Mike Tan obeys GMA Artist Center ruling that bans its stars from some public places

IMAGE 0


StarStruck Batch 2 winner Mike Tan is one of the frequent visitors of Station 168, an Internet cafe along Tomas Morato, Quezon City. Recently, GMA Artist Center made a ruling that bans its stars from going to Internet cafes and bars, to avoid talks related to drugs and other vices.


Nagpalabas ng utos sa mga artista ng GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network, na bawal na silang magpunta sa mga lugar na matao tulad ng mga Internet café at bars. General ang pagbabawal na ito, ngunit mas nasentro ang Station 168 Internet Café sa Tomas Morato, Quezon City, dahil dito pinakamadalas na nagpapalipas-oras ang mga artista; hindi lang taga-GMA-7 kundi pati mga taga-ABS-CBN na rin.

Ayon sa nakausap ng writer na ito, pinagbawalan ng GMA Artist Center ang mga artista nila na mamalagi sa ganitong mga public places para maiwasan ang mga tsismis sa kanila, tulad ng drugs at kung anu-ano pa. Anim na buwan daw na suspension ang mahuhuling sumusuway sa pag-uutos.

Isa sa pinakamadalas na nagpupunta sa Station 168 ay ang StarStruck 2 Ultimate Male Survivor na si Mike Tan, na huli naming nakita noong isang linggo. Sa story conference ng Marino ng ATD Entertainment kahapon, February 18, kami muling nagkausap.

"Miss n'yo na kami doon?" pabirong tanong ni Mike sa amin nang kamustahin namin siya.

Wala raw problema si Mike kung pagbawalan silang mamamalagi rito. Para sa kabutihan na rin naman daw nila ito kung makakatulong itong makalayo sa mga tsismis sa kanila.

Tinitiyak din ng young actor na walang katotohanan ang pagkabit ng tsismis ng drugs sa Internet café dahil napaka-public naman daw nito para gawin ito ng mga nagpupunta roon. Isa pa sa mga dahilan kung bakit madalas si Mike sa Station 168, malapit lang din daw kasi ito sa gym nila sa kanto ng Tomas Morato at Timog.

Sa ngayon, "connected" pa rin naman si Mike sa mga kaibigan niyang naiwan sa Station 168 sa pamamagitan ng Facebook at WOW interface. Doon na lang daw sila "nagkakausap" ng mga naging kaibigan niya sa nasabing Internet café.

"Kaya lang, iba naman kasi kapag katabi mo ang mga kalaro mo, mas exciting," sabi ni Mike.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Mike, card-carrying members din ng Station 168 ang mga StarStruck boys na sina Mark Herras, Rainier Castillo, Dion Ignacio, at Alvin Aragon ng Batch 1; CJ Muere, Kevin Santos, Kirby de Jesus, at Chris Martin ng Batch 2; ang namaalam nang si Marky Cielo at si Jeric Rizalado ng Batch 3; at sina Mart Escudero at Paulo Avelino ng Batch 4.

Nagagawi rin paminsan-minsan dito ang StarStruck graduates na sina Yasmien Kurdi, Katrina Halili; at Rich Asuncion; pati na rin sina Prince Stefan, Stef Prescott, Aljur Abrenica, Megan Young, Vivo Ouano, at Johan Santos.

Dumaraan din paminsan-minsan kapag very late at night si Mark Anthony Fernandez. Noong nasira ang computer connection sa bahay nila, sa Station 168 din nag-Internet noon si Rhian Ramos.

Sa mga Star Magic artists, regular sa Station 168 sina Jason Abalos, Charles Christiansen, at Janus del Prado. Dumaraan din paminsan-minsan ang barkada nina AJ Perez at Chris Gutierrez, at dati ring naging regular noon si AJ Dee na madalas nang nakikita sa isa pang Internet café sa kahabaan ng Tomas Morato.

Station 168 din noon ang naging lugar na hintayan nina Alessandra de Rossi at Jeremy Marquez noong sila pa; at pati na rin sina JR Siaboc at Irish Fullerton ng Pinoy Dream Academy.

Ito rin ang naging "halfway house" ng mga manunulat at iba pang trabahador sa showbiz para magkaroon ng connectivity. Regular dito ang Malaya editor, MTRCB member, at Manunuri member na si Mario Hernando; ang mga showbiz press na sina Ambet Nabus at Vinia Vivar; pati na rin ang scriptwriter-director na si Paolo Villaluna; at scriptwriter-manager na si Dennis Evangelista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN