Jean Garcia understands breakup of daughter Jennica and Mart Escudero

IMAGE 0


"But of course, bilang ina nalungkot ako sa nangyari kasi first boyfriend ni Jen si Mart. Sinabi naman niya sa akin ang mga dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang samahan nila. Sa aming mag-ina na lang iyon at nauunawaan ko," says Jean Garcia about the breakup of her daughter Jennica Garcia with young actor Mart Escudero.


Hindi naman tinatago ng isa sa tampok na artista ng All About Eve na si Jean Garcia ang naramdaman niyang lungkot nang sabihin na ng kanyang anak na si Jennica Garcia na officially ay break na sila ng boyfriend nitong si Mart Escudero.

Nanghinayang nga si Jean dahil kaka-celebrate lang daw ng first anniversary nila noong nakaraang December pero noong February nga ay naghiwalay na ang dalawa.

"But of course, bilang ina nalungkot ako sa nangyari kasi first boyfriend ni Jen si Mart. Sinabi naman niya sa akin ang mga dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang samahan nila. Sa aming mag-ina na lang iyon at nauunawaan ko.

"Dumaan din ako sa ganyan kaya I understand my daughter. Sinabi ko nga sa kanya na hindi naman iyan ang una't huli.

"Marami pang darating at marami pa siyang mararanasan na pain sa pakikipagrelasyon. But when you finally find the right man, yun ang talagang happiness mo," sabi ni Jean.

Pinayo nga ni Jean na mag-time out muna si Jennica at i-enjoy ang pagiging single nito ulit.

"I told her na bata pa siya. She's only 19 years old. Huwag niyang gayahin ang mommy niya na maagang na-in love at nasaktan. I want her to enjoy her youth. Magsaya muna siya while she is young.

"Kaya nga pinayagan ko muna siyang magbakasyon. She had a vacation sa Bangkok, 'tapos nag-Boracay sila ng kanyang mga barkada. Nag-usap nga kami recently at masayang-masaya siya. Ayaw pa niyang mag-work muna kasi nag-e-enjoy siya sa bakasyon niya.

"Mabuti na lang at kakatapos lang ng Dear Friend niya at wala pa naman siyang bagong show. Kaya sinabi ko na go and enjoy life. Minsan lang tayo bata, di ba?"

Nagkausap na ba sila ng ex-boyfriend ni Jennica na si Mart?

"Hindi pa naman. The last time I saw him ay sila pa ni Jen noon. Sa bahay naman sila parati ni Jen tumatambay kapag wala silang trabaho. Hindi naman kami masyadong nakakapag-usap ni Mart din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But when I see him, babatiin ko pa rin naman siya. Hindi naman ako galit kay Mart. I know ang takbo ng utak ng mga bata ngayon. I was young once din kaya I can relate. Hindi porke't break na sila ni Jen ay magagalit ako sa kanya.

"Friends pa rin naman sila ni Jen and that is okay. Welcome pa rin naman si Mart sa tahanan namin if he wants to visit Jen. Walang problema sa akin."

Tinanong nga namin si Jean kung tutulong ba siya sa pagtakbo ng ama ni Jennica na si Jigo Garcia? Tatakbo kasing councilor sa Quezon City si Jigo after ng ilang taon na nag-serve ito bilang Barangay Captain.

"Bakit naman hindi?" ngiti ni Jean. "Kapag hiningi niya ang tulong ko, hindi ko naman iyon ipagkakait kay Jigo. In fact, nagsisimula na nga siya and Jen is helping out her dad sa mga house-to-house campaign niya.

"Kami naman ni Jigo, we've been friends naman. May pinagsamahan naman kami noon at ang produkto nga no'n ay si Jennica.

"I know na Jigo is serious with what he is doing in politics. Matagal na niyang gusto 'yan, e. Alam naman niya na I will always be here to help out. And, of course, si Jen, nandiyan 'yan para sa papa niya parati."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN