Boy Abunda to Dra. Vicki Belo: "Wala akong ginawang masama sa 'yo."

IMAGE 0


"Vicki, if you're watching, alam mo na kahit kailan, kahit kailan hindi ako namuhunan sa gandang panlabas. Alam mo namuhunan ako ng lakas ng loob, sipag, tiyaga, dasal. At Vicki, wala akong ilusyong maganda ako, wala akong ilusyon. Pero wala rin sinumang may karapatang manlait sa aking pagkatao," says Boy Abunda.


Hindi maipagkakaila na mahigpit ang kumpetisyon sa pagitan nina Dra. Vicki Belo at Drs. Manny and Pie Calayan. Magkalaban ang kanilang mga klinika—Belo Medical Group at Calayan Surgicentre—lalo na sa paramihan ng celebrity endorsers.

Sa interview ni Mo Twister kay Dra. Belo sa Showbiz Central last Sunday, February 22, "nagbiro" ang doktor tungkol sa kumpetisyon nila ng mga Calayan. Aniya, "If you want to look like Boy Abunda, go to Calayan. But if you want to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual, come to Belo," na ang tinutukoy ay ang kani-kanilang mga endorser. (Click here to read related article.)

Nakarating na kay Boy ang "pagbibiro" ni Dra. Belo. Kaya naman kagabi, February 23, sa programa nila ni Kris Aquino na Showbiz News Ngayon (SNN), ay nagbigay ng kanyang reaksiyon si Boy tungkol sa naging pahayag ni Dra. Belo.

"Nang magkabati sina Kris at Vicki," simula ni Boy, "tinanong po ako ni Kris, how did I feel. At ang sabi ko po, mga kaibigan, I missed her. That came from the bottom of my heart, I missed Vicki.

"Off-cam, sinabi ko po kay Kris na nakaka-miss din dahil noong mga panahon na nag-uusap at hindi pa nagpapahinga yung aming pagiging magkaibigan, everytime she gets into problems, she'll call me for advice. Sabi ko dito sa Hayden [Kho, Vicki's ex-boyfriend] controversy, siyempre tahimik ako dahil hindi nga kami nag-uusap.

"Kahapon right after The Buzz, my first caller po was Ruffa Guttierez, na sinasabi sa akin kung narinig ko na yung sinabi ni Dra. Vicki Belo sa [Showbiz] Central, sa kabila. Hindi pa. That was the first time I was hearing it.

"Hanggang may mga text messages na pumasok po sa akin. At sinabi kong hindi naman siguro sasabihin sa akin ni Vicki ito. Baka nagkakamali lang dahil malalim naman ang aming pinagsamahan at matagal ang aming pinagsamahan. At sabi ko nga, wala naman kaming pinag-awayan ni Vicki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-surprise po ako, nasindak po ako," pag-amin ni Boy. "Hindi po ako makapaniwala nung luminaw na ang lahat ng mga sinabi niya, yung konteksto ng kanyang interview. Nabigla po ako dahil, first of all, I didn't expect nung sinabi nga niya na, 'If you want to look like Boy Abunda, go to Calayan. And if you want to look like Dingdong Dantes, go to Belo', dahil kaibigan ko pong matalik si Dra. Vicki Belo for many years. We were good friends.

"Matagal na panahon kaming nagsama ni Vicki. And, Vicki, if you're watching, alam mo na kahit kailan, kahit kailan, hindi ako namuhunan sa gandang panlabas. Alam mo, namuhunan ako ng lakas ng loob, sipag, tiyaga, dasal. At Vicki, wala akong ilusyong maganda ako, wala akong ilusyon. Pero wala rin sinumang may karapatang manlait sa aking pagkatao."

Patuloy niya, "Mga kaibigan, last night, 10 o'clock in the evening, I got a surprise call from Nanay [Boy's mother] mula po sa Samar. Sabi ko, 'Nay, ba't ka tumatawag, alas diyes na? Dapat tulog ka na.' Sabi niya, 'Hindi lang ako mapakali. Sagutin mo lang ang tanong na ito. Meron ka bang ginawa kay Dra. Belo at ginawa ka niyang katawa-tawa sa TV?'

"Wala po akong ginawang masama kay Bicky Belo..." Sa bahaging ito ay gumagaralgal na ang tinig ni Boy. "Vicki, if you're watching, you know that I did not do anything bad to you to deserve this. Wala akong ginawa sa 'yo.


"And, Nay, if you're watching, wala po akong ginawa. Dahil narating ko po itong maliit na espasyo dito sa industriya na wala po akong inapakan. At, mga kaibigan, hindi po tayo kinakailangang kasing ganda o kasing guwapo ni Dingdong Dantes para maging masaya at para maging mabuting tao," naiiyak na pahayag ng SNN co-host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN