Desiree del Valle is "cool" with current setup with boyfriend Vhong Navarro

IMAGE 0


"Wala namang problema sa akin kung matagal ang proseso. Hindi naman madali ang magpa-annul ng kasal. Basta nandito naman ako to support Vhong," says Desiree del Valle about her relationship with Vhong Navarro.


Sa taong ito ay magse-celebrate ng ika-4th anniversary ng kanilang relasyon sina Desiree del Valle at Vhong Navarro.

Marami na nga ang nagsasabi sa dalawa na kulang na lang ay ikasal sila dahil maayos naman ang kanilang relasyon. Pero hindi pa nga raw annulled ang kasal ni Vhong sa ex-wife nitong si Bianca Lapus pero willing naman daw maghintay si Desiree ng pagbaba ng opisyal na pagkawala ng bisa ng kasal ni Vhong.

"Alam ko na it's taking a long time pero wala naman tayong magagawa, e. Kailangan sundin ang batas and both parties naman are cooperating.

"Wala namang problema sa akin kung matagal ang proseso. Hindi naman madali ang magpa-annul ng kasal. Basta nandito naman ako to support Vhong," pahayag ni Des sa panayam niya with PEP (Philippine Entertainment Portal).

TITA DES AND VHONG'S KIDS. Madalas nga raw niyang makasama ang anak ni Vhong kay Bianca na si Yce, pati na ang isa pang anak ni Vhong sa ibang babae na si Bruno. Wala naman daw problema sa kanila ni Bianca kapag nagkikita sila.

"Okey naman kami ni Bianca. I mean, we're not close friends or anything. Civil naman kami with one another. When she drops off Yce or when Vhong picks him up sa bahay nina Bianca, nagbabatian naman kaming dalawa.

"Nakikita ko naman na okey si Bianca. I know that she has a boyfriend na rin. She looks happy naman. And that's good kasi both of them are moving on sa buhay nila.

"Ang maganda naman kina Bianca and Vhong is that they are very concerned sa anak nila. Pareho nilang gustong alagaan si Yce. Ang suwerte nga ng batang 'yan kasi parehong may pakialam sa kanya ang mga magulang niya kahit hiwalay na sila. Kaya yung bata, laging masaya kapag na kay Vhong or na kay Bianca siya. He looks forward to be with his parents parati."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tita Des" nga raw ang tawag sa kanya ng mga anak ni Vhong. Wala pa naman daw na tumatawag sa kanya ng mommy.

"Hindi pa puwedeng mommy!" malakas na tawa ni Des.

"Okey lang na Tita Des. Mas bagay sa akin. 'Tsaka awkward naman kung tawagin akong 'mommy'. Parang barkada ko nga lang ang mga anak ni Vhong. Mababait silang mga bata. It's good na lumaki silang mababait at marunong magbigay ng respeto sa kahit kanino. Hindi sila lumaking spoiled."

WORKING OUT A SCHEDULE. Sunud-sunod nga ang mga trabaho ni Des ngayon. Tatlong shows ang ginagawa niya (May Bukas Pa at The Wedding ng ABS-CBN 2; at sa Midnight DJ ng TV5) pero kahit nga raw buong linggo na siyang nagtatrabaho, may time pa rin naman siya para sa relasyon nila ni Vhong.

"Pareho lang kaming busy ni Vhong. We worked out naman a schedule para may time kami for one another. Minsan tiyempuhan na lang. Tulad today, wala akong taping, tatawagan ko siya to know kung may trabaho ba siya. Kung nataong wala, yun na ang chance namin to spend time. We usually watch a movie, kakain sa labas or hang out sa bahay niya or sa bahay ko."

VHONG IS EASY TO PLEASE. Para kay Des, kumpara sa ibang naging karelasyon niya, si Vhong na nga ang lalaking kasundo niya bilang boyfriend.

"Si Vhong naman, madaling ma-please 'yan, e. Hindi siya yung maarte or demanding. Kaya siguro nagkasundo kami because bago kami nagkaroon ng relasyon, kinilala muna namin ang isa't isa. We were friends muna bago we entered a relationship.

"Yung iba kasi, hindi namin nagawang maging friends muna bago kami nagkarelasyon. Tulad with Paolo [Contis], mga bata pa kami noon, eh. Ang alam lang namin ay na-in love kami 'tapos, yun na. Hindi namin alam ang meaning ng word na commitment kasi we were very young then. Marami pa pala kaming hindi alam sa ginagawa namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung kay Luis [Alandy] naman, he came na lang in my life na mabilis. We weren't able to get to know one another muna before everything happened. Kaya during the relationship, maraming problema. We weren't that open yet with one another kaya hindi nag-work.

"With Vhong kasi, kinilala muna niya ako and he accepted all my faults and flaws. He's very open with his life as well. Titingnan n'yo si Vhong na komedyante pero he's a serious person.

"Kapag tahimik 'yan, alam ko na malalim ang iniisip niyan kaya ayoko siyang istorbohin. Things like that na alam ko sa kanya is really something that I am proud of knowing."

Sa usapang kasal, wala pang madedetalye si Des dahil ongoing pa rin ang pagpapa-annul ni Vhong kay Bianca.

"Kapag naayos na lahat, maybe we can talk about it. Pero sa ngayon, wala pa talaga because of the situation. Naiintindihan ko naman and it's cool with me. Like what I said, makakapaghintay ako even if it takes a long time," pagtatapos ni Desiree del Valle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN