolly ay 17.
Si Joe ay miyembro ng U.S. Navy na nadestino sa Olongapo, habang si Yolly ay tagalinis at server sa isang club.
Two years nang nagtatrabaho sa club noon si Yolly na naglayas mula sa bahay ng lolo at lola sa Zambales.
Ani Yolly sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, June 27, 2024, mabilis silang nagkapalagayan ng loob ni Joe at eventually ay naging magkarelasyon.

SEPARATE LIVES
Subalit naudlot ang relasyon nila noong 1974 dahil nadestino si Joe sa Japan.
“Noong una nagsusulatan kami, hanggang natigil,” ani Yolly sa PEP.ph.
“Maaaring may sulat ako na hindi niya natanggap o may sulat siya na hindi ko natanggap. Doon tuluyan naputol ang aming communication,” salaysay ni Yolly.
Nagkaroon si Yolly ng asawa taong 1976 at nagkaanak ng pito.
Ngunit matapos ang 26 years, nagpasya silang maghiwalay noong 2000.
Read: Celebrity chef posts about "bastos" customers who "walk out without paying"
REUNION ON FACEBOOK
Lumipas ang halos dalawang dekada matapos makipaghiwalay sa asawa, naisipan ni Yolly na hanapin sa Facebook si Joe noong 2019.
Hindi siya nabigo. Natagpuan niya si Joe na naninirahan na sa U.S.
Nagsimula ulit ang kanilang pagkakaibigan.
Dito nalaman ni Yolly na nakapag-asawa rin si Joe at nagkaroon ng dalawang anak. Ngunit naging biyudo noong 2018.
Bagamat may “spark” pa silang naramdaman, nagpasya silang maging magkaibigan na lamang.
Kuwento ni Yolly, “Sabi niya dahil marami na kaming pinagdaanang rough roads, hindi na puwedeng dugtungan ang nakaraan.
“Sabi ko naman, hindi naman ako naghihintay o umaasa, at magkaibigan na lang kmi.”
Pagsapit ng December 2019 ay bumalik pa ng Pilipinas si Joe para dito magdiwang ng Pasko.
Ani Yolly, “Nag-rent kami ng apartment. Magkasama kami sa isang room, isang bed.
“Pero friends lang talaga si Joe, at di siya nag-attempt na bastusin ako.
“Masaya kami magkasama ng Christmas, New Year. At paminsan-minsan kasama namin mga anak ko sa paglabas.”
Pero may desisyong ginawa si Joe na hindi inasahan ni Yolly.
Makalipas ang isang linggo nang makabalik na sa U.S., nag-propose si Joe kay Yolly via call.
“Jan 18, 2024, bigla siyang tumawag, ‘Will you marry me?’ Siyempre, hindi ako nakakibo kasi hindi ko inaasahan, at parang naramdaman ko na umiiyak siya, tumulo na rin luha ko, hindi nga ako nakasagot ng yes.”

LOCKED OUT BY THE LOCKED DOWN
Agad daw ipinaayos ni Joe kay Yolly ang kanyang mga papeles, ngunit inabutan sila ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, dahilan upang muling maudlot ang kanilang pagsasama.
Pagsapit ng February 10, 2021, nakalipad papuntang U.S. si Yolly, ngunit naghintay pa sila ng halos isang taon bago maikasal.
Inayos pa kasi ni Yolly ang annulment niya sa dating asawa.
Ngayo’y tahimik nang naninirahan sa isang farm sa Missouri, U.S.A., sina Yolly at Joe.
Sa darating na July 30, 2024, ipagdiriwang nila ang kanilang ikalawang anibersaryo bilang mag-asawa.
Patunay ang kanilang love story na, “Love is lovelier the second time around.”
Naantig naman ang netizens sa love story nina Joe at Yolly.
Namangha na nagkatuluyan pa rin sila sa kabila ng napakahabang panahon.
Ang iba, sinabing “destiny” at “soulmate” nila ang isa’t isa.
Narito ang ilang komento:
“Wow beautiful love story kayo talaga sa habang buhay”
“Wow tinadhana pinagtagpo n lord ulit god bless you both”
“Naniniwala ako sa destiny talaga Good for them ”
“Sa haba ng panahon kayo pa rin at sa simbahan na tuloy . Kayong dalawa itinadhana”
“Kau ang soulmate, forever”
“destiny talaga kayo soulmate”
