Patapos na naman ang 2024, nagawa mo bang makaipon sa taong ito?
O isa ka ba sa mga madalas masambit ang, “Saan na napunta ang sinusuweldo ko?”
Naku, kelangang seryosohin ang tamang pag-handle ng iyong pera.
Narito ang ilang tips ni Chinkee Tan, dating artista na naging financial adviser at motivational speaker.
Kilala rin si Chinkee sa pagiging advocate ng financial literacy and management.
Read: Bakeshop in Pampanga sells 8K-10K pieces of cheese bread a day
FIVES THINGS YOU SHOULD NEVER DO WITH YOUR MONEY
Limang simple pero praktikal na tips ang ibinigay ni Chinkee sa kanyang TikTok account.
Lahat sila ay mga hindi dapat gawin.
Never spend without a written budget
Payo ni Chinkee, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga perang lumalabas at pumapasok para ma-monitor ang galaw ng iyong finances.
Sa ganitong paraan, mas nagkakaroon ka ng consciousness kung saan napupunta ang iyong pera at kung nakakaipon ka.

Read: Tix Dula-Laurel: The Woman Behind the Success of Goto King
Never spend more than what you make
Pahayag ng entrepreneur, “Never buy things that you cannot afford.
“Kung ang pera po at income natin ay minimum, dapat ang expenses natin ay huwag maximum.”
Pasok din dito ang common phrase na, “Never spend beyond your means.”
Never buy things that are not on your list
Related ito sa first tip na magkaroon ng written budget.
Additional effort man, pero kung para naman sa ikauunlad mo, maliit na bagay ang paglilista.
Mahalagang nakasulat ang lahat ng iyong bibilhin bago mamili sa supermarket o sa palengke.
Paalala pa ni Chinkee, “Kung wala kang listahan, mag-o-overspend at masisira ang iyong budget.”
In addition dito, hindi rin masasayang ang oras mo pagpunta sa bilihan dahil alam mo na ang mga bibilhin at wala kang makakalimutan.
Never buy things because they are just on sale
Kalimitan, nae-engganyo tayong mamili sa panahon ng sale dahil nais nating makatipid.
Pero reminder ni Chinkee, “The issue is not on the sale, the issue is meron ka bang budget? E, kung wala kang budget, hindi ka dapat bumili.”
In short, dapat ginagastos ang budget sa tamang pinaglalaanan mo.
Never forget to save
Importante na may naitatabi lagi para may mapagkukunan pagdating ng panahong mangailangan ka.
Ani Chinkee, “Kailangan po natin mag-ipon. Mag-ipon para saan? Emergency fund, calamity fund, business fund, health fund, protection fund, investment fund, retirement fund.”
