PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regine Velasquez on intrigue against her and Ogie Alcasid: "Ang bottomline lang naman d'yan, pareho kaming masaya."

The status of her relationwhip with songwriter Ogie: "Pareho kaming masaya."
Published Mar 12, 2009
On the perennial "sapawan" issue with the other singers she gets to work with, Regine's take is—"intriga lang iyan." She adds, "Hindi ko ugali 'yan."

Talaga ngang madugo pala ang taping na isinasagawa para sa Totoy Bato ng GMA-7, lalo pa't kasama ni Regine Velasquez dito sina Robin Padilla at Manny Pacquiao. Bigatin ang casting nito.

Nasabi nga ni Regine na dahil dito, mahihirapan siya na makakuha ng pagkakataon para sa isang film assignment. Nabalitaan nga na nagkakasya na lang siya sa pagbibigay ng konsepto, gaya ng ginawa niya sa pagtatambalang pelikula ng boyfriend niyang si Ogie Alcasid at ni Judy Ann Santos sa Regal Entertainment.

"Uy, wala naman yun!" sambit ni Regine. "Suggestion lang yun at nagkataong nagkainteres sila, hayun, na-develop na nila ang script. Okay lang naman na maka-share ako ng kahit ano, basta makatutulong. Hindi ko akalain na okay pala sa kanila yung concept."

Halatang nami-miss ni Regine ang paggawa ng pelikula. Nag-hit ang huling pinagsamahan nila ni Binoe, Till I Met You, pero kapag mayroon kasing teleseryeng napapasabay ay mahirap talaga para sa kanya ang maglaan ng oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ngayong magkasama kami sa isang teleserye, mas mahirap kasi. Tripleng pagod ito kung ikukumpara sa pagsasama namin sa pelikula. Nag-e-exert kami ng sobra sa inaasahan, at alam kasi namin na nag-e-expect nang sobra-sobra ang mga tao.

"Hindi lang kailangang magkakasama ang malalaking artista. Dapat na bongga rin mismo ang takbo ng istorya at may mga sorpresa dapat para tumutok ang mga tao," ang sabi ni Reg (palayaw ng Asia's Songbird).

"SAPAWAN" ISSUE. Sa kabilang banda, may nasagap kaming balita na medyo umiiwas daw ang ibang malalaking performer na makasama si Regine sa concerts or shows dahil nananapaw raw ito. Gaya sa Divas 4 Divas noon na siya ang nag-standout over Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, and Pops Fernandez.

"Intriga lang naman 'yan," ang hirit ng Asia's Songbird. "Minsan lang kasi nagkakasama-sama ang mga diva na ganyan kaya ginagawan ng isyu. Successful naman ang concert, at hindi totoong nagkasapawan.

"May kanya-kanya kaming highlights doon. Hindi ko ugali 'yan, at maski sa ibang shows na may nakakasama ako, I see to it na hindi ako nakakasapaw, o yung tipong scene-stealing. Sa rehearsals pa lang, alam ko na kailangang nagbibigayan ang mga magkakasamang performers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It's a sign of professionalism. Marami pa akong ibang gustong makatrabaho uli, like Lani Misalucha. Mayroong ganoong concept kaya pinaghahandaan ko rin yun," paliwanag ni Regine.

OGIE ALCASID. Sinasadya nga raw nila ni Ogie na hindi muna nagkakasama sa malalaking proyekto, maliban sa pag-host nila regularly sa SOP dahil aware sila na mayroon pa ring umaayaw sa kanilang relasyon.

"Hindi naman natin mapi-please ang lahat," ang malumanay na tugon ni Reg. "Basta kami ni Ogie, we just rely on our talents. We believe nagugustuhan kami ng mga tao dahil sa maibibigay namin sa kanila. We give them their money's worth kumbaga.

"Hindi yun dahil sa personal lives namin, na sa palagay ko naman, in all honesty, wala kaming tinatapakang ibang tao. Tahimik lang kami at wala naman kasing problema."

Kumusta na nga ba sila ni Ogie? Paano nila hinaharap ang mga isyung ibinabato sa kanila?

Ang sagot ng leading lady ni Totoy Bato, "Our relationship has been going on, and we're proving na nagagawa naman naming matino ang aming relasyon na hindi na kailangang pumatol pa sa kung anu-anong isyu.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Palagay ko, ang relasyon namin ni Ogie ay nariyan lang, and a lot of people appreciate na we're trying to work it out, and make it a whole, despite all the intrigues and controversies.

"Ang bottomline lang naman d'yan, pareho kaming masaya. We know for a fact, those people who matter, naiintindihan kami at tanggap kami. Ganoon na lang yun," pagwawakas ni Regine.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On the perennial "sapawan" issue with the other singers she gets to work with, Regine's take is—"intriga lang iyan." She adds, "Hindi ko ugali 'yan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results