Mark Herras on being denied by his ex-girlfriends: "Basta masaya ako ngayon kahit wala akong lovelife."

IMAGE 0


"Hayaan n'yo sila kung ayaw nilang umamin, hayaan na lang natin sila. Basta masaya ako ngayon kahit wala akong lovelife. Silang mga nag-deny ang motivation ko na magpalaki ng katawan para hindi na nila ako ma-deny," says Mark Herras in jest on being denied by some of his past loves.


Nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark Herras habang naghihintay siyang kunan ang dance number niya sa 12th anniversary presentation ng Walang Tulugan With The Master Showman ni German "Kuya Germs" Moreno last Saturday, February 7.

Masaya ang young actor dahil simula February 16, may regular show na uli siya sa GMA-7 bukod sa SOP. Sa nasabing petsa ang pilot ng TV remake ng Paano Ba Ang Mangarap? na magsisilbing balik-tambalan din nila ni Jennylyn Mercado.

Tiyak na manghihinayang ang mga naghihintay na makitang naka-swimming trunks si Mark dahil mukhang na-scrap na ang eksenang yun. Ayaw raw kasi ni Direk Joel Lamangan na i-shoot si Mark in swimming trunks dahil payat pa ang legs niya at baka hindi magustuhan ng viewers. Ang naisip na lang ni Direk Joel ay bigyan siya ng maraming topless scenes.

"Nagdyi-gym ako 'pag wala akong taping para hindi ako mapahiya sa viewers 'pag topless ako. Wala pa akong abs, pero lumiit na ang tiyan ko at medyo may muscles-muscles na ang braso ko," pagmamalaki ni Mark.

Para patunayan kung totoo ang sinabi, pinahawakan ni Mark ang kanyang braso sa amin at matigas nga ang braso niya dahil sa muscles.

THE WOMEN IN MARK'S LIFE. Kamakailan, nasulat na nag-isnaban sila ng ex niyang si Rhian Ramos sa trade party ng GMA-7. Totoo bang may insidenteng ganun?

"Hindi naman kami nag-isnaban," paglilinaw ni Mark. "Siyempre, may mga bagong isyu na kinasangkutan namin at hindi naging maganda ang palitan ng salita. Hindi isnaban, nagkailangan lang kami, pero mawawala rin yun."

Ano ang feeling 'pag dine-deny siya ng ex niya? Ginawa ito sa kanya nina Rhian at Ryza Cenon, na hanggang ngayon ay itinatanggi na naging sila. Ito'y kahit hanggang ngayon ay galit pa rin kay Ryza ang ex-girlfriend ni Mark na si Jennylyn Mercado, na ang paniwala'y inagaw ni Ryza sa kanya si Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko na!" natatawang sabi ni Mark. "Hayaan n'yo sila kung ayaw nilang umamin, hayaan na lang natin sila. Basta masaya ako ngayon kahit wala akong lovelife. Silang mga nag-deny ang motivation ko na magpalaki ng katawan para hindi na nila ako ma-deny. Hintayin lang nila ako 'pag malaki na ang katawan ko!" biro niya.

Napansin din namin na sa "ian" madalas nag-e-end ang names ng mga ex niya tulad nina Marian Rivera, Lian Paz, at si Rhian. Sinadya ba niya ito?

"Nagkataon lang naman na may Marian, Rhian, at Lian sa buhay ko," sabi ni Mark. "Wala namang 'ian' ang pangalan nina Cristine Reyes, Katrina Halili, at Jennylyn. One year lang kami ni Lian, sandali lang yun kina Rhian at Marian."

Sinabi rin ni Mark na magkamukha sina Marian at Lian. Napansin daw niyang pareho ang features ng dalawa nang makita niya ang Jag billboard ni Marian. Pero hindi siya naniniwala sa mga nagsasabing may similarities sina Lian at Jennylyn.

Hindi ba siya nanghinayang na hindi nagtagal ang relasyon nila ni Marian lalo't sikat na sikat ito ngayon?

"Wala akong panghihinayang na nararamdaman dahil happy ako anuman ang kinahinatnan ng career niya ngayon. Blessings sa kanya yun at pinaghirapan niya," sagot niya.

Ano ang qualities ng girl na gusto niyang maging girlfriend?

"Gusto ko hindi ako dine-deny 'pag naghihiwalay kami. Gusto ko mabait, malaki ang pang-unawa na intindihin ang trabaho ko na may taping ako, okey makisama sa family ko at ang importante, okey makisama sa mommy ko.

"Sa ngayon, hindi ako naghahanap ng GF dahil masaya ang single. Ang mom ko nga ang date ko sa Valentine's Day at naghahanap ako ng restaurant na pagdadalhan sa kanya. Saan ba ang magandang resto?" tanong ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN