Iza Calzado admits dating a non-showbiz guy

IMAGE 0


"Kailangan kapag tumingin ka sa salamin, ang sinasabi ko, 'I am the best. I can be the best that I can be.' Dapat confident ka. Hindi ko sasabihin na mas magaling ako ke ganito," says Iza Calzado about Mo Twister's opinion that she is the best actress in GMA-7.


Si Iza Calzado, isa sa lead stars ng bagong primetime series ng GMA-7 na All About Eve, ang sumalang sa "Gimme Mo" segment ni Mo Twister sa Showbiz Central noong Linggo, March 8. Bukod sa kanyang ama na si Lito Calzado, ang malalapit na kaibigan ni Iza sa showbiz tulad nina Gabby Eigenmann, Rhian Ramos, at Sunshine Dizon ang mga namili ng questions na itinanong ni Mo kay Iza.


Most Wanted Question No. 5: Now that you're single, sinu-sino among local men in showbiz ang may pag-asa if ever na manligaw sila sa 'yo? (Iza broke up with her longtime boyfriend Jerry Garcia last year.)

"Lahat naman may pag-asang manligaw," pauna ni Iza. "It's just that to be interested in somebody... I've always liked Piolo [Pascual], sobra! I've been vocal about it, pero I don't know if I can see myself being in a relationship with him. Iba ang relationship, so sa showbiz, sa totoo lang po, sa ngayon, ha, wala pa akong nakikilala na puwede tayong maging boyfriend-girlfriend."

You're always the type na hindi lang sa looks kundi kailangang makilala ang personality, di ba?

"Yes, at kailangan mag-connect. Importante sa akin yun, e."

You're desirable, so meron bang celebrity na pumuporma sa 'yo ngayon? That even in text you know who are the ones being friendly and you know who are flirting?

"Actually from showbiz, wala."

Oh, c'mon?

"Wala, wala talaga."

Hindi sila (the audience) naniniwala.

"Wala talaga. Mo, tinext mo 'ko kagabi."

I texted you and I said, "Dear, tomorrow, I'll be easy on you."

"Sabi ko na, e."

Most Wanted Question No. 4: Was there ever a time na kinuwestiyon mo ang desisyon na ginawa sa 'yo ng dad mo?

"Alam mo ako...mas mabuti nang malinaw. Ayoko namang maupo dito at sasabihin ko sa inyo na, 'Hay naku, kahit kailan, hindi ko kinuwestiyon ang tatay ko,' para lang magmukha akong napakabait

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Simula bata pa lang yata ako, may kinukuwestiyon na ako. Like, gusto ko ng ice cream, gusto niya ganito. Little things like that, di ba? Hanggang paglaki ko, merong mga instances na sa tingin ko, he didn't like the things he saw or we didn't see eye to eye. Pero alam n'yo ho, bawat taon na nadagdagan ang taon ko sa buhay na ito, mas naiintindihan ko ang mga desisyon na ginagawa niya noong mas bata ako."

Maybe because walang agenda, it's really for you.

"Yes, it's really for me," pagsang-ayon ni Iza. "At saka, meron tayong blind spot na hindi natin nakikita na yung mga decision pala na yun, maganda. Tayo lang ang nagsasabing hindi maganda para sa atin."

Can you tell us the most recent issue na medyo hindi ka nag-agree?

"A, wala naman sa showbiz. Siguro, more personal, like schedules, mga ganoon."

Most Wanted Question No. 3: If you were to assess, are you better as a daughter, as an actress, or as a girlfriend?

"Aysus!" natatawang sabi ni Iza. "Sasabihin ko sana kung better lang among the three, sasabihin ko na daughter if not in order... Daughter, because mas marami na yung... I mean, I've been a daughter for how many years, 20-plus years at mas marami na akong experience dun. Every year nga, mas natututo ako. Ngayon, sa pagiging actress, marami na rin akong natutunan. Pero aaminin ko sa 'yo, malayong-malayo pa ako sa goal ko at hindi ka dapat makuntento, lalo na sa craft mo."

So, it would be daughter, actress, girlfriend...

"I think so!" tawa niya.

Among GMA-7 artists, you're considered the best here. So, do you consider yourself GMA's best young actress?

"Wow! What a question!"

I consider you, GMA's best actress, but do you consider yourself?

"Mo, thank you... But, I always like to say that I always give my best. But I don't want to say I'm the best among everybody. Ayokong i-compare ang sarili ko sa iba. There will always be somebody better or not as good as me sa iba't ibang aspeto ng buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kapag umaarte ka, do you always say, "I'm the best actress in the set?"

"Ay, always! Kailangan kapag tumingin ka sa salamin, ang sinasabi ko, 'I am the best. I can be the best that I can be.' Dapat confident ka. Hindi ko sasabihin na mas magaling ako ke ganito."

So, who's the better actress here in GMA for Iza Calzado?

"Alam n'yo, siguro dahil kaibigan ko siya at malaki ang naitulong niya sa buhay ko at sa career ko at sa pag-arte ko, si Sunshine Dizon."

(Iza was introduced in the primetime soap Kung Mawawala Ka, where Sunshine was one of the lead stars. They also worked together in Encantadia, Etheria, and Impostora).

Most Wanted Question No. 2: Kung sakaling eligible ka na sumali sa Binibining Pilipinas, sa tingin mo may chance kang manalo?

"You know what? Yes!" bulalas ni Iza.

So, will you join?

"Nag-cut off na, e!" tawa ni Iza. "I mean, we all know this, my past, I've been a chubby girl. Siguro kung alam ko mula noong bata ako, mas inalagaan ko ang sarili ko, mas napag-prepare ako, sumali talaga ako. Pangarap ng nanay ko 'yan, e. Sayang, pero okay lang. Maybe, alam mo, naniniwala ako na everybody has their own destiny, maybe it's something that is not really for me."

Most Wanted Question No. 1: Sa tingin mo ba, publicity was a major factor kung bakit nag-fail yung past relationship mo?

"No, not at all. Hindi naman ganoon nakikialam ang tao sa relasyon namin. Wala hong kinalaman yun."

Sabi mo kasi, mas gusto mong maging private ang next relationship mo?

"Kasi, ayoko lang din na parang pag kayo, pag-uusapan. Pag hindi na kayo, pag-uusapan pa rin. Nakakahilo po!"

I heard you're dating?

"Wow..."

Is this true, you have constant date right now?

"I'm dating...non-showbiz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, where do you see this dating going? For sure may chance na mag-blossom. But are you expecting your current dating man to be your boyfriend?

"Guys! Malayo pa."

Do you miss having a boyfriend?

"Of course!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN