Current obsession ngayon sa social media ang two-month-old baby hippopotamus sa isang zoo sa Thailand.
Sa sobrang sikat ng baby pygmy hippo, milyun-milyong pisong halaga na ang naipasok nito sa kinalalagyang zoo, 24-hour live streaming, libu-libong bisita, at mabentang merchandise.
Inaasahan pang aakyat ang numbers sa mga susunod na buwan.
Laman ng social media at pati ng foreign media outlets ngayon si Moo Deng, na ang English translation ng pangalan ay "bouncing pig." Isa itong pygmy hippo na matatagpuan sa Khao Kheow Open Zoo sa Si Racha, Thailand.
Ang pygmy hippo ay small hippopotamid na matatagpuan sa Africa. Kumpara sa ibang uri ng hippo, itinuturing silang hindi delikado.
Read: How architects deal with clients who believe in feng shui

Moo Deng craze boosts visitors and revenue
Ayon sa zoo director na si Narongwit Chodchoy, dahil sa obsession sa baby hippo ay nagkaroon ng 50-percent increase sa zoo visitors, ulat ng Thai news daily na Bangkok Post nitong September 22, 2024.
Kumita agad ang zoo ng 12.97 million baht (PHP22 million) mula September 1-19, 2024 o 19 days, mula sa 81,786 zoo visitors.
Inaasahan din ng zoo na aabot ng higit isang milyon ang visitors at kikita ng higit 200 million baht (PHP342 million) hanggang sa katapusan ng taon.
Read: Engineer, always absent from work, gets regular pay for 6 years
24-hour live stream
Naglunsad na rin ang zoo ng 24-hour live streams via zoodiolive.com para mapanood nang live ang mga hayop sa zoo, lalung-lalo na si Moo Deng.
Sa live stream nitong September 19, Biyernes, umabot sa 44,000 ang nanood, sabi ni Narongwit.
Inaasahan din ng zoo director na makaka-attract ng foreign visitors ang baby hippo.
Sa mga interesadong masilayan si Moo Deng sa zoo, pumupunta ang mga bisita mula 7:45 AM-9:00 AM habang nililinis ng zoo cleaner ang kural ng baby hippo na madalas ay tumatakbu-takbo at tumatalun-talon.
Bukod sa nagkalat na pictures ni Moo Deng sa internet ay ginawan pa siya ng mga memes, kunsaan ipinapasok ang larawan niya sa mga sikat na Hollywood movies.


Pinapayagan lamang ang mga bisita na mapanood si Moo Deng ng five minutes para ma-accommodate ang iba pang bisita.
Kung nais ng bisitang makita muli si Moo Deng, kailangan nilang pumila uli.
Sa katanyagan nga ni Moo Deng ay inanyayahan na siya ng organizers ng Formula 1 Miami Grand Prix na manood ito ng race sa Florida sa 2024, ulat ng Bangkok Post.
Nakabenta na rin ng zoo ng mga Moo Deng t-shirts sa restaurant nito.
Nagkakahalaga ang t-shirt ng 329 baht o PHP562.
