Jean Garcia admits dating businessman Jojo Manlongat but says he's not yet her boyfriend

IMAGE 0


"Wala akong ipinapangako na anything sa ngayon with Jojo. We're good friends, we date and we enjoy each other's company. Tama na muna na gano'n kami. Bihira natin maramdaman ang ganito kahit wala kayong tinatawag na malalim na relasyon," says Jean Garcia about Jojo Manlongat, whom she is dating now.


Nagsalita na rin si Jean Garcia tungkol sa kumakalat na balita na ang boyfriend daw niya ngayon ay ang businessman na si Jojo Manlongat, na na-link na rin sa ibang mga artistang babae tulad nina Angelu de Leon, Pops Fernandez, Rufa Mae Quinto, at Sunshine Dizon.

Sa set ng bagong soap opera ng GMA-7 na All About Eve sa CCP Complex ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jean. Inamin naman ni Jean na nagde-date sila ni Jojo, pero hindi pa raw sila umaabot sa malalim na pagkakaunawaan.

"Aaminin ko naman kung kami na ni Jojo, pero hindi pa kami talaga," sabi ni Jean. "Yes, we do go out on dates at hanggang doon lang muna kami. Nasabi ko naman kasi sa sarili ko na sa simula ng 2009, yung trabaho ang uunahin ko at saka na lang ang magkaroon ng seryosong relasyon. Ayoko muna kasing ma-involve. Kasi kapag gano'n ako, I easily get hurt kapag may hindi magandang nangyayari.

"I started going out with Jojo around November of 2008, and I made it clear to him na this is just a date thing. Wala munang seryosohan and he's okay with it," paliwanag ng aktres.

SUNSHINE'S EX. Matagal na raw nakilala ni Jean si Jojo. Ito ay noong panahon na girlfriend pa ng businessman si Sunshine Dizon.

"Nasa isang soap drama pa kami ni Shine noon. He would visit Shine sa set namin at doon ko siya nakilala. Eventually, naging magkaibigan kami. Noong matapos na ang relasyon nila ni Shine, it took a long time bago kami nag-date. Hindi nga ako aware na hindi na pala sila ni Shine," lahad ni Jean.

Hindi ba sila nagkakailangan ni Sunshine ngayon since iisang lalake ang na-link sa kanila at magkasama pa naman sila sa All About Eve?

"In fairness, walang gano'n," nakangiting sagot ni Jean. "Kami ni Shine, para na kaming magkapatid niyan. Sa mga napagsamahan naming mga shows, we always have this time na mag-usap parati. Open naman si Shine sa akin and I am open to her as well. Ganyan naman kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong nangyari nga itong kay Jojo, nag-usap naman kami ni Shine about it. She said na walang problema sa kanya because tapos naman na raw sila. Ako naman, I said na wala pang seryosong nangyayari. We're just dating lang and that's it.

"Wala namang nabago sa amin ni Shine, e. We're still open to one another. Hindi namin hahayaan na may makasira sa pagiging magkaibigan namin. Hindi rin naman gano'n kababaw si Shine to begin with."

OKAY WITH JEAN'S DAUGHTER. Nakilala na ba ng anak niyang si Jennica Garcia si Jojo?

Kuwento ni Jean, "Si Jen, noong sinabi niya na hindi pa niya nami-meet noon si Jojo, that's true. Hindi pa niya talaga nami-meet though naikukuwento ko na sa kanya si Jojo. When I finally introduced her to Jojo, okey naman sa kanya. Lagi naman sinasabi ni Jen na kung ano ang makakapagpasaya sa akin, susuportahan niya ako."

Kailan kaya magiging official ang relasyon niya with Jojo?

"Mas gusto ko pa nga na ganito muna kami ng matagal," sagot ng aktres. "Mas walang problema at walang complications. I want to get to know him more and vice versa. Nagiging maingat lang siguro ako because malalaki na ang mga anak ko at hindi na ako teenager na nagkakamali pa sa mga nagiging karelasyon ko.

"Mahirap ang mag-commit talaga. You will never know kung kailan ka ready. Risk kasi ang makipag-commit sa isang relasyon. I've taken so many risks in my life before, kaya ayoko nang maranasan ang masaktan pa o ma-disappoint.

"Wala akong ipinapangako na anything sa ngayon with Jojo. We're good friends, we date and we enjoy each other's company. Tama na muna na gano'n kami. Bihira natin maramdaman ang ganito kahit wala kayong tinatawag na malalim na relasyon."

ALMOST BROKE UP. Nagulat naman si Jean sa nakarating sa kanyang balita na muntik na raw mag-break si Jennica at ang boyfriend nito na si Mart Escudero. Sinabi ng aktres na wala naman daw nababanggit sa kanya ang anak at parati naman daw niyang nakikita si Mart na dumadalaw sa bahay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May gano'n ba? As far as I know, wala naman silang problema. Mga bata naman ang mga 'yan, e. Baka naman mga away-bati lang siguro 'yan. Dumaan din ako sa stage na 'yan kasi, kaya maiintindihan ko ang pinagdaraanan ng mga bagets ngayon," sabi ni Jean.

Hindi naman daw nagkukulang si Jean sa pagbigay ng pangaral kay Jennica at sa boyfriend nitong si Mart.

"Lagi ko naman sinasabi kay Jen na kung ano meron sila ni Mart ngayon, pangalagaan nila. Kasi, nakatutok ang mga mata ng maraming tao sa kanila. Kaya any wrong move na makita sa kanila will be overblown. Nasa showbiz kasi sila kaya minumulat ko na sila sa mga possibilities lalo na't may relasyon sila.

"Kay Mart naman, lagi kong pinapaalala na huwag niyang paiiyakin ang anak ko. Hindi maganda na ang isang lalake ay pinaiiyak ang isang babae. Bad 'yon kasi ako at ang buong pamilya ang magagalit sa kanya. But sa nakikita ko, okey sila. Wala akong nararamdaman na problema. Kung meron man, si Jen na mismo ang magsasabi sa akin."

ALL ABOUT EVE. Ika-pitong drama series na ni Jean ang All About Eve since lumipat siya sa Kapuso network. Bukod sa kanila ni Sunshine, makakasama rin nila rito sina Richard Gomez, Iza Calzado, Mark Anthony Fernandez, Alfred Vargas, Celia Rodriguez, at Eula Valdes.

Ipinagmamalaki nga ni Jean na lahat ng ginawa niyang primetime series sa GMA-7—tulad ng Majika, Atlantika, Impostora, La Vendetta, Dyesebel, at Gagambino—ay puro magaganda at nag-rate ng matataas.

Sa All About Eve ay na-reunite siya sa una niyang leading man sa showbiz na si Richard Gomez.

"If you can remember, si Goma ang isa sa mga leading men ko sa launching movie ko noon sa Regal Films na Impaktita. Sila ni Aga Muhlach ang mga ipinartner sa akin. Hindi na nga nasundan 'yon ng ibang movie at nagkikita na lang kami ni Goma kapag nagge-guest ako sa mga TV shows niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, nagkasama na ulit kami at ang guwapo pa rin niya. Sa totoo lang, mas papable si Goma ngayon, huh! Ang suwerte talaga ni Lucy [Torres, Goma's wife]!" natatawang pagtatapos ni Jean.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN