PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Caught in the act: Yasmien Kurdi and Dion Ignacio kiss on the lips

Yasmien says Dion has a chance if he decides to court her.
by Glen Sibonga
Published Mar 7, 2009
Yasmien Kurdi and Dion Ignacio give in to the request of their fans to kiss each other on the lips. This happened during the Live Chat of the former Saan Darating ang Umaga? co-stars with their fans.

Huling-huli ng camera ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nangyaring lips to lips na halikan sa pagitan nina Yasmien Kurdi at Dion Ignacio, na naganap habang nakikipag-chat sila sa kanilang mga fans sa kanilang live chat sa www.iGMA .com. Isinagawa ito ng GMA New Media noong Huwebes, March 5, sa mini-studio ng NMI sa 12th Floor ng GMA Network.

Ang live chat na ito ay bilang celebration na rin nina Yasmien at Dion with their fans pagkatapos ng matagumpay nilang Sine Novela Presents Saan Darating Ang Umaga? na nagtapos last February 27.

Napilitang maghalikan nina Yasmien at Dion dahil na rin sa request ng kanilang mga fans at sa pambubuyo na rin ng mga taong nasa mini-studio habang nagaganap ang live chat. Talaga namang nakakakilig ang live chat na iyon na bukod sa halikan ay maya't maya rin ang pagho-holding hands at paglalambingan nina Yasmien at Dion.

Kaya naman after ng live chat ay hindi napigilang itanong ng PEP kina Yasmien at Dion kung sa sweetness nila sa isa't isa, posible bang maging sila na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre si Yasmien, kasi kilalang-kilala ko na ito. At saka nasa kanya naman yun, e. Ako, okay lang," sabi ni Dion.

Sabi naman ni Yasmien, "Okay naman po si DJ [tawag ni Yasmien kay Dion], e. Yung kiss naman po kanina, friendly kiss lang naman po yun."

Friendly kiss lang ba yung lips to lips?

"A... opo," matipid na sagot ni Yasmien.

Yasmien, kung halimbawang ligawan ka na ng totohanan ni Dion, may chance bang sagutin mo si Dion?

"Siyempre naman po. Kasi si DJ, nakasama ko StarStruck, yun nga, siya yung unang naging close ko na guy. Yung trato ko sa kanya best friend ko talaga sa showbiz na guy. Yung nasasabi ko lahat sa kanya yung gusto kong sabihin. Yung pag nagagalit ako, sa kanya ko nabubuhos yung lahat ng galit ko. Pero naiintindihan niya pa rin ako. At saka napagtitiisan niya ang ugali ko kahit moody ako. Ang gusto ko pa kay DJ, napapatawa niya ako lagi," paliwanag ni Yasmien.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

So, may chance ba si Dion?

"Oo, may chance," pagkumpirma ni Yasmien.

Dion, ngayong narinig mo na may chance ka kay Yasmien, hindi ka ba mag-e-effort na ligawan na siya talaga?

"Pwede na ba akong um-effort?" tanong ni Dion kay Yasmien, na hindi naman nakasagot. "Minsan kasi niyayaya ko siyang lumabas, like manood ng sine. Kaso busy kasi siya ngayon sa pag-aaral niya, e."

Bigla namang sumingit si Yasmien, "Ang dami ko po kasing ginagawa kaya hindi kami natutuloy lumabas. Pero malapit na naman pong matapos ang sem [semester], e, so tingnan natin."

First year si Yasmien sa kursong International Relations sa New Era College.

TOP-RATING SINE NOVELA. Nagsimula ang pagiging close nina Yasmien at Dion noong nasa StarStruck pa lang sila. Pero dahil nai-partner sila sa iba—si Yasmien kay Rainier Castillo at si Dion kay Nadine Samonte—ay nabawasan na ang pagkikita nila. Hanggang sa maging busy na nga sila sa kanya-kanyang projects at buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero muling nagtagpo ang landas nina Yasmien at Dion nang pagtambalin sila sa nagtapos nang Sine Novela Presents Saan Darating Ang Umaga?. Proud na proud nga silang dalawa sa pagtatambal nilang ito dahil sa mataas na ratings na nakuha nito sa Mega Manila. Umabot ng 28.1 percent ang rating nito na kahit panghapong soap ito ay pang-primetime naman ang rating.

Kuwento ni Yasmien, "Alam n'yo, nung nakuha ko yung rating sa cell phone, talon po ako nang talon sa bahay! Talagang nagtatalon ako sa tuwa. Yun nga, sinabi ni Direk Maryo [J. delos Reyes] na nag-number one nga raw kami sa daytime shows. So, alam n'yo yun, ang saya-saya ko po talaga! Ang saya po talaga ng naging bonding namin sa show kasi yung lahat ng pagpupuyat at pagpapagod namin nagbunga ng maganda. Kaya nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga nanood at sumuporta sa Saan Darating Ang Umaga?. Sa mga fans namin maraming salamat po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong tapos na ang soap nila, ano ang nami-miss nila?

"Yung bonding sa set," sabi ni Dion. "At saka yung lahat po ng cast, ang babait po kasi, e. At saka ang gagaling ng mga artistang kasama namin, e."

"Ako naman, ang mami-miss ko yung kuwentuhan namin kapag break sa taping. Pati yung kapag magkakamali kami," dagdag ni Yasmien.

Sila pa rin ba ang magiging magka-loveteam sa next projects nila?

"Hindi pa namin alam, e. Pero wala namang problema sa akin kung si Dion ulit ang makakapareha ko. Very comfortable na kasi ako sa kanya, e," ani Yasmien.

Sabi naman ni Dion, "Sana nga kami pa rin. Gusto ko yun."

Kung wala pa silang projects together, individually, may mga susunod na ba silang gagawing shows?

"Sa ngayon po, wala pa akong next na gagawin," sabi ni Yasmien. "Mahirap po kasi talagang gumawa ng soap lalo na drama. Kaya po kapag meron ganitong rest, nilulubus-lubos na po namin talaga. Dahil kapag dumating na yung time na magiging busy ka na naman, mahirap nang makapag-rest ulit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wika naman ni Dion, "Wala pa rin po akong immediate projects now. Gaya ng sabi ni Yas, mas maganda yung may pahinga ka rin naman. Para sa susunod na project mo refreshed ka na, ready ka na."

YASMIEN ON JC DE VERA. Samantala, sinamantala na rin ng PEP ang pagtatanong kay Yasmien kung kumusta na ba sila ni JC, na naging ka-close niya rin before?

"Okay naman po kami. Pero wala po kaming communication now," sagot niya.

Pero hindi naman sila magkaaway?

"Hindi, hindi po kami magkaaway."

Aware ba si Yasmien tungkol sa lumalabas na isyu kay JC sa GMA-7? Pati na rin ang umano'y dapat sanang paglipat ni JC sa ABS-CBN?

"Hindi ko po alam yung tungkol doon. Well, wala naman po akong maiko-comment kasi career naman niya yung involved dun. At saka hindi naman ako ang manager niya. Yung manager na po niya ang bahala roon. Sana lang, kung anumang problema ang meron siya ay maayos niya rin lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Yasmien Kurdi, Dion Ignacio
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi and Dion Ignacio give in to the request of their fans to kiss each other on the lips. This happened during the Live Chat of the former Saan Darating ang Umaga? co-stars with their fans.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results