Karylle on Dingdong and Marian: "Kung anuman ang meron sila at this point, labas na ako dun."

IMAGE 0


"Naniniwala ako that you have to think God is very generous. You can have everything. Tayo lang ang nagli-limit sa sarili natin kung ano ang puwede nating tanggapin. Kailangan maging open ka sa possibility na you can take so many blessings. Huwag kang gumawa ng limitations. Tayo lang ang gumawa ng ganung belief, puwede tayong gumawa ng bago. You can have it all," says Karylle.


Kung consistent ang pagkaka-link ni Karylle kina Christian Bautista at Jericho Rosales, usap-usapan naman ang mamahaling bracelet na iniregalo ng dating boyfriend ni Karylle na si Dingdong Dantes kay Marian Rivera at ang Omega watch na regalo ni Marian sa aktor last Christmas.

Tila may kanya-kanyang buhay na talagang tinatahak sina Karylle at Dingdong pagkatapos ng kanilang much-talked-about breakup last year. Nagsalita na rin kasi si Dingdong na posibleng mauwi sa totohanang relasyon ang samahan nila ni Marian, lalo't pareho naman silang single at walang commitment sa kahit kanino.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Karylle, ipinahayag niya na wala na siyang dapat ika-react kung anuman ang namamagitan ngayon kina Dingdong at Marian, lalo't wala na raw silang kaugnayan ng ex-boyfriend.

"Kung anuman ang meron sila at this point, kung kailan wala na kami, labas na ako dun," sabi ni Karylle. "Now that we're not together anymore, wala na, labas na ako dun. Wala na akong kinalaman sa gifts o ano pa man.

"I must admit before, pag may promo ng show nila, pinaghahandaan ko yun, pinaghahandaan naming yun ni Dong as a couple. Ngayon, hindi na ako nagigising in the middle of the night," makahulugang sabi niya.

THE PROMISE. Aminado si Karylle na pagkatapos nilang mag-break ni Dingdong ay may usapan sila na sila mismo ang aamin sa isa't isa pag may bago na silang relasyong papasukin. Sa ngayon ay hindi na inaasahan ng singer kung tutuparin pa ito kanyang ng ex-boyfriend.

"Hindi na rin naman importante," sambit ni Karylle. "Siyempre, nung in-ask namin yun sa isa't isa, parang naghahanap na lang kami ng things na sasabihin. Pag nag-goodbye ka sa isang tao, ano pa ba ang sasabihin mo? O pag nagka-boyfriend ka, 'Sabihin mo sa akin kesa marinig ko pa sa ibang tao.' Sort of parting words na hindi naman siya masyadong seryoso."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami rin daw pagkakataon na nagkikita nang hindi sinasadya sina Karylle at Dingdong.

"Nagkasalubong kami. We say 'hi' to each other, yun lang. Sabi ko nga, palagi kaming nagkikita by accident, nakakatawa lang," sabi ni Karylle.

Noong ni-launch si Dingdong bilang endorser ng Goldilocks sa Shangri-La Hotel ay namataan din ng PEP si Karylle sa coffee shop, na malapit lang sa function room kung saan ginanap ang presscon ng aktor.

GETTING FIT AFTER THE BREAKUP. Marami ang nakapansin na mula nang mag-break sila ni Dingdong at lumipat siya sa ABS-CBN ay naging daring at sexy na ang pananamit ni Karylle. Mukhang pinanindigan na yata nito ang logo ng isang clothing line na ini-endorse niya: "Single Is Sexy."

Tulad ng iba na kagagaling sa breakup na gumaganda at sumeseksi, senyales kaya ito ng pagrerebelde ni Karylle na positibo naman ang epekto sa kanya?

"Nung time kasi na yun, you wanna feel good about yourself. Siyempre, ano ang gagawin ko? Kailangan kong maging fit so I go jogging with my girl friend, si Jackie, who is a trainor; tapos sumali pa ako ng marathon. I think the whole process, nakatulong siya kasi naging mas fit ako. It's a time of my life that I thought of myself, not naman to show I'm sexy, but I feel good about myself, yung walang pity portion," paliwanag niya.

NOT READY FOR ANOTHER RELATIONSHIP. Aminado si Karylle na she's still in the process of moving on. Sa kabila ng pagkaka-link kina Jericho at Christian, sinabi ni Karylle na hindi pa talaga siya handang pumasok sa panibagong relasyon.

"Palagi kong sinasabi na, at this point, ayokong pag-isipan yung love. Kasi di pa talaga ako ready saka hindi pinipilit ang pag-ibig. Kawawa naman din yung guy kung ipapasok ko siya sa sitwasyon na marami pang tsismis and all. Siyempre, kung magkakaroon ako ng boyfriend, gusto ko malinis yung paligid."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Usap-usapan na bukod sa consistent na pagte-text nina Karylle at Echo, ang picture daw ni Karylle ang wallpaper ng aktor sa kanyang cell phone. Bagay na ayaw namang paniwalaan ng singer.

"Hindi ko nakita sa phone niya kaya ayokong mag-react," sabi ni Karylle. "Kasama ko siya sa Betty La Fea at magkasama rin kami sa Ikaw Lamang. All I can say is, Jericho is a friend."

Sinabi naman ni Karylle na isa si Christain sa mga kaibigan niya bago pa man siya lumipat sa ABS-CBN dahil na rin sa musical play na West Side Story. Isang samahan na nabigyan ng kulay, pero nilinaw ng dalaga na hindi talaga nanliligaw sa kanya ang singer.

"When I went to ABS, siyempre kanino pa ba ako close? Sa kanya, sa mom ko [Zsa Zsa Padilla], kay Jed [Madela], sa mga tito at tita ko dun, like sila Martin Nievera. Kumbaga, si Christian yung nagpakilala sa akin sa mga tao.

"I guess, napapansin lang na nakakasama ko siya dahil dati pa kaming magkaibigan, tapos iisa pa ang manager namin. Kunwari may event, after ng event, magmi-meeting kami. Ako, I assure you, hindi talaga siya nanliligaw," diin ni Karylle.

YOUR SONG. Speaking of Christian, magkasama sila sa February 15 episode ng Your Song.

"Very funny siya!" nakangiting sabi ni Karylle patungkol kay Christian. "We worked before in theater, pero never in TV. So it's something new for us.

"Natutuwa ako kasi nakakatawa yung story. I played the role of Rose. College classmate kami ni Christian na parang aso't pusa kung mag-away. Yung ex-boyfriend ko, boyfriend ng sister niyang si Dimples. First time ko rin to portray a role na sobrang pikon na ewan, parang may pagka-psycho ng kaunti because nag-break kami ng boyfriend ko. Sobrang enjoy ako to play the character, kasi ginawa ko dito kung ano ang hindi ko nagampan in real life," lahad ni Karylle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ang iba ay naniniwala na kapag malas ka sa pag-ibig ay suwerte ka sa career or vice versa, iba naman ang paniniwala rito ni Karylle.

"Hindi, naniniwala ako that you have to think God is very generous. You can have everything. Tayo lang ang nagli-limit sa sarili natin kung ano ang puwede nating tanggapin. Kailangan maging open ka sa possibility na you can take so many blessings. Huwag kang gumawa ng limitations. Tayo lang ang gumawa ng ganung belief, puwede tayong gumawa ng bago. You can have it all," saad ni Karylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN