Megan Young wants to join Binibining Pilipinas someday

IMAGE 0


"Wala pang panalo ang Philippines ng [Miss] World, di ba? So, it will be an honor to try to win for the Philippines," says Megan Young who plans to join the Bb. Pilipinas beauty pageant someday.


Kahapon, February 27, ang actual birthday ni Megan Young. Isa nga si Megan sa pina-press conference ng Star Magic bilang isa sa mga artists nila na February celebrants sa 14th Floor ng ELJ Building noong Huwebes, February 26.

Matagal nang marami ang nagsasabi kay Megan Young na puwedeng-puwede siyang mag-join ng Binibining Pilipinas. Pero panghihinayang nga niya, "Next week na, e, hindi na 'ko puwedeng sumali."

E, di next year na lang, banggit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kabilang sa press na kausap ni Megan.

"Actually, gusto ko. Nag-usap nga kami ni Melissa Ricks. Kasi, gusto rin daw niyang sumali. Sabi niya, sabay raw kami. Sabi ko, 'Hindi ba mahirap yun, Mel, dalawa tayo dun?'

"Siyempre, once you join, parang nakakatakot kapag natalo ka. Yun ang worst fear ko. Yun talaga ang fear ko, yung matalo, yung mapahiya."

If ever, anong title ang gusto niyang makuha?

"Sa tatlo, siguro Miss World. Kasi, gusto ko rin kasing i-try na sige, sumali na 'ko, nanalo na 'ko, hypothetically speaking, 'tapos, siyempre, wala pang panalo ang Philippines ng [Miss] World, di ba? So, it will be an honor to try to win for the Philippines," sagot ng half-Filipino, half-American na dalaga, who is also currently taking up Broadcasting at Trinity University.

At 5'8" in height, possible raw siguro na by next year ay mag-join na nga siya. And since kasama niya si Ruffa Gutierrez sa Betty La Fea, hindi ba niya ito kinakausap para mahingan din ng mga pointers?

"Hindi pa 'ko nagtatanong sa kanya tungkol sa Miss World. Hindi ko rin maalala kung nasabi na ba niya sa akin about Miss World, kaya hindi ko rin alam."

Pero may fear siya sa pagkatalo, hindi ba dapat yun muna ang ma-overcome niya?

"Oo nga pero ano rin naman, it's the experience rin naman. Isa lang naman ang life mo, so, bakit nga ba hindi mo i-try?" mas positive nang pahayag ng aktres na Jelly Bean endorser din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOOKING FOR THAT SOMEONE SPECIAL. One of the interviewers asked Megan kung wala ba siyang makakasamang someone special, bigla nitong naalala ang birthday wish daw niya.

"Bigyan n'yo po ako ng 'someone special.' Yun pala! Yun pala ang wish ko," natatawa niyang sabi.

Matagal na raw siyang walang lovelife. Si Gian Carlo ng StarStruck pa raw ang last boyfriend niya. At si Gian ay may anak at asawa na, si Eda Nolan naman.

"Pero hindi naman po ako yung super loner, nagdi-date naman ako."

PEP asked her kung bakit parang nahihirapan siyang makahanap ng special someone to think na walang-dudang very pretty naman siya?

"Ewan ko po. Siguro dahil matangkad ako? And since matangkad ako, dapat matangkad din ang guy. At feeling ko, intimidated sa akin ang iba dahil minsan nga, mukha raw akong suplada sa tingin, pero kapag nakilala na nila 'ko, sasabihin nila, 'Hindi ka pala ganyan, Megan.'"

THANKFUL FOR BETTY LA FEA. Malaki ang pasasalamat ni Megan sa kanyang character bilang si Marcella sa I Love Betty La Fea. Nakilala pa raw siya nang husto dahil dito.

Aniya, "Actually mabait pa rin!" nakangiti niyang sabi. "Pero hindi na 'ko super baliw na magpapakamatay kay Armando [played by John Lloyd Cruz]. Ano na lang... parang lahat ginagawa."

Bigla ngang naalala ni Megan na may pool scene daw siya rito kunsaan matagal daw siyang nakababad na naka-bikini, unlike noong una na halos nasa tubig daw siya. Worry niya lang, feeling daw niya ay mataba siya ngayon.

Ano yung masasabi niyang mga nabago sa kanya ng Betty La Fea?

"Siguro mas confident na 'ko." Sa mga gathering nga raw noon, mahiyain pa siya. Ngayon daw ay nakikihalubilo't nakikipag-usap na siya.

Siguradong may mga gusto pa siyang gawin after ng Betty La Fea. May mga sinasabi na ba sa kanyang plano for her career?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Well, siyempre po, like noong nag-i-start pa lang ako, siyempre, gusto ko rin po ng hosting. Yun naman ang talagang forte ko before. At saka, more acting jobs. Gusto ko rin naman ma-try kahit sabihin mong kontrabida, another type of kontrabida. Hindi yung puro Marcella type.

LOREN LOOKS OLDER. Masaya naman daw si Megan para naman sa kapatid na si Lauren Young dahil ito naman ang inilo-launch ngayon ng ABS-CBN sa remake ng Underage.

"Oo nga raw! Meron nga raw silang mala-Eva Fonda na eksena. Naka-white T-shirt lang, basaan. Kaya sabi ko nga, naku Lauren, mauunahan mo pa yata akong magpaseksi!" natatawa niyang kuwento.

Okey lang ba sa parents niya ito?

"Oo naman kasi hindi naman sila talagang sobra na sexy. Parang sexy lang."

Fifteen years old pa nga lang daw si Lauren at four years ang age gap nila. Although, sabi ni Megan, hindi nga lang daw halata ang age gap nila.

"Hindi halata, 'cause were just really big people. Mukha kaming matatanda. Buti nga, I look my age na sa ngayon. Si Lauren kasi, she looks older than her age. She's like eighteen na rin. Minsan nga, napagkakamalan pa siyang mas matanda sa akin. Kasi, sa unang tingin, 'tapos, si Lauren, palaging nakaayos, ako jeans lang."

Pero close ba silang magkapatid?

"Oo naman," mabilis na sagot ng dalaga.

OLONGAPO-BOUND. Touched si Megan sa pagbibigay-importansiya sa kanya at ng mga kasamahan pa niyang Star Magic talents na binigyan pa sila ng maliit na birthday celebration. Hindi nga raw siya talagang nagpaplano ng mangyayari sa 19th birthday niya, pero malamang daw ay uuwi siya ng Olongapo this weekend.

"Usually kasi, parang nagdi-dinner kami ng family ko. Pero siguro, magpa-party ako kasama ang mga friends ko, mga kapatid ko sa Olongapo. Para masaya lang at para makita ko rin ang lola ko," pagtatapos ni Megan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN