Former Zaido actress Karel Marquez is now married and pregnant

IMAGE 0


Two years after quitting showbiz, Karel Marquez has announced that she is married and expecting her first child with her Filipino-Chinese husband.


Kinumpirma ng stage and TV actress na si Pinky Marquez na buntis ang kanyang anak na si Karel Marquez sa Startalk kahapon, February 7. Nilinaw ni Pinky na hindi totoo ang tsismis noon na kaya umalis si Karel sa Zaido: Pulis Pangkalawakan ay dahil buntis ang anak.

Ayon kay Pinky, "That was two years ago. The reason why biglang nawala [si Karel], it has no connection with the issue of pregnancy. It so happened na siguro sa influence ng TV at ang daming nagtatanong, after one year and a half, hayan na!

"She was like, 'Mom, what will I gonna do? I can't sleep, kasi 'pag tapos na ang taping, 11 a.m., ligo lang, then punta na sa next.' Ako mismo yung, 'Karl, what are we gonna do? What are we going to do with our lives?' So, we had to put a stop. The father, who is a doctor, had to check her blood and anemic na or something. So, we had to talk to the director and it's okay naman."

Nagsilbing "well-deserved" vacation naman daw kay Karel ang kanyang pagbibitiw sa trabaho.

"But you know what she did at that time, she traveled, she rested, she went to Hong Kong, she went to Australia. Things she didn't do since she started show business thirteen years old pa lang.

"After that, she had a boyfriend and decided na it's the right time, habang bata pa...you know what I mean. Later on, when she's of my age, parang kapatid lang niya ang anak niya," saad ni Pinky.

Kasal na rin daw si Karel at ang ama ng kanyang dinadala sa Huwes at nasa planning stage na rin daw ang kanilang church wedding.

"She's so happy. She's going to be a new mother, on March pa. She's expecting a baby girl and the name is Kayla Audrianna Go."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng taped interview kay Pinky, si Karel naman ang mismong nakausap nang live via phone patch nina Ricky Lo at Lolit Solis. Ayon kay Karel, nasa Pilipinas daw siya ngayon.

Pinalinaw nina Ricky at Lolit kung buntis ba talaga siya noong umalis siya sa Zaido o hindi.

"Hindi po, obviously, dahil two years na po akong mabubuntis noon," sagot ni Karel.

Ano ba talaga ang dahilan ng pag-alis niya sa Zaido?

"Actually, me and my husband, Arman po, we were supposed to go to the States. Kasi, mag-aaral kami ng crash course sa business namin that we found sa Australia. Kaya lang, medyo hindi po natuloy yung papers namin. Pero natuloy po kami sa Australia noon at doon na rin po ako na-engaged noong February 2008," lahad ni Karel.

Ano naman ang pinaglilihian niya?

"Actually, yung asawa ko po ang pinaglilihian ko!" natatawang sabi ni Karel. "It's a girl at medyo natatawa po ako sa mommy ko, kasi mali yung pangalan na ibinigay niya, it's Kaylee Audrianna po."

Arman Go ang pangalan ng napangasawa niya. Half-Chinese ito at dito rin daw sila sa Pilipinas nagkakilala.

May plano pa ba siyang magbalik sa showbiz pagkapanganak niya?

"Actually, pinag-usapan po namin 'yan. No problem naman po. Pero kasi, ako po, parang gusto kong maging hands-on sa baby ko for a few months."

May church wedding pa rin ba sila?

"Opo, kasi ako po, ang priority ko po talaga yung church wedding. For me, ha, opinion lang po, yun ang pinaka-important. Ayoko rin naman pong mag-church wedding na buntis na. Parang iwas na rin po sa stress," sabi niya.

May message ba siya sa mga fans niya?

"Hello po sa mga fans ko, especially sa mga nagsu-support before. Gusto ko lang din pong sabihin na buhay pa po ako and very healthy, at ang baby ko, healthy naman. At babalik po ako sa showbiz pagkapanganak ko," pahayag ni Karel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN