Sheryl Cruz only learned from a newspaper that her husband had filed for divorce

IMAGE 0


"Ang ganda ng set-up namin noon. Ako ang babalik doon kasama ng anak namin, tapos siya naman ang uuwi rito. Nakapundar na nga ako ng bahay dito para sa amin. Ang ayos-ayos ng huli niyang pag-uwi rito. Pagbalik niya, nabasa ko na lang din sa diyaryo, manghihingi na pala siya ng divorce," says Sheryl Cruz about her husband Norman Bustos.


Separated but blooming si Sheryl nang nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving presscon ng Luna Mystika, na magtatapos sa susunod na buwan sa Telebabad ng GMA-7. Biro agad namin sa kanya, hindi siya halatang malungkot.

"Siyempre naman, kailangan pa rin sa trabaho ko na fit ako," sabi niya.

Pagkatapos ng kung ilang taong pagsasama at isang anak, naghiwalay sina Sheryl at ang asawa nitong si Norman Bustos, isang police officer sa San Francisco. Si Norman ang humingi ng divorce ngunit hanggang ngayon, hindi pa raw natatanggap ni Sheryl ang papeles para magsimula ang divorce proceedings sa U.S.

"Hindi ko alam kung ano ang hinihintay niya, bakit ayaw pang ipadala ng attorney niya ang papers. Baka hinihintay nilang magkamali ako," saad ni Sheryl, na hindi na pinasulat sa amin kung ano ang ibig sabihin ng huling pangungusap niya.

Kung siya ang tatanungin, ayaw niyang magkahiwalay sila ng asawa niya ngunit wala naman siyang magagawa dahil si Norman na nga ang nag-request nito.

"Ang ganda ng set-up namin noon," sabi ni Sheryl. "Ako ang babalik doon kasama ng anak namin, tapos siya naman ang uuwi rito. Nakapundar na nga ako ng bahay dito para sa amin. Ang ayos-ayos ng huli niyang pag-uwi rito. Pagbalik niya, nabasa ko na lang din sa diyaryo, manghihingi na pala siya ng divorce.

"Masakit. Ang dami pa ring gabi na umiiyak ako, pero wala naman akong magawa. Ang anak namin, nagtatanong na rin kaya kailangan kong explain sa kanya, daddy's girl pa naman siya."

Binilhan daw ni Norman si Ashley ng Apple computer para makapag-online webcam silang mag-ama halos gabi-gabi. Wala naman daw masasabi si Sheryl sa tungkol sa kanyang asawa kung pagmamahal sa kanilang anak ang paguusapan.

"It is work that keeps me occupied para minsan nakakalimutan ko na rin ito," sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO GMA-7. Maganda ang naging pagbabalik ni Sheryl sa GMA-7 pagkatapos niyang magtrabaho ng isang taong mahigit sa ABS-CBN.

"Maayos naman ang paalam ko noon kaya noong nagsabi ako kung puwede akong magtrabaho ulit sa GMA, wala ring naging problema."

Magtatapos pa lang ang Luna Mystika ngunit may kasunod na agad ito, ang reformatted Obra na tatakbo ng isang season ang isang kuwento.

"Nakaka-flatter na bigyan ako ng ganitong trabaho ng GMA, bida talaga. Sa akin naman, okay lang na maging support kaya nagulat ako na kami nina Marvin Agustin, JC de Vera, at Maxene Magalona ang pinakabida talaga," sabi ni Sheryl sa PEP bago pa man nagkaroon ng pagbabago ang casting, pati na rin yata ang haba ng itatakbo ng kuwento.

BACK TO SINGING. Ngunit mas excited si Sheryl sa pagbabalik-recording niya. Bumuo ng sariling recording house ang Wow Magic Sing at si Sheryl ang una nilang pinapirma ng kontrata.

"Three years ang contract, at ang unang album, ire-release na this February 23," pagbabalita niya.

There's No Place Like Home ang titulo ng album, pati na rin ang carrier song. Mga original compositions ang mga kanta bukod sa dalawang revivals, ang "Love Me For What I Am" ng Carpenters at ang "Kaibigan Lang Pala."

"Tapos lahat ng kanta, ilalagay sa bawat Wow Magic Sing," dagdag ni Sheryl.

Tinanong namin si Shery kung ire-remake niya ang "Mr. Dream Boy." Sabi niya, kung pagbibigyan siya ng pagkakataon at susunod na album, bakit naman hindi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN