Glaiza de Castro faces issues involving Jennylyn Mercado and Patrick Garcia in "Don't Lie To Me"

IMAGE 0


Glaiza de Castro braved John "Sweet" Lapus's interrogation on "Don't Lie To Me" and answered questions about Patrick Garcia and Jennylyn Mercado. Glaiza has been seen lately with Patrick but she denied that something special is going on.


Sporting a China-chopped hairstyle, Glaiza de Castro bravely faced the "Don't Lie To Me" segment of John "Sweet" Lapus in Showbiz Central last Sunday, February 15. Siyempre pa, karamihan ng tanong kay Glaiza ay nasentro sa diumano'y panliligaw sa kanya ni Patrick Garcia.

First question: Nagkaroon daw kayo ng iringan at dedmahan ni Lovi Poe habang ginagawa ninyo ang Kaputol ng Isang Awit, ano nga ba ang totoo sa isyung yun?

"No," ang sagot ni Glaiza. The detector's result was "Lie."

"Wala talaga. Siguro sa mga tao sa paligid namin, sila lang ang gumagawa ng away, pero sa amin, wala talaga. Siguro that time, pareho lang kaming pressured. Sa kanya, sa mga issues niya, 'tapos ako, sa trabaho. Parang ganoon. So, parang nakaapekto rin."

Dugtong pa niya, "Friends kami ni Lovi."

Moderate-level question: Just recently, na-meet na raw ni Patrick ang iyong mga magulang. Naramdaman mo ba na boto sila kay Patrick bilang future boyfriend mo?

"No," pa rin ang sagot ni Glaiza. "Truth" naman ang result this time.

Ayon naman kay Glaiza, "Sinadya ko yun," natatawa niyang sabi. "Actually, hindi naman ako ang makakapagsabi niyan."

Ini-entertain ba nila si Patrick?

"Oo naman. Matagal na naman yun. We had a Bible study nun. Actually, noong time din ng concert, nagpaalam siya. Siguro, may hesitation din nang konti. Pero, hindi naman sila yung type ng magulang na judgemental. Hindi sila yung agad na naghuhusga."

Kahit may anak sa pagkabinata, okey lang?

"Oo... Hindi naman sila yung naghuhusga agad."

Next question: Nakakaramdam ka ba ng konting ilang kapag nagkikita kayo ni Jennylyn Mercado?

Matagal bago nakasagot si Glaiza ng "No" at ang naging resulta naman ay "Lie."

"Hindi ko siya matatawag na ilang, e. Parang siguro, it's just an awareness sa mga isyu na lumalabas ngayon. Pero hindi talaga. Siguro noong una ko siyang nakita, nagulat ako na nandoon siya. May kausap kasi ako sa phone. Ayoko naman na, you know...parang gusto ko rin ng privacy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, "You know, tao rin naman tayo. Nakakaramdam din tayo ng ganoon paminsan-minsan. But it doesn't mean na you don't like her or meron kayong something na malaking isyu. Hindi naman."

Prior to this issue, magkaibigan ba kayo ba ni Jennylyn?

"Opo... opo, magkaibigan kami."

Now or Never question: Mag-on na ba kayo ni Patrick Garcia?

Consistent sa sagot na "No" si Glaiza and once again, "Lie" ang naging resulta sa lie-detector machine.

"Hindi po talaga...hindi po."

Nanliligaw si Patrick sa 'yo?

"Hindi rin, e...parang hindi ko makita na ganoon ang intensiyon sa ngayon. Parang it's too early to tell."

If ever ba, kung nililigawan ka na or naging kayo, aaminin mo naman?

"Opo...aaminin ko naman. Wala naman akong bagay na maitatago. At saka, hindi talaga ako ang taong nagde-deny."

Ikaw ba, hindi rin isyu sa 'yo na may anak ang magiging boyfriend mo?

"No, hindi naman...nasa tao naman yun, kung wala ka ngang anak 'tapos yung ugali mo naman sobrang masama."

Over all, Glaiza only got one "Truth" and three "Lies."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN