PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lougee Basabas regrets 'sins of omission' when Francis M was still alive

Lougee considers Francis her hero.
Published Mar 15, 2009
Eat Bulaga! co-host and Delara lead singer Lougee Basabas said she and Francis Magalona once talked about collaborating for an album. The intention did not materialize because Francis got busy and then sick later on. Lougee also regrets not having her Freeman album signed by Francis. "How I wish. Talagang isa sa mga favorite albums ko 'yon growing up. Sayang lang na kasama ko na nga siya araw-araw, hindi ko pa napapirma sa kanya."

Matapos ang libing ni Francis Magalona, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal ) ang isa sa mga "dabarkads" ng Master Rapper sa Eat Bulaga! na si Lougee Basabas.

Unang napansin ng PEP sa Delara lead singer at part-time model ang suot niyang itim, tanda nga ng pakikiramay niya sa mga naulila ng pumanaw. Karamihan kasi ng mga nagsidalo, lalo na yung mga taga-Eat ay nakaputi.

"Hindi ko naman alam na magpuputi sila," natatawa munang sagot ni Lougee sa PEP. " Wala naman kasing pinag-usapan. I just felt like wearing black to express my emotion, my sympathy."

Tinanong muli siya ng PEP kung ano naman ang mami-miss niya kay Kiko.

"A lot of things, like, yung kakulitan niya, yung energy niya. Pag pumapasok siya sa Eat Bulaga! nakakahawa minsan yung energy na dinadala niya. Mami-miss ko rin yung mga times na pinapayuhan niya 'ko tungkol sa pagsulat ko ng kanta. Every time na meron siyang bagong composition, pinaparinig niya sa akin," pag-aalala ni Lougee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dapat nga raw ay magko-collaborate sila ni Francis in an album. Nag-usap na nga raw sila tungkol dito pero naging busy ang Master Rapper at nagkasakit na nga kaya hindi na rin nagkaroon ng katuparan ang collaboration nila.

Isa pang pinanghihinayangan ni Lougee na dapat daw ay ginawa niya noong buhay pa't malakas pa si Francis ay ang papirmahan sana ang cassette tape niyang Freeman, Francis M's 1995 album kunsaan nanggaling ang mga classic songs niyang "Three Stars & A Sun," "Kabataan Para Sa Kinabukasan," at "Kaleidescope World."

"How I wish. Talagang isa sa mga favorite albums ko 'yon growing up. Sayang lang na kasama ko na nga siya araw-araw, hindi ko pa napapirma sa kanya," may lungkot pa sa boses na sinabi ni Lougee.

Sa huli, hiningan ng PEP si Lougee ng mensaheng nais niyang iparating kay Francis. Kahit na nasa kabilang buhay na ito.

"Kiko, your memory lives on and you will forever stay in our hearts and in the minds of all Filipinos. You've been a hero, I consider you as a hero...and great job, Kiko. You made us all proud. Fourty-four years may seem like a short time but it was a life well-lived and you're a free man. You're a free man now..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Click HERE to view PEP's tribute to the the Master Rapper Francis Magalona.

Click HERE to view PEP's tribute to the the Master Rapper Francis Magalona.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eat Bulaga! co-host and Delara lead singer Lougee Basabas said she and Francis Magalona once talked about collaborating for an album. The intention did not materialize because Francis got busy and then sick later on. Lougee also regrets not having her Freeman album signed by Francis. "How I wish. Talagang isa sa mga favorite albums ko 'yon growing up. Sayang lang na kasama ko na nga siya araw-araw, hindi ko pa napapirma sa kanya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results