PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Netizens moved by 76-year-old Joy Ride driver’s story

Simple kindness can accomplish much.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Sep 9, 2024
TNVS driver
A female college student is relieved she didn’t cancel her already booked ride, despite waiting 15 minutes. She later discovered that the driver, a senior citizen, had been struggling to operate the ride-hailing app.
PHOTO/S: Patricia Joyce Quintana

Madalas gamitin ngayon ang kasabihang, “Always choose to be kind. You don’t know what the other person is going through.”

Perfect example dito ang nag-viral na Facebook post ng isang estudyante noong September 3, 2024.

Simple ang kuwento ni Patricia Joyce Quintana, 28, taga-San Pedro City, Laguna, pero marami ang naka-relate at naantig.

Tungkol ito sa driver na isang senior citizen.

Mula sa kinaroroonan, nag-book si Patricia ng ride through JoyRideSuperApp, isang Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Ang sabi sa app, nakarating na raw sa pick-up point ang driver, pero wala pa rin ito sa kinaroroonan ni Patricia.

Inabot ng 15 minutes sa kahihintay ang dalaga at nainip.

“Halos i-cancel ko na dahil ako’y inip na. Hindi niya alam kung paano at saan,” post sa FB ng estudyante.

Mensahe raw niya sa driver (published as is): “Kuya, saan na po kayo? I-cancel ko na lang po ba? o kaya niyo po makarating?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Reply raw ng driver: “Hindi ko alam, e. Pwede mo ba akong mahintay kahit saglit? Sandali lang ha…”

Natagalan man, nagawa raw makarating ng driver sa kinaroroonan ni Patricia.

Dito na nalaman ni Patricia kung bakit natagalan ang driver.

At press time, mayroon na itong 100,000 reactions at 33,000 shares.

NETIZENS ARE ALL PRAISES!

Pasasalamat agad ang bungad ng driver kay Patricia pagsakay nito.

Sabi raw ng driver (published as is): “Salamat, ha? ilang pasahero na ang nag-cancel. Ang sinasabi, kina-cancel ko raw, pero hindi naman.

“Malapit na ako ma-memohan. Mabuti, naunawaan mo ako.

“Bago pa lang ako rito.. ni hindi ko alam gumamit ng mabilis sa teleponong ito..”

Ang sumunod na sinabi ng driver ang umantig kay Patricia.

Sa pagpapatuloy ng post:

“At hinding-hindi ko makakalimutan ang mga salitang kumurot sa pusu ko: ‘Nagpapasalamat ako kasi may tumanggap pa sa akin sa ganitong trabaho. Kahit ganito na ako at 76 years old na ako.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming netizens ang nagkomentong hindi nila naiwasang maiyak sa post ni Patricia.

Sabi ng isa (published as is): “Aww, Ate Pat. Bakit naiyak ako habang binabasa 'to? Very good ka dyan. ”

Mensahe ng isa pa (published as is): “oh my naiyak ako ng slight... promise. ang sipag nya, kht hirap sya sumunod sa trend.”

TNVS comments 1
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga nagpasalamat kay Patricia dahil sa inspirasyong hatid ng kanyang post.

“Thank you Trish for sharing this wonderful story & reminder. And for being a blessing to manong na din,” komento ng isang netizen.

TNVS comments 2

Halos iisa naman ang kalimitang sagot ni Patricia sa mga iniiwang komento sa kanyang post: ang pasasalamat at papuri sa Diyos sa pagkakataong maging blessing sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa palitan ng mensahe ni Patricia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi nitong nakilala niya ang driver bilang si Joelito Mortega, 76, na baguhang TNVS driver.

Ang message ni Patricia nitong Huwebes, September 5: “Dahil sa maikli ngunit makabuluhang pagkakataon na iyun kasama si Tatay Joelito, alam kong sinagot na naman ako ng Diyos sa di mabilang na pagkakataon, sa araw-araw kong panalangin, na gawin akong instrumento ng kapayapaan at Kanyang pag-ibig.”

ALWAYS CHOOSE KINDNESS

Bagamat mabilis lamang ang naging interaksiyon nina Patricia at Joelito, naikuwento ng driver kay Patricia na sa kapatid nito ang ginagamit na sasakyan.

Ang pick-up point ni Patricia ay sa Asian Eye Institute, kunsaan siya nag-i-intern, at ang destination niya ay sa One Ayala Bus Terminal.

Si Patricia ay kumukuha ng Optometry sa Centro Escolar University sa Maynila.

Hindi niya inasahang mag-va-viral ang kanyang post, ngunit masaya siya sa pagkakataong magbigay ng inspirasyon at mahalagang aral sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Patricia, nagpapasalamat siya na “hinayaan Niyang umabot ang kwento ni Tatay Joelito sa iba’t ibang parte ng mundo na pupwedeng magpabago sa kaibuturan ng puso ng tao.”

Bukod sa kanyang pag-aaral upang maging eye specialist, tapos ng kursong Bachelor of Science in Physical Therapy si Patricia.

Isa rin daw siyang masugid na tagapaglingkod sa simbahan at 14 years nang bahagi ng Santo Sepulcro Choir sa simbahan ng Shrine of Jesus in the Holy Sepulchre.

Aniya, mahalaga ang values na ipinamulat sa kanya mula noong siya’y bata pa.

Sa panahong mabilisan at madalian ang lahat, bihira ang mga gaya niya na kayang mag-antay nang mahinahon.

Kung tutuusin ay puwede na siyang mag-cancel, ngunit kung nangyari yun ay hindi niya malalaman ang rason ni Mang Joelito.

Ani Patricia sa PEP: “Sa araw-araw ko pong pamumuhay, maliit man o malaking bagay ang nangyayari sa akin, palagi kong naaalala ang turo ng nanay at tatay ko mula bata palang po ako, na maging sensitibo sa kung ano ang itinuturo sa akin ng Panginoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Anong aral ang mapupulot ko, maganda man o hindi ang pangyayari, palaging isabuhay at isapuso kung paano ako lalago bilang isang mabuting tao,” pagwawakas ni Patricia.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A female college student is relieved she didn’t cancel her already booked ride, despite waiting 15 minutes. She later discovered that the driver, a senior citizen, had been struggling to operate the ride-hailing app.
PHOTO/S: Patricia Joyce Quintana
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results