Sanay na si Jennylyn Mercado sa stress.
Ito ang ibinahagi ng aktres nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano nila nama-manage ng asawa niyang si Dennis Trillo ang mga stress sa buhay, lalo sa pagiging mag-asawa at magulang.

“Normal naman kasi, parang nakasanayan ko na yang stress na yan,” at natawa si Jennylyn.
“Sa lahat ng mga pinagdaanan ko sa buhay, parang pinatatag na ako ng stress!
“Well, si Dennis kasi napakagandang… napakabait na partner. So ang ganda ng tandem naming dalawa.
"Na pag ako yung nai-stress at hindi ko alam yung gagawin ko, siya yung, ‘O teka ako muna, rumelaks ka lang diyan, matulog ka. Anong kailangan mo, anong gusto mo?’
“Yung ganun. Tapos, pag ako rin, ako naman yung relaks, siya naman yung nai-stress ako naman yung magte-takeover, ‘Halika, ipapasyal kita,’ yung ganyan.
“So maganda yung team namin na hindi namin sinasabayan yung isa’t isa."

Read:
Dennis Trillo swells with pride over his blended family
Dennis Trillo, Jennylyn Mercado break ground for family home
Paano naman kung sila ang may problema sa isa't isa?
Paglalahad ni Jennylyn, “Pagka nagkakaroon kami ng problema, kahit na yung problema naming dalawa, pag nag-aaway kami, ‘Ooops,’ pag medyo mainit na yung ulo, maghihiwalay muna kami ng kuwarto.
“Magkukulong ako dito, doon siya sa kabila, yung ganun.
“Yung alam namin kung paano siya iha-handle. Siguro, nakatulong yung matagal na naging kami, nakilala na namin nang husto yung isa’t isa.
“So, pagka may mga nakaka-stress o mga problema, alam na namin kung paano iha-handle.”
Aminado naman si Jennylyn na kahit magaling sila ni Dennis mag-handle ng stress, hindi nito ibig sabihin na hindi sila naaapektuhan.
Aniya, “Siyempre hindi naman puwedeng hindi ka maapektuhan, di ba?
"Madalas kahit alam na namin, minsan napagdaanan mo na tapos nauulit na lang ulit, nai-stress ka. Hindi mo maiiwasan.
“Pero nagpapasalamat ako na yung mga tao sa paligid ko, nandiyan sila para kalmahin ako, nandiyan sila para tulungan ako."
Bukod sa kanyang mga mahal sa buhay, kinilala ni Jennylyn ang mga managers niyang sina Becky Aguila at ang anak nitong si Katrina Aguila, at co-manager na si Jan Enriquez.
“Masuwerte ako na hanggang ngayon e nandiyan pa rin sila para suportahan ako. Ayan sina Tita Becky, iyang aking mga managers, si Jan, yung mga mahal ko sa buhay.
"At soon si Ate kukulitin ko na ‘to. ‘Ate ano bang gagawin ko dito? Ate, madadagdagan ang stress mo dahil sa akin,’" pagtukoy naman ni Jennylyn kay Rhea Tan na may-ari ng Beautederm.
JENNYLYN HAS SENSITIVE SKIN
Ni-launch si Jennylyn bilang bagong endorser ng beauty brand nitong Huwebes, Hulyo 18, 2024, sa Solaire North sa Quezon City.
Dito ay deretsahang inamin ni Jennylyn na sa kabila ng kanyang ganda at makinis na balat ay mayroon siyang psoriasis at rosacea, mga kundisyon sa balat.
“I have very sensitive skin, hindi lang halata pero maya’t maya may malalaki akong pula-pula,” sabay-muwestra niya sa kanyang mukha.
“Nama-manage na naman sa tamang skin care, tamang gamot.
"Ngayon ang pinaka-active ko talaga yung rosacea, yung maya’t maya may malalaki akong pula-pula sa mukha.”
Ang Cristaux trio of serums (Vitamin C, Retinol at Niacinamide) ng Beautederm ang ineendorso ni Jennylyn.
Ayon sa kanya, malaki ang naitulong ng mga ito sa kundisyon ng kanyang balat.
“In fairness, wala akong breakouts, wala akong reaction sa skin, very gentle, skin friendly. Mas glowing yung skin ko, mas bright.”
Read:
