Stand-up comedian Vice Ganda loses Fil-Am boyfriend in vehicular accident

IMAGE 0


"Kung sa akin ha, okey lang sa akin yung feeling babae. Pero yung papatayin ko ang totoong pagkatao ko, hindi. Puwede ko namang i-enhance lang, i-develop. Pero yung pinatay, hindi ko gagawin. Pero si Rustom, kung kumportable sa kanya yun, keri sa kanya yun, okey lang," says Vice Ganda about BB Gandanghari.


Mag-iisang dekada na rin pala sa pagiging stand-up comedian si Vice Ganda, pero five years lang yung mako-consider niyang "career" talaga sa kanyang pag-focus bilang komedyante.

He was last seen in the ABS-CBN fantaserye Dyosa. So far, wala pa raw siyang alam kung ano ang follow-up project niya. Pero hindi pa rin masasabing nababakante si Vice Ganda dahil regular naman siya sa mga gigs niya sa comedy bar. Sa February 13 and 14 nga ay may concert siya sa Metro Bar, ang Queen of Hearts, kung saan special guest niya si Jay-R Siaboc.

DEATH OF A LOVER. Timing naman daw na may pinagkakaabalahan siyang concert sa Araw ng mga Puso para hindi siya magpaka-emote-emote dahil sa pagiging loveless niya, literally. Kamamatay lang kasi sa aksidente ng kanyang long-time boyfriend na half-black, half Pinoy sa Amerika.

"Twenty-eight years old pa lang siya, then naaksidente siya sa Los Angeles noong December 22, tapos December 23 nang mamatay siya. Pag nagmaneho yun, talagang high speed, palagi ngang natitiketan ng speed ticket. That time na namatay siya, hinihintay ko siya na dumating sa Pilipinas kasi nga magpa-Pasko, di ba? Alam ko na uuwi siya, pero hindi ko alam kung ano ang exact date," malunglot na lahad ni Vice Ganda sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nagalit pa nga raw siya dahil hindi sinasagot ang mga text messages niya at wala raw talaga itong paramdam sa kanya during those days. Hanggang sa makalipas na ang Pasko at Bagong Taon, wala raw siyang balita rito. Wala rin daw nag-inform sa kanya na patay na pala ang kanyang boyfriend.

"Minura ko na nga," pag-amin ni Vice Ganda. "Sabi ko, 'Ano ba nangyayari sa 'yo? Patay ka na ba?' Ginano'n ko pa. Yun pala, patay na pala talaga."

January 2 na raw nang ang kapatid ng kanyang boyfriend ang mag-email sa kanya dahil nababasa ang mga text messages ni Vice Ganda. Nakita rin daw ng kapatid ng boyfriend niya ang plane ticket nito na naka-schedule ng uwi sa Pilipinas noong mismong araw ng kanyang kamatayan, December 23. Pagkabasa raw ni Vice Ganda ng message, tumawag daw siya sa kapatid ng kanyang boyfriend para kumpirmahin ang balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng stand-up comedian, "Noong una kong nabasa ang message, wala, tulala. Tinawagan ko si Ogie [Diaz], sabi ko, 'Buksan n'yo ang Facebook ko.' Tapos naloka sila! After that, napagod ako, nakatulog ako! Birthday ni Ogie that day, e. Pero pagkagising ko, dun na ako nag-breakdown, dun na nag-sink in sa akin unti-unti na patay na. Super cry akong talaga!"

Ayon kay Vice Ganda, wala raw ideya ang pamilya ng boyfriend niya na may karelasyon pala itong bading.

"Okey naman sila. Kasi, wild nga yun! Tapos, kinukuwento ng best friend niya na mula nang maging kami, naging umokey, naging mabait. Hindi na gumigimik. Nasa bahay na lang palagi kasi nagtsa-chat. Yung best friend naman niya, hindi rin ako sinabihan kasi yun na ang naging desisyon nila, palampasin na ang holidays bago i-break ang news."

Five years din daw ang naging relasyon nila, although hindi sila physically together palagi. Ito rin daw siguro ang dahilan kung bakit sila nagtagal.

MANAY PO? Sa March ay ipalalabas daw ang life story ni Vice Ganda sa Maalaala Mo Kaya. Although, naka-focus ang kuwento ng pamilya niya kung saan may kapatid din siyang isang bading, pero hindi sila close. Naging close lang daw sila nang maging Vice Ganda na siya dahil unti-unti nagiging proud na ito sa kanya.

"Magkaiba kasi kami ng experience. Siya kasi, parang unwanted ng daddy namin. Tapos, ako ang favorite. Kasi hindi ko nilalantad na bading ako. Pero siya, super out. Namatay ang daddy ko, hindi niya nalaman na bading ako. Pero okey lang sa akin kasi kung nalaman niya bago siya mamatay, baka yun din ang ikinamatay niya!" pagbibiro niya.

"Yung mommy ko naman," patuloy niya, "noong nalaman niya, okey na. Wala na lang usapan."

Kuwento pa ni Vice Ganda, lima raw silang magkakapatid, pero tatlo raw silang bading. Matatangkad daw silang mga bading dahil nagmana sila sa amang 6-footer at dating basketball player.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa pagtatago niya sa ama ng totoong sexual preference, naging tutok daw siya sa pag-aaral kaya naman mas lalo siyang naging paborito ng ama. Graduate na sana siya ng Political Science sa Far Eastern University. Yun nga lang, hindi na raw niya napagtuunan ng pansin na matapos ang thesis niya.

"Gusto ko rin kasing magturo, kaso hindi naman sinasagot na fulfilling ang pagtuturo sa Pilipinas. Lalo lang lalala ang management problem ko sa pagtuturo, di ba? Dahil hindi naman ako compensated!" natatawa niyang sabi.

ON BB GANDANGHARI. May lumabas kailan lang sa isang tabloid na hindi raw siya pabor sa mga ginagawa ni Rustom Padilla ngayon na nagpakilalang nang si BB Gandanghari. Totoo ba ito?

"Hindi naman sa hindi ako pabor," paglilinaw ni Vice Ganda. "Kinuha lang naman ang opinyon ko sa pananamit niya. Pero yung sa pabor, bakit naman ako hindi magiging pabor, e, siya naman ang magde-decide dun, di ba?"

Pero ano nga ba ang naging dating sa kanya ni BB?

"Oo, nabigla ako, na-OA-yan. Babae na...parang ganoon."

At yung idea na pinatay na si "Rustom Padilla" dahil si BB na ang alive?

"Oo, yun...kasi si Rustom, bading. Siyempre yung mga bading, love si Rustom, kasi si Rustom yung bading. E, si BB, hindi nga bading, babae nga raw siya. Kaya mas sinusuportahan namin si Rustom na bading. Mas kapanalig namin si Rustom. Si BB, e, babae nga raw siya, di ba nga?" saad ni Vice Ganda.

Hindi pa raw sila personal na magkakilala ni Rustom, pero kilala raw niya siyempre ito.

"Kung magkikita kami, magha-hi ako sa kanya. Although, feeling ko, hindi niya ako papansinin; mukha kasing suplada."

Darating kaya ang time na babaguhin din ni Vice Ganda ang pagkatao niya?

"Kung sa akin, ha, okey lang sa akin yung feeling babae. Pero yung papatayin ko ang totoong pagkatao ko, hindi. Puwede ko namang i-enhance lang, i-develop. Pero yung pinatay, hindi ko gagawin. Pero si Rustom, kung kumportable sa kanya yun, keri sa kanya yun, okey lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about sex change?

"Kung sa akin nga lang din, hindi ko keri. Kasi, hindi naman bagay sa akin. Hindi ako mukhang bakla. Mukha akong babae. E, di ba, sayang lang? Sa States nga, may psychological exam 'yan. Dito kasi, pagawa lang nang pagawa. Pero sa States, kailangan mukha kang babae, boses babae ka. Kaya nga yung ibang Amerikanong bakla, nagpapagawa sa Thailand, kasi walang ganoon."

Si Rustom daw, magandang bakla. Ano ang reaksiyon ni Vice Ganda?

"Kasi nga, hindi pa ganoon kalambot. Bago pa lang. Pero kapag naluto na yun, lalambot yun at magiging babae. Puwede siyang magpa-transplant kasi bagay sa kanya, maganda siya."

Sa Valentine concert ni Vice Ganda sa Metro Bar, isa raw sa ii-spoof niya ay si BB Gandanghari. So, if ever, gusto ba niyang manood si Rustom?

"Why not? I'm inviting everyone. Si Rustom, este si BB...kasi wala na si Rustom."

Hindi kaya ma-offend si BB kapag nakitang ini-spoof na siya?

"Spoof naman, e. Sana huwag siyang ma-offend. At saka ang mga ini-spoof naman mga sikat na tao. Sila GMA, Barack Obama, di ba?"

SUPER FRIENDS. Vice Ganda considers Chokoleit and Pooh as his contemporaries. Pero ang maganda raw sa kanilang tatlo, super friends daw silang lahat.

Sa tingin niya, ano ang difference naman nilang tatlo sa isa't isa?

"Si Pooh kasi, hindi ako nag-i-impersonate. Mas impromptu ako kay Pooh kasi hindi ako masyadong magaling sa impersonation. Kay Chokoleit naman, ang pagkakaiba naman namin, mas physically pleasant naman ako kay Chokoleit!" natatawang sabi ni Vice Ganda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN