Janno Gibbs says wife Bing Loyzaga is back to work with improved health

IMAGE 0


"Nakakatawa lang nung first time na may ipakilalang boyfriend si Alyssa sa amin, weird ang feeling na naramdaman namin ni Bing. Sa amin kasi, baby pa rin ang tingin namin sa kanilang dalawa, pero tanggap na rin namin na mga dalaga na sila," narrates Janno Gibbs.


May konting lagnat ay dumating pa rin kahit medyo late na si Janno Gibbs sa pocket interview na ibinigay sa kanya ng GMA Records para sa Orig album niya sa Old Spaghetti House sa Sct. Esguerra, Timog, Quezon City, last Wednesday, February 18.

Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Janno tungkol sa misis niyang si Bing Loyzaga, na nag-shoot up ang blood pressure dahil sa nangyari sa parents nito sa Australia last year.

"Naging traumatic talaga sa kanya 'yon at sa buong pamilya," banggit ni Janno. "Pabalik-balik kami sa Australia. Unang nagkasakit ang daddy niya. Kababalik lang namin dito, ang mommy naman niya ang nagkasakit, punta na naman siya doon. Then, sa sobrang stress, 'yon, may hypertension na pala siya.

"It's good din naman na nalaman nang may sakit pala siya. Kaya bilang suporta sa kanya, tahimik lang kami sa bahay, ayaw naming may makakapagpa-stress sa kanya."

IMPORTED FLOWER ARRANGEMENT. Dahil katatapos lang ng Valentine's Day, ano naman ang gift niya kay Bing?

"May taping ako ng Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? noong araw na 'yon. Pero sa eve pa lang ng Valentine's Day, pa-secret ko nang ibinigay sa kanya ang imported flower arrangement. Binigyan ko na rin ang mga anak kong sina Alyssa at Gabrielle," kuwento ng singer-comedian.

Mabuti pinayagan niyang magtrabaho muli si Bing, na kasama sa cast ng Paano Ba ang Mangarap?

"Nang okey na siya, sabi niya, gusto raw niyang gumawa sa GMA, kung may project na puwede sa kanya. Tinawagan ko sila at mayroon daw, yung ngang ginagawa niya ngayon, Paano Ba Ang Mangarap?. No problem naman sa kanya ang role, kaya niyang pag-aralan ang sitwasyon ng character niya sa story."

Hindi ba niya pinagbabawalan si Bing sa mga kissing scenes nito?

"Hindi naman, sa akin kasi trabaho 'yon," sagot ni Janno. "Pero siya na rin ang tumatanggi. Naalaala raw niya na dalaga na ang mga anak namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JANNO AS A FATHER. Mahigpit ba siya sa dalawang anak, lalo pa't parehong mga babae ito?

"Hindi naman. Si Alyssa, naka-ilang boyfriends na rin siya. She's very intelligent naman kaya siguro alam niya kung dapat ba na maging seryoso na siya sa relasyon niya. Kami ni Bing, diretso namin siyang kausapin kaya hindi naman siya naglilihim sa amin.

"Nakakatawa lang nung first time na may ipakilalang boyfriend si Alyssa sa amin, weird ang feeling na naramdaman namin ni Bing. Sa amin kasi, baby pa rin ang tingin namin sa kanilang dalawa, pero tanggap na rin namin na mga dalaga na sila.

"Strict lang talaga ako sa safety nila kapag lumalabas sila. Hindi sila nagagalit kapag tinatawagan ko sila. Ako naman, ang tinatanong ko lang sa kanila ay kung nasaan na sila, kung pauwi na sila," pagtatapos ni Janno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN