JC de Vera's contract renewal with GMA-7 getting dimmer

IMAGE 0


Things are not looking so good for JC de Vera and his home network for the last three years, GMA-7. Although he was offered to be part of Obra, something reportedly happened that got his mom mad.


Kung ilang beses munang na-blind item bago napangalanan na si JC de Vera nga ang sinasabing Kapuso actor na baka lumipat sa ABS-CBN.

Si JC, na alaga ni Annabelle Rama, ang isa sa kauna-unahang pinapirma ng exclusive network contract ng GMA-7. Magtatapos ang pinakahuling kontrata ni JC sa Kapuso network sa Marso 14, apat na araw pagkatapos ng kanyang kaarawan.

Anim na taon na ang itinatagal ni JC sa Kapuso network, na unang ipinakilala noon second batch ng youth-oriented drama show na Click; kasabayan sina Valerie Concepcion at Iya Villania na parehong nasa ABS-CBN na ngayon.

Sa mga huling proyekto niya para sa GMA-7, leading-man status na si JC tulad sa Babangon Ako't Dudurugin Kita at Lalola ngunit hindi pa title role.

Ang unang balita, "hihiramin" lang sana ng ABS-CBN si JC para sa may isang taon nang nade-delay na Nurserye ni Judy Ann Santos na Humingi Ka Sa Langit, kung saan makaka-triangle nila si Derek Ramsay. Pagkatapos nito ay "isosoli" siya sa GMA-7.

Nag-offer agad ng bagong soap ang GMA-7 para mapigil ang paglipat ni JC. Ito ang pagbabalik-Obra niya kasama sina Sheryl Cruz at Marvin Agustin. Ka-partner niya rito si Bianca King (hindi si Maxene Magalona na unang napabalita ngunit nasa cast pa rin ang dalaga).

Pero may "nangyari" raw noong story conference ng Obra na sadyang ikinagalit ng ina ni JC at isinumbong naman sa manager nitong si Annabelle.

Nang makita ng PEP (Philippine Entertainment portal) si Annabelle sa Imperial Palace Suites kagabi, February 18, inamin niyang pagkakamali niyang hindi niya nasamahan ni JC sa story conference kung kaya't "nangyari" ang lahat.

May panibago raw offer ang GMA-7 kay JC kung sakaling tanggihan nito ang Obra, ang pagsasama nila ni Heart Evangelista sa isang remake ng pelikula noon nina Sharon Cuneta at Richard Gomez. Ngunit balitang ang nanay ni JC na ang ayaw nang pumirma pa sa GMA dahil sa "pangyayaring" ito kahit may first option ang Kapuso Network to renew his contract.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Annabelle, wala naman siyang magagawa kung sakaling ang ina na ni JC ang hindi magpapapirma sa anak sa GMA-7 dahil susundin niya pa rin ang kagustuhan ng magulang ng kanyang talent.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN