Maricel Soriano on marrying again: "Ayokooo!"

Mar 19, 2009
"Masaya ako! Di ba, matagal na akong masaya? Pero yun ang sinasabi ko na hindi kasi yun pwedeng i-deny kapag happy ka inside. Lumalabas daw yun sa mukha," says Maricel Soriano.

Ilang pelikula na rin ang pinagsamahan nina Maricel Soriano at Direk Chito Roño. Yun nga lang, ang huling pelikula nila—ang Nasaan ang Puso? noong 1997—ay medyo matagal-tagal na rin kaya very much welcome for both of them ang pagkakataon na makagawa silang muli ng movie. Ito ay sa pamamagitan ng horror film na T2, mula sa Star Cinema at ipapalabas sa April 11.

Pero ano nga ba ang sikreto ng successful tandem nila sa paggawa ng pelikula?

Ayon kay Maricel, "Oo nga, alam n'yo, dapat ma-pinpoint ko yun kasi para kaming kinikiliti pareho, di ba? Kapag nagtatrabaho kaming dalawa, palagi kaming tawa nang tawa. Yun ang nakakatawa dito sa aming shooting. May mga dramang eksena, pero tawa kami nang tawa.

"Di ba, parang ano, sa mata lang nagkakaintindihan kayo? Tapos mamaya, 'O, tama na ang tawa kasi, iyak tayo rito! Ha?' Nagugulat ka pa, di ba?" masayang kuwento ng Diamond Star sa presscon ng T2 kagabi, March 18, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Pero ano ang mas mahirap gawin para sa kanya—horror movie na tulad nga nitong T2 o heavy drama?

"Alam mo kasi ito, kumbinasyon, e. Bigla kayong magugulat dito. Bigla rin kayong matatakot dito, maiiyak kayo rito."

Pero ano ang pinakamahirap?

"Alam n'yo yung may tinatawag na work, so tatrabahuhin natin, di ba? Wala namang madali kasi if it used to be easy, probably because hinuhusayan kasi namin."

Tungkol sa engkanto ang istorya ng T2 na ang ibig sabihin ay Tenement 2. Ayon kay Maricel, wala pa naman siyang nae-experience in real life about engkanto. Pero kung sakaling mangyari, how would she react?

"Naku, depende... Ang hirap kasing mag-react na say mo na ganito ngayon, tapos kapag nandoon ka na, wa' ka naman pala talk show, hindi ka na nagsasalita. Tulala! Na-hypnotized na siguro ako. Although, sinasabi kasi nila, ang gaganda nila, may something na yun din, ipinakita namin dito," saad ng aktres.

Continue reading below ↓

WHAT'S NEXT FOR MARYA? Two years bago nasundan ang huling movie na ginawa ni Marya, ang 2007 Metro Manila Film Festival entry na Bahay Kubo. Sa telebisyon, ano ang aabangan sa kanya?

"Well, yung Florinda, isu-showing nila. Pero hindi ko pa alam kung kailan. May timing-timing kasi 'yan, di ba? Supposedly ipapalabas na kaagad, pero parang nanghihinayang sila na ipalabas kaagad nung time na kung kailan man yun ay nalimutan ko na naman. Parang ganoon...

"Yung timing, gusto nila, yung meron silang naiisip na mas maganda. Siyempre, alam nila kung ano ang mas maganda. Kung ano ang mas nakakabuti at karapat-dapat kaya nakikinig ako," saad ni Maricel.

Hindi ba siya naiinip?

"Hindi naman. May ginawa kasi ako, ito ngangT2."

Tapos na ang movie, tapos na rin niyang i-tape ang Florinda, ano naman ang susunod na aabangan sa kanya?

"Aba, e, pagpahingahin mo naman ako! Parang nagmamadali na naman tayo? May hinahabol ba tayong metro?" natatawa niyang sabi.

Continue reading below ↓

Pero ayon sa manager ni Maricel na si Wyngard Tracy, isang pelikula na naman ang susunod na gagawin ng Diamond Star.

AGELESS BEAUTY. Kung may kapansin-pansin man kay Maricel, ito ay ang looks niya na tila hindi yata nababago ng panahon at hindi tumatanda. Sa press conference nga kagabi ay nagra-radiate ang very fresh aura niya.

"Ha?" nakangiti niyang reaksiyon. "Pumayat na kasi dahil nga nagsu-shooting. Takbo kami nang takbo ng mga bata!"

Pero ano ang beauty regimen niya?

"Naku, ano nga ba ang beauty regimen? Me ganun ba? May ganyan ba tayo?" tawa niya.

Naliligo pa rin siya ng gatas?

"Wala nang ganyan! Ano ba kayo?"

Pero nilinaw niyang never pa siyang nagpa-botox.

"Gumagalaw ang mukha ko, ha! Gumagalaw 'yan!" tawa niya.

Pero hindi naman daw siya against sa pagpapaganda sa pamamagitan ng siyensiya.

"Alam n'yo, wala naman tayong kunukuwestiyon sa ganyan. Alam n'yo, wala ng mga ganun-ganun. Yun, nirerespeto ko yun kung ano ang gusto nila. Kung gusto nilang magpaganda, wala namang problema. Kanya-kanya lang. Ngayon, kung meron akong gustong baguhin sa akin, e, naku, napakalaki ng arms ko! Yun ang pakiramdam ko palagi. Yun ang aking frustration, e, palagi!"

Continue reading below ↓

LOVE TALK. Kumusta naman ang lovelife niya?

"Ako? Masaya ko! Ewan ko kayo!" tawa ni Maricel.

Meron ba?

"Of course! Dalawa!" nakangiti sabi ng Diamond Star, na ang tinutukoy niya ay ang dalawa niyang anak na sina Marron at Tien-Tien.

Pero may lovelife ba siya aside from her two boys?

"Tingnan natin, baka hindi pa right time!" natatawa niyang sabi.

Posible kayang dahil sa lovelife kaya siya blooming?

"Well... Well, o! Masaya kasi...masaya ako! Di ba, matagal na akong masaya? Pero yun ang sinasabi ko na hindi kasi yun pwedeng i-deny kapag happy ka inside. Lumalabas daw yun sa mukha."

So, saan nanggagaling yung happiness na yun?

"Aba, e, nagdarasal ako palagi. Alam mo, hindi eklat yun ha! Walang etching yun! Hindi kasama si Charito rito sa usapan!"

Hindi kasama ang lovelife para maging masaya?

"Actually," pagsang-ayon nga niya.

Ayon kay Marya, legally ay puwede na pakasal ang dati niyang mister na si Edu Manzano dahil napag-usapan na raw nila ang tungkol sa annulment. Masaya naman daw siya para sa dating asawa kung totoo ngang nagpaplano na si Edu na magpakasal sa rumored girlfriend nitong si Pinky Webb.

Continue reading below ↓

Pero sa parte ni Maricel, tila nadala na siya sa pagpapakasal. Isang mahabang "Ayokooo!" ang isinagot nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung kailan naman siya ulit ikakasal.

Iwas-pusoy pa rin siyang mapag-usapan kung sino talaga ang nagpapasaya sa kanya ngayon. Aniya, "Baka nga maudlot kaya huwag nating pag-takshowhan!"

Saan ba sila nag-meet?

"Aba ang kulit, a! Ang kulit, a! Sinabi na ngang baka maudlot!"

May theme song ba sila?

"Masyado pa tayong maaga diyan! Naku, mamaya 'pag check ko ng phone ko, wala na akong text! Wala na naman! Naudlot na naman ito!" tawa ni Maricel.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Masaya ako! Di ba, matagal na akong masaya? Pero yun ang sinasabi ko na hindi kasi yun pwedeng i-deny kapag happy ka inside. Lumalabas daw yun sa mukha," says Maricel Soriano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results