Bernard Palanca says he never fails his obligation as a father

IMAGE 0


"If I have to do what I have to do and I need to do, I'll do it to be able to take care of him. For me, it's my son first before myself," says actor Bernard Palanca about his obligation towards his son Elijeh.


Sa kabila ng paghihiwalay ng landas nina Bernard Palanca at Meryll Soriano pagkatapos ng napakaikling pagsasama nila bilang mag-asawa, may batang laging magtatali sa kanila sa habang-panahon—ang anak nilang si Elijah.

Kasabay ng hindi magandang pagtatapos ng kanilang pagsasama ay ang paglabas ng mga isyu. Isa na rito ang pinansiyal na suporta raw ni Bernard para sa anak na nagkukulang kung kaya't binabalikat daw mag-isa ni Meryll ang pagiging magulang kay Elijah.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa cast party ng You Changed My Life last Tuesday, February 24, pagkatapos ng premiere nito, binigyang linaw agad ni Bernard ang issue.

"I take care of whatever he needs in terms of his milk, diapers, his food... Whatever he needs, I take care of that. I do whatever I have to and I give what he needs. I will never leave my son alone in that state. If I have to do what I have to do and need to do, I'll do it to take care of him. For me, it's my son first before myself. Yun lang yun," pagtatanggol ni Bernard sa sarili.

Tungkol naman sa kanyang anak, ito ang masasabi niya: "I love him, he's my angel! Every time I'm with him and every time he says the word 'Papa,' wala na, natutunaw na ako."

Kumusta naman ang pakikitungo nila ni Meryll sa isa't isa?

"We're civil," sagot niya. "I won't even say that it's friendship yet. I don't call her up everyday and ask how she's doing. If I do talk to her, normally it's just to ask how Elijah is doing.

"We're okay, there's no tension between me and her. She's the mother of my son... We're civil. Eventualy naman, I know it will get there," saad ng aktor.

Nabalitang nakikita raw si Bernard na may iba't ibang ka-date. Hindi naman ito itinanggi ng aktor, pero hindi pa raw siya handa sa panibagong relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was dating for a while, but no one in particular," sabi niya. "I'm not in that stage of being ready to get in a relationship. I'm really concentrating on a lot of things right now that has nothing to do with girls. But if I do end up meeting someone, my doors are not closed. I'm obviously open to whatever happenes. Pero as of now, wala pa sa utak ko 'yan."

Ang Gagambino ng GMA-7 at ang You Changed My Life ng Star Cinema ay ilan lamang sa mga trabahong natapos nang gawin ni Bernard. Since bakante muna siya sa showbiz load, naka-focus naman siya ngayon sa kanyang events business.

"I'm also doing events nows. If I'm not shooting or taping, I have a company that does events and parties. If I'm not busy with my showbiz commitments, I'm there in the office," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN