PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadine Samonte admits grandma of boyfriend does not approve of her

Nadine and her boyfriend of four years have no plan yet to get married.
by Rommel R. Llanes
Published Mar 8, 2009
"Siyempre nakaka-hurt yun kasi yun pa yung may ayaw sa 'yo, di ba? Pero ano'ng magagawa ko, di ba?" says Nadine Samonte about the dislike of her boyfriend's grandmother.

Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Nadine Samonte ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Emerson Chua. Inamin ng young actress na hindi pabor sa kanya ang lola ng kasintahan.

Chinese-Filipino si Emerson at ang lola nito ay pure Chinese. Okay lang daw ang relasyon nila. Na-meet na ni Nadine ang buong pamilya ni Emerson, puwera lang ang lola nito.

"Hindi puwede, ayaw ng lola niya sa akin kasi hindi ako Chinese," pag-amin ni Nadine. "Naririnig ko na ayaw niya kasi hindi ako Chinese. Yung parents niya, okay naman. Yung lolo niya, na-meet ko na, naospital yung lolo niya, tapos dinalaw namin, okay naman."

Aminado si Nadine na nasaktan siya upon learning na hindi boto sa kanya ang lola ni Emerson.

"Siyempre nakaka-hurt yun kasi yun pa yung may ayaw sa 'yo, di ba? Pero ano'ng magagawa ko, di ba?" saad ni Nadine.

Hindi naman daw diretsahang sinabi sa kanya ni Emerson na ayaw sa kanya ng lola nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman, nalaman ko lang na hinahanap yung dati niyang girlfriend, kasi yung dating girlfriend, pure Chinese. Sa family ko din niya nalaman, yung mga pinsan ang nagsasabi sa akin. Tapos artista pa ako, so sumabay pa yun."

Mismong si Emerson ay hindi muna ipinakikilala si Nadine sa lola nito.

"Ayaw niya muna. Napag-usapan namin yun, 'tsaka ayaw din ng family niya na ma-meet ko yung lola," malungkot na pahayag ni Nadine.

Kino-comfort naman raw siya ng boyfriend niya.

"Sinabi lang niya sa akin na, 'Huwag kang mag-aalala, hindi naman siya yung pakikisamahan mo, e, ako.' Naisip ko, oo nga naman. 'Tsaka okay lang yun, meron talagang mga ganun sa isang relationship, meron talagang mga may ayaw, meron talagang gustung-gusto."

Pero handa ba sila ni Emerson na ipaglaban ang kanilang pag-iibigan?

"Oo naman!" bulalas ni Nadine.

NO WEDDING YET. Totoo ba na may balak na silang magpakasal?

"Hindi, matagal pa," tanggi ng StarStruck alumna. "May contract pa ako sa GMA, bawal yun, e, bawal yun sa contract ko. Siyempre kasi aalagaan ka ng network, e, siyempre bawal yung mga ganun, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Three years ang kontrata ni Nadine sa GMA Artist Center. Nakakaisang taon na siya, so may two years to go pa. So within two years, definitely, hindi muna siya puwedeng mag-asawa.

Paano kung mangulit na si Emerson?

"Ay! Hindi pa din, kasi alam naman niya na gusto muna naming may bahay muna kami. Yung settled na lahat bago yung pag-aasawa. Siya mismo yung nagsabi na gusto niya settled muna lahat, yung meron siyang maibibigay na bahay sa akin, meron na kaming business, yung puwede na."

Wala pang sariling business si Emerson. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho ito sa upholstery and carpet business ng tito nito.

FOUR YEARS. Apat na taon na ang relasyon nila ni Emerson. Ano kaya ang sikreto kaya sila nagtatagal?

"Just go with the flow kami, e. Basta ang inaano lang namin, kapag nagkakagalit kami, dapat nagkakabati kaagad. Hindi puwedeng kinabukasan. Kailangang bago matulog, nagkabati na. And like, kunwari ngayon magkagalit, bati na dapat kaagad, napapag-usapan na dapat agad."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano na ang pinakamatindi nilang pinag-awayan?

"Mga first year namin...wala masyado, e. Nung una, yung kapag may kissing scene ako sa TV or sa movie, medyo nasasaktan siya talaga. Pero ngayon, hindi na, naiintindihan na niya."

FIGHT AGAINST DRUGS. Sa ngayon, busy si Nadine sa partisipasyon niya sa BIDA (Batang Iwas sa Droga) March, na isang major activity ng PAGCOR laban sa drug-abuse.

Sa March 21, isang martsa na lalahukan ng mga artista at mga kabataan ay magsisimula sa CCP Complex sa ganap na ala-una ng hapon. Magmamartsa ang participants sa kahabaaan ng Roxas Boulevard patungong Quirino Grandstand.

Read Next
Read More Stories About
Nadine Samonte
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siyempre nakaka-hurt yun kasi yun pa yung may ayaw sa 'yo, di ba? Pero ano'ng magagawa ko, di ba?" says Nadine Samonte about the dislike of her boyfriend's grandmother.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results