Kung isa kang foodie at mahilig manood sa social media, most likely ay familiar ka sa mestizo, matipuno, at English-speaking chef na ang content ay magluto ng Pinoy dishes.
As it turned out, may dugong Pilipino pala ang chef na ito na si Andre Casper, 22.
Siya ay Filipino-German na nakatira sa U.S.
Pilipina ang ina at German ang ama, aminado si Andre na malalim ang pagkakaukit ng Filipino culture sa kanyang pagkatao.
Sa pamamagitan ng social media, naipakikilala ni Andre ang Filipino food sa international audience.
“I was living with my mom, my lola, and my ate, and they were all full Filipino,” ani Andre sa GMA Public Affairs interview.
“So, really, 90-80 percent of my upbringing was influenced by Filipino culture, the food, the family, kababayan and all of that.”
Malaking factor para mamulat siya sa kulturang Pinoy ay dahil sa inang si Roline Casper.
Pagbabalik-tanaw ni Andre, “When I was growing up, I was always eating Filipino food.
“For me, when I was young, it was something to enjoy for myself.”

Read: Boy who was once kicked out of hotel grows up to become its owner
Dating miyembro ng U.S. military si Andre at nang lisanin niya ito ay naging katuwang siya ng ina sa kanilang Filipino resto sa California.
At sa pagiging social media influencer niya, naipakikilala niya ang Pinoy food sa ibang lahi.
Sabi niya, “A lot of my viewers are not Filipino and they have questions.
“And I have the answers I try to provide them as best that I can.
“Pinoy food is something that should be in the world stage, and it should be, and it is now.”
Ang Instagram at TikTok account ni Andre ay @realandrecasper at maraming views ang kanyang cooking videos.

Read: Former child prodigy in physics faces challenges getting employed
HUNKY CHEF INFLUENCED BY PINAY MOM
Ang ina ni Andre na si Roline ay nakipagsapalaran sa U.S. noong 90s.
Sa U.S. niya nakilala at pinasalan ang German na si Anthony.
Nang makabuo ng pamilya, naging desidido si Roline na ituturo niya sa mga anak ang kulturang Pinoy sa pamamagitan ng pagkain.
Ani Roline, “I make sure they have Filipino food in the house para naiintindihan ng mga anak ko what our food is.
“I want them to be proud na, ‘Hey, this is our food and not to be embarrassed by it.’”
Sabi niya pa, “Ingrained sa akin na ang pagkain is very special. It’s a love language.”
Taong 2009 nang buksan niya ang Filipino resto na Roline’s Uniquely Filipino restaurant.
Dito ay naging katuwang niya ang mga anak, tulad ni Andre.
At ang mga cooking videos na ginagawa ni Andre para sa kanyang social media ay nangyayari sa mismong kusina ng restaurant.
Dinuguan, pakbit, okoy, adobo, pati Filipino desserts tulad biko, you name it, may video na si Andre at proud ipinapakita paano magluto ng Pinoy dishes.
