Ang hiwalayang Isabel Oli at Paolo Conti ang isa sa nagpahaba ng listahan ng showbiz couples na naghiwalay noong nakarang taon. Marami rin ang nagulat dahil wala pang isang buwan ay lumabas agad ng telebisyon sina Paolo at Lian Paz tungkol sa kanilang "engagement," kung saan ipinakita pa ng EB Babe member ang suut-suot niyang diamond ring na engagement ring daw nila ng aktor.
Sa past interviews ni Isabel ay hindi naman niya itinago ang nararamdaman niya. Inamin niya na ikinabigla niya ang pag-aming ginawa ng ex-boyfriend at nasaktan siya sa nangyari.
Pero sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Isabel sa press launch kahapon, March 4, ng campaign na Batang Iwas sa Droga, kung saan isa si Isabel sa sumusuporta sa nasabing proyekto, sinabi niya na nakapag- move on na siya.
"I'm good, I'm so happy, and I can say I moved on. Siguro ang nakatulong sa akin ay ang family ko, my friends, and God. And it's not kasi naka-move na siya, it's not that.
"Kasi parang dun siya happy. If you love someone, kung saan siya masaya, you support him kung saan siya masaya. Yun lang ang thought na iniisip ko lagi. I don't need to be selfish sa situation na ito. I need to wake up," saad ni Isabel.
Hindi naman itinago ni Isabel na sobra talaga siyang na-shock at nasaktan sa pagkakaroon agad ng bagong girlfriend ni Paolo.
"Three years din kami ni Pao," sabi ng aktres. "Last year, 2008, we also got engaged. So, hindi basta-basta yun, kaya masakit. I also did not expect na magkaka-girlfriend siya agad, so talagang it's a big shock to me. Never na kaming nag-usap. After the breakup, never na rin kami nagkitang dalawa."
Pero wala namang masasabing masama si Isabel kay Paolo bilang boyfriend.
"Paolo is so mabait, thoughtful, ang sweet, galante. Hindi rin siya strict as a boyfriend o ang daming bawal, hindi siya ganun," banggit ng aktres.
Nilinaw rin ni Isabel na walang third party sa breakup nila ni Paolo.
"No third party involved talaga," diin niya. "May mga problema lang kami, maybe sobra kasi kaming iba. Marami nga ang na-shock na three years din kami... I think yun talaga ang naging problem."
Sinabi ni Isabel na noong sila pa ni Paolo ay marami rin siyang napabayaan dahil umikot ang mundo niya noon sa kanyang ex-boyfriend. Ito nga siguro ang rason kung bakit hindi pa siya bukas sa panibagong relasyon.
"Ngayon, I learned to handle my time and kung paano ko idi-divide ang time ko. Nung time kasing yun, parang nawala si God, wala akong ganung communication sa Kanya. Pero ngayon, ang focus ko is my relationship with Him and with my family. 'Saka I need time for myself, enjoy ko muna yung time na ako lang.
"It's not trauma, e," paglilinaw niya. "Plano ko lang na ayoko munang magka-boyfriend. Three years din yun. Ano ba naman yung isang taon na wala kang boyfriend? I can't really say na ayoko talaga this year. Pag may dumating, fine. Pero sa ngayon, wala pa namang dumarating, so wala pa."
Sinabi mismo ng manager ni Paolo na si Manay Lolit Solis na dahil mabilis ang naging relasyon nina Paolo at Lian ay siguradong mabilis ding itong matatapos. Pabirong tinaningan pa nga nito na hanggang February 14 lang daw ang dalawa at magbe-break na.
Hindi naman naniniwala si Isabel sa ganitong perception ng iba tungkol sa whirlwind romance.
"I don't think so, I don't believe sa mga ganyan," sabi niya. "I have mga friends na ganun din ang nangyari sa kanila, but they're still together. Depende lang talaga 'yan sa inyo."
Balita rin na mas gusto at maboto raw ang pamilya ni Paolo kay Isabel kesa kay Lian. Ano ang masasabi ni Isabel dito?
"Matagal na rin kaming nag-uusap ng family ni Paolo, nagkaka-text-an. Okay naman sila, but never kaming nag-usap about Lian and Paolo. Wala akong masasabi diyan, but nagpapasalamat ako sa family ni Pao for being so nice to me. Yun lang ang masasabi ko," maingat na sabi ni Isabel.
