PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eddie Gutierrez on wife Annabelle Rama: "What you see is what you get."

Tito Eddie is proud of his son Richard Gutierrez.
by Rose Garcia
Published Mar 17, 2009
"Annabelle is 'what you see is what you get'. Wala ka nang idadagdag. Wala na... Yung sinasabi n'yong magaganda niyang traits, masasama, lahat yun, lantad na," says Eddie Gutierrez about wife Annabelle Rama.

Hindi maitago ang pagiging proud ng dating matinee idol na si Eddie Gutierrez sa kanyang anak na si Richard Gutierrez, na siyang bida sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Pinoy adaptation ng Zorro.

Pagkatapos ng bonggang launching ng Zorro—kung saan kasama rin sa cast si Tito Eddie bilang Gobernador Luis Aragon—kagabi, March 16, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang veteran actor.

Ayon sa kanya, "Siyempre, magiging proud ka sa anak mo. He's now the biggest star in television and movies. Kami noong araw, movies lang. Walang television."

Nakikita niya ba ang sarili niya kay Richard?

"Sometimes. Meron siyang mannerism at kilos na naaalala ko noong bata pa ako. Yung mga movements niya, the way he deals with people. Sa babae naman, pareho kami, one-woman man!" natatawang sabi ni Tito Eddie.

Sino sa tingin niya ang mas chickboy sa kanila ni Richard?

"Pareho nga kaming one-woman man!" nakangiti niyang sabi. "Kahit naman 'yang si Richard, kapag nag-girlfriend 'yan, one at a time, hindi naman kami nagsasabay-sabay ng girlfriend. Kahit naman noong araw, ganoon din ako, isa lang. Kapag nag-break, dun ako hahanap ng bagong love affair. Pero hindi ako nagsasabay-sabay ng dalawa, tatlo, never!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANNABELLE-WILMA RIFT. Nasa gitna na naman ng kontrobersiya ang misis ni Tito Eddie na si Annabelle Rama dahil sa away nito sa SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante. Bilang asawa ni Annabelle, apektado rin ba si Tito Eddie sa away na ito?

"Ako, hindi ako naapektuhan," sagot niya. "Kasi nag-away na sila noon, e. Tapos, nagbati. Sa tingin ko naman, magkakaayos din sila...in time."

Pero suportado ba niya si Annabelle?

"Well, I weigh things kung ano ang tama, sinasabi ko sa kanya. Kung ano ang hindi niya dapat gawin at ano ang dapat niyang gawin. Open naman ako sa lahat ng ginagawa niya."

Nakikinig naman ba ito sa mga sinasabi niya?

"Minsan!" natatawang sagot ni Tito Eddie.

Sa bagong away na ito nina Annabelle at Ms. Wilma, mas gugustuhin ba ni Tito Eddie na hindi na lang nangyari at napag-usapan para hindi lumabas sa media?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam n'yo ako, I'm a very peaceful man. Wala kang mababalitaan na meron akong inaway or nanggulo ako. Gusto ko, maging peaceful din sila," sabi ng aktor.

So, would he say na hindi nakinig si Annabelle sa puntong yun o hinayaan na lang niya ang kanyang misis sa diskarte nito?

"E, kasi, nang magising ako, tapos na!" tawa niya. "Mabilis ang mga pangyayari, so yun."

Napag-uusapan pa rin daw nila ni Annabelle ang nangyari. Pero silang dalawa raw ni Richard, kahit magkasama sila sa taping ng Zorro sa Bagac, Bataan, ay hindi nila napag-uusapan ang bagay na ito.

"Si Richard, hindi namin pinag-uusapan. Ni ha, ni ho, hindi namin napag-uusapan. Richard and I on the set, we don't talk about it."

Tinanong namin si Tito Eddie kung siya ba ay masaya bilang isang Kapuso?

"Oo naman," sagot niya. "Ako naman, ever since ay binibigyan nila ng project magmula pa sa Kung Mawawala Ka, Umulan Man o Umaraw, Mulawin, tapos Majika, tapos yung Pati Ba Pintig ng Puso..."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

So, hindi nagkulang ang network sa kanya?

"Hindi," tugon ni Tito Eddie. "Dapat nga kasama rin ako run sa Luna Mystika. Kaya lang, nagkaroon ako ng diperensiya sa puso ko. So, they had to replace me." (Ang pumalit sa kanya ay si Dante Rivero.)

Speaking of his heart ailment, okay na ba siya ngayon to work physically?

"Okey na!" bulalas niya. "I feel better now. I exercise. I eat the right food. Kaya yung mga problemang sinasabi n'yo, hindi ko iniisip. Yung puso ko, ayaw ng mga ganyang problema."

Alam ba yun ni Annabelle?

"Oo naman. Minsan sinasabi ko na lang, yung puso ko. Kaya minsan, hindi na lang din niya sinasabi sa akin."

WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET. Bilang asawa, paano niya ipapakilala si Annabelle sa mga taong hindi lubos na nakakakilala sa kanya?

"Annabelle is 'what you see is what you get'. Wala ka nang idadagdag. Wala na... Yung sinasabi n'yong magaganda niyang traits, masasama, lahat yun, lantad na," sabi ni Tito Eddie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa kabila ng lahat, 34 years na raw silang kasal at nananatiling intact ang kanilang pamilya.

"Yeah, masaya naman ako. Masaya namang kasama si Annabelle, e. Never a dull moment. Masaya naman. Ako, I'm happy at kita naman sa mukha ko. At sa mga anak ko, lahat naman sila ay healthy. Karamihan ay doing good, so I'm happy."

Would he say na misinterpreted lang ang asawa?

"Siguro, kasi hindi naman nila kilala. Mabuti pa kayo sa press, nakakausap siya. And what you know about her is what she is!" natatawang sabi niya.

SEÑOR EDDIE. Tinanong naman namin si Tito Eddie kung gaano kaganda ang character na ginagampanan niya sa Zorro.

"A, maganda!" sambit niya. "At saka, nagagamit ko rito yung knowledge ko sa pagsasalita ng Spanish. Marunong talaga akong mag-Spanish. Kaya sumusundot ako ng Spanish words na wala sa script, ako na mismo."

Saan niya nakuha ang kaalaman niya sa pagsasalita ng Spanish?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"My dad is Spanish. Mga lolo ko, foreigner pareho. Ang lolo ko sa father side, Spanish. Ang asawa niya, Filipina. Ang lolo ko, sa mother side is American married to a Filipina."

Ayon kay Tito Eddie, hindi raw niya nakalimutan ang kaalaman sa pagsasalita ng Spanish and he can speak it fluently.

"Actually, ang mali ko, hindi ko naturuan ang mga anak ko na magsalita ng Spanish, naunahan ako ng Bisaya!" tawa niya. "So, sising-sisi ako ngayon na hindi ko sila naturuan ng Spanish kaya parang nagkasala ako sa kanila."

Na-miss din daw ni Tito Eddie ang magtrabaho, na naantala sandali dahil sa kanyang problema sa puso.

"Kasi ako, I've always been busy. Ako, ang feeling ko sa sarili ko, busy people are happy people. E, after the procedure [angioplasty], feeling ko, wala akong ginagawa. So, noong ini-offer sa akin, maganda ang role, may Spanish words pa, so na-excite ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At the same time, si Richard din ang nagsabi sa akin na, 'Daddy, bagay sa 'yo ang role.' So, noong ano, nag-decide ako," pagtatapos ni Tito Eddie.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Annabelle is 'what you see is what you get'. Wala ka nang idadagdag. Wala na... Yung sinasabi n'yong magaganda niyang traits, masasama, lahat yun, lantad na," says Eddie Gutierrez about wife Annabelle Rama.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results