PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ashley Sarmiento addresses real score with Marco Masa

Ashley Sarmiento says Marco Masa will be her escort at her debut.
by Rommel Gonzales
Published Jan 25, 2025
Ashley Sarmiento talks about her preparation for  her 18th birthday
Ashley Sarmiento on love team partner Marco Masa: "We're just friends po. We're really, really close friends."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Eighteen years old na ang Sparkle female artist na si Ashley Sarmiento.

Ang eksaktong kaarawan ni Ashley ay noong January 13, 2025, pero gaganapin ang kanyang debut party sa Linggo, January 26, sa Diamond Hotel Manila sa Roxas Boulevard.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ashley, kinumpirma niya na ang escort niya ay ang ka-loveteam niya at MAKA co-star na si Marco Masa.

Bunsod nito, hindi maiwasang matanong si Ashley kung paano niya ilalarawan ang status nila ng aktor.

“I think kami po ni Marco, we're doing good naman po, still ongoing," tukoy ni Ashley sa pagiging love team nila nila ni Marco.

Patuloy niya: "I think from the very start, it's a beautiful friendship.

"And mas nakikilala lang po namin yung isa’t isa since may mga bago pong characteristics or traits na nadadagdag po sa buhay namin as life goes on.

“And nakakatuwa since nandun ako, parte ako nun sa life niya, nakikita ko kung ano yung mga pagbabago po sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diretsong tinanong ng PEP kung nanliligaw sa kanya si Marco.

Tumawa muna si Ashley bago sinabing, “Hindi po. We're just friends po. We're really, really close friends."

Ano ang regalo ni Marco sa kanya para sa kanyang birthday?

Sagot ng dalaga: "Sabi po niya sa debut niya pa daw po mabibigay, kasi…

"Ewan ko po kung saan pa nanggaling po yung birthday gift niya, kung saan pa niya po yun mahahagilap.

"Pero sabi niya sa debut. Kaya okay, sige sure."

Nakapanayam ng PEP si Ashley sa Harolds Evotel sa Timog, Quezon City noong January 22, 2025.

ASHLEY SARMIENTO'S EIGHTEEN ROSES

Kabilang sa traditional eighteen roses sa debut ni Ashley ang mga kasamahan niya sa Sparkle, ang talent management arm ng GMA-7.

Kasama rin ang co-stars niya sa ongoing weekly series na MAKA.

Kuwento ni Ashley: “Sa 18 roses po, makakasama ko po yung Sparkle Teens, sina Bryce Eusebio, sina Aidan Veneracion, sina Lee Victor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And, of course po, yung mga part ng mga MAKA cast. Sina Dylan Menor, sina Josh Ford.

"At saka po si Kuya Ruru Madrid po, kung makakahabol po siya. And then, Kuya Empoy Marquez, and Kuya Jon Lucas po.”

Naging parte si Ashley ng Black Rider kaya hindi nakapagtatakang imbitado ang cast members na sina Empoy, Jon, mismong bida ng serye na si Ruru Madrid.

So, wala nang ibang artista, sila lang?

“Yes po, as of now, confirmed po na pupunta sila,” ang masayang wika pa ni Ashley.

EIGHTEEN SWEETS INSTEAD OF EIGHTEEN CANDLES AT DEBUT PARTY

Samantala, sa halip na ang naka-ugaliang eighteen candles ay eighteen sweets ang isa sa parte ng debut party ni Ashley.

Paliwanag ng young actress, “Yes po, yung 18 candles ko po kasi magiging 18 sweets po siya.

“So, andun po yung MAKA cast din. Sina Zephanie, sina Olive May, si Rhed Bustamante, tapos po sina Ms. Rio Locsin, sina Ate Herlene Budol.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkasama noong 2015 sina Ashley at Rhed sa TV series na Flordeliza at nanatili silang magkaibigan kahit nasa magkaibang TV networks na sila.

Tinanong namin si Ashley kung bakit nagdesisyon siyang sa halip na eighteen candles ay eighteen sweets ang ipalit.

“Kasi po gusto ko pong marinig po yung mga messages po nila, since sila po yung mga tao sa showbiz na naging super close ko po.”

theme of ashley sarmiento's debut party

Ayon pa kay Ashley, "Royal Eighteen" ang theme ng kanyang debut party, inspired by the movie The Princess Diaries at hit TV series na Bridgerton.

Dalawang gowns ang inihanda niya para sa party—isang long gown at isang cocktail dress na gawa ng designer na si Ryan Uson.

Lahad niya, “One is a long gown. Then second po, is parang cocktail dress po siya, made by Sir Ryan Uson.”

Kuwento ng dalaga, “I really like the concept of Princess Diaries po, if you know the movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero since yung Princess Diaries parang wala po siyang specific na aesthetic and theme, inilapit ko po siya sa parang Bridgerton vibes.

“Though I haven't watched Bridgerton, pero yun po yung parang ang ganda ng aesthetic and tingnan po niya. Royalty, pasok po sa theme.”

Ang The Princess Diaries ay 2001 hit movie ng Hollywood actress na si Anne Hathaway kasama si Julie Andrews. Nagkaroon ito ng sequel noong 2004, ang The Princess Diaries 2: Royal Engagement.

Ang Bridgerton naman ay isang historical romance TV series na tungkol sa mga royalty noong 1800s.

ashley sarmiento on turning 18

Samantala, ngayong 18 years old na si Ashley, ano ang masasabi niyang malalaking pagbabago sa kanyang buhay?

“As of now po, parang hindi ko pa po siya masabi since kaka-18 ko pa lang po this year,” pakli ng dalaga.

“Pero I'm looking forward po sa mga challenges and mga responsibilities po na mangyayari in my 18th journey.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga bagay na ba silang pinag-usapan o pinagkasunduan ng kanyang mga magulang, tulad halimbawa ng paglabas sa gabi kasama ang mga kaibigan, at ang pakikipag-date at pagtanggap ng manliligaw?

Pag-amin ni Ashley, “Actually po, hindi pa po namin masyadong nadi-discuss po iyan ni Mommy.

"Pero recently lang po, nagulat po ako pinayagan niya po akong mag-stay out late, for my dance rehearsal naman po, na ako lang po mag-isa, and around lang po ng area.

“Pero it's still surprising since si Mommy po, very strict po siya sa akin.”

Ibinahagi rin ng young actress na tinuturing niya bilang pinakaespesyal na birthday gift ngayong taon ang natanggap niyang Daisy Flower by Marc Jacobs perfume mula sa kanyang ina.

“Kasi I've always talked about perfumes and to my surprise, kasi hindi niya po nabigay sa exact birthday ko, bigla niyang binigay sa akin, ‘Kunin mo na yung gift mo dun.’

“Tapos ito yung perfume. Tapos sabi ko, ‘Uy ito yung isa po sa mga ina-eye ko na perfume.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, I think it's special since hindi ko naman po siya exactly ni-request, pero lagi ko po kasi siyang sinasabi. At natuwa po ako na nabigay po yun sa akin ni Mommy.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ashley Sarmiento on love team partner Marco Masa: "We're just friends po. We're really, really close friends."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results